6 Signs Na Hindi Ka Pa Handang  Makipagrelasyon

6 Signs Na Hindi Ka Pa Handang Makipagrelasyon

Nakipagdate ka na ba! at nagiisip ka na makipagrelasyon? o kalilipat mo lang ng bahay, kasi nagkaroon ka ng bagong trabaho, o kaya kakaumpisa pa lang

15 Ways to tell if someone is Suicidal
5 Ways How to Deal with Break Up
Nakipagdate ka na ba! at nagiisip ka na makipagrelasyon? o kalilipat mo lang ng bahay, kasi nagkaroon ka ng bagong trabaho, o kaya kakaumpisa pa lang ng pasukan, wala kang mga kakilala at gusto mo magkaroon ng mga kaibigan. Siguro napapaisip ka na makipagdate kaya ako o maghanap ng makarelasyon, dahil sa henerasyon ngayon. Kaya nape pressured kang makipagrelasyon dahil single ka. Pero ang pagpasok sa isang relasyon ay malaking obligasyon. Nagdadalawang isip ka na subukan dahil hindi mo alam kung bakit.

 Ito ang anim na palatandaan na hindi ka pa handang makipagrelasyon:

1. Mas pinapahalagahan mo pa ang makahanap ng perfect partner kaysa ayusin ang sarili mo, palagi kabang nangangarap na mahanap ang taong para sayo?  Pag naglalakad ka sa kalsada, nakikita mo ang mga mag jowang naglalakad ng magkaholding hands, at sweet, o magkaakbay na nag-aantay ng masasakyan? Natural lang naman isipin na kung sino ba ang soulmate mo? Ang pagibig ay exciting talaga yan lalo na pag marami kayong similarities ng taong gusto mo. Pero ang relationship ay nangangailangan ng effort para magwork out yan, Kinikilig ka pag nakita mo siya, hindi pa ultimate love yan, Minsan ang paghahanap ng perfect partner ay hindi dapat pinag aaksayahan ng panahon, wag kang mag aksaya ng effort sa kakahanap sa taong nasa kanya ang mga qualities na hinahanp mo. Instead magfucos kang ibuild up ang sarili mo, dahil ang love kusang darating yan.

2. Pagka tinutupad mo pa ang pangarap mo at hinahanap mo pa ang bagay na makapagpapasaya sayo, gusto mong magtravel at makita pa ang iba’t ibang lugar, o kaya sumasali kapa sa mga iba’t ibang workshop na makapag eenhance pa ng skills at talent mo na pwede mo magamit para maging career mo, wala namang mali dyan, ang paghahanap ng makapagpapasaya sayo ay masayang karanasan.Dyan mo maiisip kung ano ba talaga ang hinahanap mo.

3. Gusto mo palaging may tutulong sayo, hindi naman romantic ang merong tao na tutulong sayo sa problema at paghihirap mo kung hindi ka masaya at gusto mo agad malagpasan ang problema mo, ang pakikipagrelasyon ay hindi sagot, hindi mo pwedeng asahan ang isang tao na lumutas sa problema mo o mawala agad ang sakit na nararamdaman mo, hindi magandang gamitin ang pakikipagrelasyon para makalimot sa problema, sa katunayan nakakaattract pa ito ng toxic partner na palagi nalang umaasa, wag kang mag-antay na palaging may isang taong tutulong sayo. Kung kailangan mo ng tulong normal lang yun. Makipag communicate ka sa mga taong andyan palagi, na dadamay sayo sa mga problema mo, at hindi ka iiwan.

4. Minsan naiisip mo parin ang ex mo at palagi siya ang bukambibig mo, hindi mo mapigilan kahit saan at kahit sinong kaharap mo palagi mo siyang nababanggit. Unfortunately minsan wrong timing ka magmahal kung kelan mo naisip na ready ka na makipagrelasyon sa isang tao, minsan andun pa sila sa state na nasa recovering pa sa heartbreak o umaasa pa na magkabalikan pa sila ng ex niya o
vice versa.

5. Ayaw mong tanggapin na mali ka at nahihirapan kang magsorry, kung meron kang ugali na palagi ang gusto mo ay ikaw ang tama, at nagmamatigas ka pa kesa sa itama ang mali mo .Siguro wag ka munang pumasok sa isang relasyon, mag fucos ka muna, kung paano mo maitatama ang mga mali mo, sa isang relasyon inuunawa niyo ang pagkukulang ng isa’t isa, pag-isipan mong maigi ang mga desisyong gagawin mo, lahat ng bagay ay may kahihinatnan.

6. Ayaw mong ibahagi ang nararamdaman mo dahil natatakot kang hindi ka magugustuhan, kung meron kang ugali na ayaw mong ipaalam ang nadarama mo. Dahil takot kang mareject. Then isipin mo na mahina ka, umpisahan mo sa family at mga friends mo, para matulungan ka nila mailabas ang saloobin mo. Sa pakikipagrelasyon kapag pinahintulutan mo ang isang tao na makita kung sino ka talaga, ito ang tanging paraan para mahalin ka ng isang tao ng totohanan, pero kung natatakot ka na baka hindi ka niya magustuhan, wag yun ang isipin mo. Palakasin mo muna ang tiwala mo sa sarili, bago ka makipagrelasyon sa kahit kanino, ang masayang relasyon ay para sa dalawang taong hindi natatakot ipakit kung anong ugali meron siya, wag ka munang pumasok sa isang relasyon kung hindi kapa sigurado sa pakikipagdate.


COMMENTS

WORDPRESS: 0
DISQUS: 0

Get more stuff like this
in your inbox

Subscribe to receive inspiration, ideas, and news in your inbox