Mga Kapitan sa Bulacan Hinihingan ng drug list ng PDEA at PNP

Mga Kapitan sa Bulacan Hinihingan ng drug list ng PDEA at PNP

Ang mga Kapitan sa Malolos Bulacan, posible raw na protektor ng droga, kung mabibigong tumugma ang kanilang listahan ng mga sangkot sa ilegal na drog

President Duterte ay naglaan ng P500M para sa mga nasugatan na mga sundalong nakipaglaban sa Marawi City
Duterte takes a Peek at Leila’s Prison

Ang mga Kapitan sa Malolos Bulacan, posible raw na protektor ng droga, kung mabibigong tumugma ang kanilang listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga sa kopya ng Pulis at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Personal na ipinarating ng Pulis at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 51 kapitan ng Malolos Bulacan ang mensahe ni President Rodrigo Duterte na dapat makapagbigay sila ng listahan ng sangkot sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa hepe ng Malolos Bulacan Police na si Superintendent Heryl Bruno “Sa laban ng kampanya ng ilegal na droga, sa tagal ng panahon na iyan, sa oras na ibinigay sa iyo, bakit meron pa ring illegal drug personality sa barangay mo? Anong mangyayari? Either ikaw ay protector o hindi mo ginagawa yung function mo as barangay captain o talagang may personal kang alam kung ano ang ginagawa nila,”

Ayon sa ulat, kung hindi sila makikipagtulungan, posibleng mapasama ang mga kapitan sa listahan ng Pulisya ng high-value targets.

Ayon kay Jack Castro, provincial operation officer ng PDEA-Bulacan, “Hindi ko naman direkta na sinabi na mga protektor kayo, sinabi ko lang na posibleng lumabas na ganu’n sila kasi wala silang ginagawang aksyon sa barangay nila. So ipakita nila, maging hamon sa kanila na sabihin yung mga totoong pangalan para hindi nahihirapan ang pulis,”

Tinanggap ng samahan ng Malolos Bulacan ang hamon na magpakita ng listahan, bagama’t nangangamba sila sa sinabi ng Pulisya at ng PDEA.

Ayon kay Dionisio Mendoza, presidente ng Association of Barangay Captains ng Malolos, “Talaga pong medyo masakit na sabihing protektor ka dahil hindi naman totoo eh. Ngayon, kung iyan po ay hamon, sige po, tatanggapin naming hamon at patutunayan namin sa kanila talaga na sumusunod kami, hindi kami poprotekta,”

Sa mga susunod na araw, ipapatawag muli ng mga owtoridad ang mga kapitan para sa kanilang listahan.

Patuloy naman ang mga operasyon ng Pulisya sa Malolos Bulacan kontra droga.

Ayon kay Castro “”For now, dito sa Malolos, nababawasan na, hindi naman natin masabi na ubos na kasi may nahuhuli pa’t may mga anti-drug operation pa rin tayong nagagawa rito.


COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox