Sinaway lang nanaksak na, Panoorin ang video

Sinaway lang nanaksak na, Panoorin ang video

Isang menor de edad ang nanaksak ng isang 53 years old na lalaki sa sampaloc maynila. Nag ugat ang krimen na ito, matapos sawayin ng isang 53 years o

Metro Manila’s Flooded Roads Lists because of Typhoon Maring
Leila De Lima said: Rody’s today’s Attack a Diversionary Tactic
Isang menor de edad ang nanaksak ng isang 53 years old na lalaki sa sampaloc maynila. Nag ugat ang krimen na ito, matapos sawayin ng isang 53 years old ang isang menor de edad. Napag alaman rin na ang suspek ay ilang beses na umanong nasangkot sa nakawan.
Ang biktimang si Samuel Clampano, 53 years old, ay patuloy na inoobserbahan sa ospital, matapos saksakin ng isang menor de edad at tamaan ang kaniyang baga.
Noong Miyerkules dakong 3:00 am, nahuli cam sa Roxas Street sa Sampaloc, at nakita sa CCTV na ang menor de edad ang unang sinasaway ng barangay tanod matapos na ireklamo ng Biktima na si Samuel Clampano ang menor de edad dahil sa kanyang pag-iingay.
“Ayon sa kinasama ng biktima na si Trinidad Comboy: Ang ingay talaga ng boses, tapos sabi naman nung asawa ko, ‘Huwag kayong maingay diyan. Natutulog na yung mga tao. Nakakabulabog kayo,'”
Ang amain ay tumulong na rin sa pagsaway sa menor de edad at makikita rin ang kanilang pagtatalo sa kalsada. At maya-maya pa ay nauwi na sa suntukan ang kanilang komprontasyon.
At makikita rin sa CCTV na kumuha ng bato ang menor de edad at inihagis nya ito papunta kay Clampano.
Ang umawat na tanod ay sinuntok din at kinalmot ng menor de edad ang mukha nito.
Panandaliang humupa ang tensyon, ngunit lumabas ulit ang menor de edad at mayroon ng nakatago na patalim at sinugod nya si Clampano.
May hawak din umano si Clampano na patalim, ngunit naunahan sya ng menor de edad.
Ang kwento ng kinasama ni Clampano: “May nagsabi sa kanya na ‘Pre, may tama ka na.’ ‘Neng, neng, dalhin mo ko sa ospital mamatay na ako, may tama ako,’ sabi ng asawa ko,”
Ang kapitan ng Barangay 446 na si King Ancheta, labas-masok umano sa DSWD ang menor de edad sa mga kasong pagnanakaw.
Dinala muli sa DSWD ang menor de edad, dahil sa bagong kinasangkutang gulo.
WATCH THE VIDEO BELOW (Source: GMA NEWS ONLINE):

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox