Binugbog, Pinaso at Binuhusan ng Kumulong mantika ang isang OFW sa Malaysia

Binugbog, Pinaso at Binuhusan ng Kumulong mantika ang isang OFW sa Malaysia

Isang Pinay overseas Filipino workers ang pinahirapan ng kanyang amo sa Malaysia. Matinding pahirap ang dinanas ng isang dating guro sa Pilipinas sa

Pinoy immigrant sa US ay handang tulungan ng ating Pamahalaan
Trump Refers to Questionable Muslim Execution Story over Again
Isang Pinay overseas Filipino workers ang pinahirapan ng kanyang amo sa Malaysia. Matinding pahirap ang dinanas ng isang dating guro sa Pilipinas sa kanyang amo.
Si Joramie Garcia Torres ay nangibang bansa para makatulong sa kanyang pamilya, ngunit hindi nya inaasahan na ganun nalang ang mangyayari sa kanya.
Dahil sa pagpaso ng mainit na kaldero at pagbuhos ng kumukulong mantika na lapnos ang kanyang balat.
Ayon sa kapatid ng OFW na si Raccie Torres “Yung kanang mata niya medyo nanlalabo na. Yung kaliwang mata niya yung medyo malinaw pa. Pero ang kaliwang parte ng bibig niya dikit dahil sa paso ng kawali. Tapos nagtutubig ang pisngi niya hanggang noo niya. Yung kaliwang pisngi niya, tuyo na dahil sa basang init ng mantika”
Umalis si Joramie noong nakaraang Disyember lang matapos mag-apply sa isang agency sa Quezon City.
Nung una nadestino si Joramie sa Ipoh, Perak ngunit wala pang isang buwan tumakas si Joramie dahil umanoy pinagbantaan sya na hahalayin ng kanyang amo. Nagpunta si Joramie sa sister agency ng recruiter at ipinasok sya sa ibang amo na umanoy isang finance manager sa isang oil refinery.
Hindi na nakausap ng pamilya mula noon, maliban nalang noong Pebrero 1 na pista ng Silang kung saan malungkot ang OFW at tila umiiyak.
Yon nalang ang huling komunikasyon nila kay Joramie hanggang sa malaman nila na nawawala na si Joramie noong Hunyo.
Noong September 1 nakatanggap ang pamilya ng tawag mula sa mag-asawang OFW na umanoy tumulong kay Joramie at nakakita sa kalunos-lunos na kalagayan nito.
Ayon kay Raccie kapatid ng biktima, madaling araw nang makita ang kaniyang kapad na si Joramie sa isang abandonadong lote na umanoy dating isang pozo negro.
Inakala ng mag-asawa na undocumented OFW ang biktime na si Joramie, palihim nila dinala sa simbahan na naka sako at doon ay muli niyang nakausap ang pamilya sa Pilipinas.
Ayon kay Ramon ama ng biktima, nang makausap niya ang kanyang anak sa telepono ay umiiyak ito, pero nanatiling matatag at nangakong ipaglalaban ang nangyari sa kanya.
Ayon sa kay Ramon ama ng biktima “”Umiiyak eh, sabi, ‘Tay nahirapan ako rito tay. inano nila ko. ‘Wag ka mag-alala tay, ilalaban ko ‘to.’ Sa isip ko pa lang ho, yung salitang ilalaban ko, talagang pinahirapan ang anak ko”
Lumapit sila sa Department of Foreign Affairs sa Maynila para umanoy kumustahin ang kalagayan ng kanilang anak.
Sinabihan sila na inaasikaso nila ito at patuloy ang kaso.
Na dakip ang mag-asawang amo ni Joramie, ngunit nakalaya rin ang mga ito nang makapagpiyansa sila.
Inirereklamo rin ng pamilya ni Joramie ang agency dahil umanoy sa pahayag nito na tila pinagdududahan ang kanilang anak na umanoy plano talagang tumakas sa kanyang amo.
At sinabo pa umano ng agency na nakabali na sa Pilipinas ang biktima.
Sobrang sama ng loob ng pamilya ni Joramie sa sinapit ng kanilang anak, dahil isang dating guro sa Pilipinas at mas pinili ang mangibang bansa para lang makatulong sa kanyang pamilya.
Ayon sa ina ni Joramie “Napakasakit, teacher ang anak ko dito tapos makikita ko ganiyan na lang ginawa nila, Nagbabakasakali lang naman siya na makatulong sa amin. Ang pangarap niya unang niyang bibilhin tricycle ng tatay niya”
Ang pamilya ni Joramie ay humihingi ng tulong sa ating Pangulong Rodrigo Duterte para makamit ang hustisya, maparusahan ang may sala at maiuwi nang maayos ang kanilang anak na si Joramie..
Sa October na ang susunod na pagdinig sa kaso ni Joramie..
Source: GMA NEWS ONLINE

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox