Hippo na tumakas sa zoo

Hippo na tumakas sa zoo

Sa ulat ng Reuters, nakunan ng security camera ang tila paglalarmiyenda ng hippo na dahan-dahang naglalakad palabas ng zoo sa isang gate na naiwang n

Engkwentro ng Tropa ng Gobyerno at NPA sa Batangas
Duterte takes a Peek at Leila’s Prison
Sa ulat ng Reuters, nakunan ng security camera ang tila paglalarmiyenda ng hippo na dahan-dahang naglalakad palabas ng zoo sa isang gate na naiwang nakabukas.
Isang hippopotamus sa safari zoo sa Ramat Gan sa Tel Aviv District sa IsraeI ang nakalabas ng kaniyang kulungan nang maiwang bukas ang gate ng pasilidad. Pero laking gulat ng mga nagbabantay nang makita nilang bumalik ang dambuhalang hayop pagkaraan ng ilang sandali.
Inakalang mauulit ang  nangyari sa zoo tatlong taon na ang nakalilipas nang makatakas ang tatlong babaeng rhino nang makatulog ang guwardiya.
Ayon sa zookeeper na si Mor Kaduri-Porat, tinikman ng hippo ang damo sa labas na iba sa nakalagay sa kaniyang puwesto sa zoo.
Sa pagkakataong ito, nakita ng security personnel ang paglabas ng hippo sa main gate pero maya-maya lang ay nakitang bumalik din ang hayop na dahan-dahan pa ring naglalakad
Pinuntahan din umano at sinilip ng hayop ang palikuran ng mga tao sa labas bago bumalik sa loob ng zoo.

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox