Watch: Charleanne Jandic – Babaeng tumulong sa pasaherong naaksidente sa MRT

Watch: Charleanne Jandic – Babaeng tumulong sa pasaherong naaksidente sa MRT

CharleanneJandic ang babaeng tumulong sa pasaherong naputulan ng braso matapos maaksidente sa MRT-3 nitong martes. Itinuturing na bayani si Charlea

Duterte takes a Peek at Leila’s Prison
Sinaway lang nanaksak na, Panoorin ang video

CharleanneJandic ang babaeng tumulong sa pasaherong naputulan ng braso matapos maaksidente sa MRT-3 nitong martes.

Itinuturing na bayani si Charleanne Jandic dahil sa kanyang pangunguna sa pagtulong sa babaeng naputulan ng braso sa Ayala station.

Si Charleanne Jandic ay tubong Polomonoc, Sout Cotabato, at postgraduate medical intern sa Chinese General Hospital and Medical Center.

Ayon kay Charleanne Jandic, siya ay sumakay ng MRT para bisitahin ang kanyang tiyahin.

Habang nasa istasyon ng tren si Jandic, nangyari ang hindi inaasahan nang biglang mahilo si Angeline Fernando ang babaeng naaksidente sa MRT at itoy nahulog sa riles na kung saan nahagip siya ng papaalis na tren na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang braso.

Nang makita ito ni Charleanne Jandic, hindi siya nagdalawang-isip na tumulong para mabigyang ng first aid si Angeline.

Kaagad niya ito binalutan ng cardigan ang sugat at tinalian ng sinturon na galing sa isang pulis para mapigilan ang pagdurugo, at ipinakuha rin niya ang braso ni Angeline na naputol na naiwan sa riles ng tren.

Nagpasalamat rin si Charleanne Jandic sa guard dahil sinunod nila ang kaniyang mga sinasabi.

At kahit itinuturing ng marami na malaking bagay ang nagawa ni Jandic, para sa kaniya, “”Ginawa ko lang po talaga ‘yung dapat gawin.”

Panoorin ang video sa ibaba: Source: GMA NEWS ONLINE

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox