Christmas street lights sa Makati

Christmas street lights sa Makati

Sinabing gawa sa Inabel at Burdado mula sa Luzon, Banig at Tikog mula sa Visayas at T'boli Ukil at Yakhan mula sa Mindanao ang mga street lights sa Ay

5 Tips kung ano ang mga dapat gawin kung nag-withdraw sa ATM pero walang lumalabas na pera at nakaltasan pa ang account mo
Nanutok ng baril at nakipaghabulan sa mga pulis ang lalaking ilang buwan pa lang nakalaya
Sinabing gawa sa Inabel at Burdado mula sa Luzon, Banig at Tikog mula sa Visayas at T’boli Ukil at Yakhan mula sa Mindanao ang mga street lights sa Ayala Avenue sa Makati City.
Ngayong papalapit na ang Pasko, sinindihan na rin ang mga Christmas tree at lights sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Sa Makati City, tampok ang mga Christmas lights na katutubong habi at burda ang pagkakadisenyo.
Naghandog din ng dance performances ang mga estudyante sa Calamba, Laguna, kasabay ng pag-iilaw ng isang higanteng Christmas tree sa kanilang city hall.
May temang winter holiday naman ang higanteng Christmas tree na pinailawan sa Maynila sa loob ng isang mall. Ang pagbubukas ay dinaluhan ng mga batang may cancer mula sa Philippine General Hospital.
Dinarayo naman sa Tupi, South Cotabato, ang miniature Christmas village sa isang resort. Tampok dito ang swimming pool na napapaligiran ng makukulay na ilaw.
Tampok naman sa isang mall ang mga higanteng parol sa Legazpi City, Albay, na gawa ng mga preso. Gawa sa sea shells ang parol mula sa Placer, Masbate jail; gawa sa plastic bottles ang parol mula sa Legazpi City Jail; at gawa sa mga dahon at bunot ng niyog ang parol mula Ligao City at Pio Duran jail.
Source: Gma News Online

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox