MRT passengers, dumanas ng ‘horror ride’

MRT passengers, dumanas ng ‘horror ride’

Nitong Biyernes, sinabing nagsimulang magpatay-sindi ang mga air-con ng tren na sinakyan ng mga pasahero sa North Avenue Station. Tila bangungot ang

Couples who are involved in an Investment Scam, in Batangas do ”Walk of Shame”
Christmas street lights sa Makati
Nitong Biyernes, sinabing nagsimulang magpatay-sindi ang mga air-con ng tren na sinakyan ng mga pasahero sa North Avenue Station.
Tila bangungot ang dinanas ng ilang pasahero ng MRT matapos na magloko ang mga pinto ng isang bagon at dinala pa sila ng tren sa madilim na bahagi ng depot sa may North Avenue.
Ipinaliwanag ng anunsyo na sira daw ang pinto ng bagon kaya pinababa sila.
“Nag-start na mag-malfunction ‘yung train. Usually parang namamatay ‘yung air-con. Tapos nagre-restart siya,” ayon sa pasaherong si Hero Silva Hernandez.
Dito na nagsimula ang mala-horror train ride nang hindi gumana ang mga emergency buttons ng tren at wala sumasagot sa kanila.
“Around 50 kami. Noong pababa na kami, biglang nag-close yung door,” ayon pa kay Hernandez.
Matapos umandar, pumasok sa madilim na lugar ang tren pero hindi sa isa sa mga tunnel na nasa ruta ng MRT.
“The guard in the area nag-signal siya na may mga naiwan pa sa loob. Pero dire-diretso pa rin,” kuwento pa ni Hernandez.
Pinaghintay ang mga pasahero ng bagong tren para makabalik sila sa North Avenue Station, na aabot sa 15 minuto kung lalakarin.
Saka lang bumukas ang mga pinto pagdating ng tren sa depot kaya nakababa ang mga nakulong na pasahero.
“Pipila ka ulit ng another one hour. We decided, mga 20 kami, na mag-stay at maghintay sa magagawang train,” pahayag ni Hernandez.
Natapos ang tila bangungot, pero may kalbaryo pa rin silang kinaharap.
Hindi pa nagbibigay ang pamunuan ng MRT ng paliwanag sa nangyaring aberya.

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox