Watch: Matagumpay na Naikabit ng mga Doctor ang Naputol na Braso ni Angeline

Watch: Matagumpay na Naikabit ng mga Doctor ang Naputol na Braso ni Angeline

Nitong Martes lang ng hapon, naputol ang braso ng isang babae na kinilalang si Angeline Fernando, 24 years old, ng Pasay City. Si Angeline ay nahi

Mga Kapitan sa Bulacan Hinihingan ng drug list ng PDEA at PNP
PRRD said to Government Officials: In campaigning, Don’t use the Funds

Nitong Martes lang ng hapon, naputol ang braso ng isang babae na kinilalang si Angeline Fernando, 24 years old, ng Pasay City.

Si Angeline ay nahilo at nahulog sa riles ng MRT-3 Ayala station sa Makati City, at naipit sa tren.

Ayon sa mga doctor, matagumpay umanong naikabit ang naputo na braso ni Angeline.

Kita sa CCTV ang isang guwardiya na tinangkang habulin sa Angeline ngunit nahulog na sa riles ng MRT, at nagkataon na paandar na ang tren nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa pahayag ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez “”Angeline’s arm is reconnected to her body. The bone, the nerve and vessels are reconnected. She is under observation at least until Friday (this week).

Binigyan ng paunang lunas si Angeline, kaagad siyang dinala sa Makati Medical Center.

Ayon sa ama ni Angeline, na ang kanyang anak ay naghahanap-buhay para sa kanila.

Batay sa kuwento ng ina ni Angeline, madalas umanong nahihilo ang anak kapag maraming tao.

Ayon kay Chaves batay sa impormasyon umano ng ina ni Angeline “Nahihilo si Angeline minsan ‘pag maraming tao. Lumalabas siya sa simbahan ‘pag nagsisimba kami kasi nahihirapan siya huminga ‘pag maraming tao.

Ganito rin ang sinabi ng isang kaibigan ni Angeline kay Chavez.

Ayon kay Chavez “hindi pababayaan si Angeline at tutulong ang gobyerno sa pangangailangan nito.

At ayon sa opisyal “Hindi ka namin pababayaan. Hindi ka namin iiwanan.

Panoorin ang video sa ibaba: Source: GMA NEWS ONLINE

COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox