Lalaki, nasugatan matapos maipit sa pintuan ng LRT-1

Lalaki, nasugatan matapos maipit sa pintuan ng LRT-1

Nitong Martes, kinilala ang biktima na si Julieto Eco, 48-anyos, residente ng Tanza, Cavite. Nagtamo siya ng mga sugat sa katawan at mukha dahil sa p

Watch: Crying sisters ng Misamis Occidental
Gordon wants to be Kicked out of Blue Ribbon committee by Trillanes
Nitong Martes, kinilala ang biktima na si Julieto Eco, 48-anyos, residente ng Tanza, Cavite. Nagtamo siya ng mga sugat sa katawan at mukha dahil sa pagkakakaladkad sa platform ng Gil Puyat Station.
Isang pasaherong lalaki ang isinugod sa ospital matapos siyang makaladkad ng tren ng Light Rail Transit 1 sa Pasay City nitong Lunes ng umaga nang maipit ang kaniyang binti sa pintuan ng isang bagon.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, sinabing nagmamadali umanong sumakay ang pasahero nang biglang nagsara ang pintuan ng tren.
Nangyari ang insidente nang maipit ang biktima sa pinto ng bagon na bigla umanong nagsara.
Pero sa halip na bumukas muli ang pinto, tuluyang itong nagsara kaya naipit ang biktima at nakaladkad nang umarangkada ang tren.
Sa hiwalay na panayam ng GMA News TV “QRT”, sinabi ni Engr. Rod Bolario, operations director ng LRT-1, sinabi nito na pasara na ang pinto ng bagon pero humabol ang biktima at ipinasok ang kaniyang hita.
Ipinaliwanag ni Bolario na first generation o mga unang tren ng LRT-1 ang nasangkot sa insidente na tuluyang nagsasara ang pinto kahit pa may maipit na bagay
Naitigil naman ang tren nang maalerto ang makinista o nagpapatakbo ng tren.
Tiniyak naman ng opisyal na may tauhan sila na nag-aasikaso sa pangangailangan ng naaksidenteng pasahero sa ospital.

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox