Watch: Ang tatlong suspek sa gang-rape ay arestado matapos mang rape ng isang dalagitang may special needs

Watch: Ang tatlong suspek sa gang-rape ay arestado matapos mang rape ng isang dalagitang may special needs

Ang tatlo sa apat na suspek na umanoy nanghalay sa dalagita na may special needs sa Tanay, Rizal, ay naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation

Trillanes: Alam ni Faeldon ang mga aktibidad ng Davao Group sa Customs
MRT passengers, dumanas ng ‘horror ride’
Ang tatlo sa apat na suspek na umanoy nanghalay sa dalagita na may special needs sa Tanay, Rizal, ay naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation at Detection Group. matapos ang halos apat na taon nilang pagtatago.
Ang tatlong suspek ay natagpuan ng mga awtoridad matapos na may mag-tip sa kanilang kinaroroonan.
Nasa pangangalaga na ng DSWD ang dalawang menor de edad na suspek, ngunit hindi raw nagsisisi ang mga suspek dahil ginusto raw ng biktima ang mga nangyari, at sinisi pa nila si “Marga” ang biktima na may special needs kaya hindi nakakapagdesisyon ng maayos dahil sa kanyang kalagayan.
Ayon sa suspek, “Tinawag po kami ng babae tapos wala pong pwersa na nangyari,”
Ang isang suspek ay nasa himpilan ngayon ng Tanay Police Station.
Ayon sa lola ni Marga, noong 2013 pa nang narinig daw niya na nagkukwento ang mga lalaki na may ginahasa silang dalagita sa kanilang lugar, ngunit hindi pa alam ng lola na apo nya pala ang pinag-uusapan.
“Sabi ko, salbahe naman yang mga taong iyan. Hindi ba nila naiisip na masama yung kanilang ginawa, na pwedeng ikamatay ng bata yung ginawa nila?”
Nang madiskubre nilang ang 13-years-old na si “Marga” nga ang kanilang ginahasa sa isang liblib na lugar sa Tanay, Rizal ay lalong nanggalaiti ang lola at kanyang pamilya.
“Hindi ko pa po alam na yung apo ko ang kanilang pinag-uusapan.”
Napansin ng lola ng biktima na nag-iba ang kilos ni “Marga”
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa apo. “‘Wala po,’ sabi niyang ganyan.”
Ayon sa lola ng biktima “Para siyang nag-iisip na wala siyang imik. Hindi mo makausap. Hindi naman siya magsabi ng ‘Mommy, sinalbahe nila ako.’ Hindi siya magsabi kasi natatakot daw po siya sa kalagayan ko kasi nung panahong iyon, pabalik-balik ako sa ospital,” dagdag pa ng lola.
Isa lang sa apat na suspek ang naaresto nang mag report ang mag lola sa Police.
Ayon kay Police Senior Inspector Paolo Benito, Deputy Chief ng CIDG, QC. “Yung suspek po na minor, after ng incident, nahuli po siya then na-turn over DSWD. May lumapit po sa atin na informant na sabi niya, alam niya kung saan nagtago yung mga kasamahan,”
Napauwi ang ina ng biktima na isang OFW, at nagdesisyong itutuloy ang counseling sa anak.
Ayon sa ina “Nakikita ko po kasi talaga sa kanya na hindi po siya yung dating anak ko. Yung attitude niya noon na batang malambing. Ngayon po, hindi po, madali po siyang magalit,”.
WATCH VIDEO BELOW (Source: GMA NEWS ONLINE)

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox