A ng malunggay (moringa oleifera) ay isang halaman na tumutubo sa bansang may tropikal na klima gaya ng Pilipinas, India at Africa. Kadal...
Si Health Secretary Francisco Duque III ay nagbigay ng karagdagang mga tips upang maiwasan ang coronavirus matapos nitong kumpirmahin sa Huwebes January 30,2020 na may isang kaso na nakapasok dito sa Pilpinas. Sabi ni Duque, dapat sundin ang precautionary na hakbang gaya ng pagkain ng mga mayayaman sa Vitamins A,C, E at zinc. Sinabi din niya na dapat daw uminom ng maraming fruit juice at maglagay ng malunggay sa sabaw o sa anumang ulam. Dagdag pa niya na iwasan ang mga matataong lugar at magsuot ng surgical mask para labanan ang anumang virus.
Kinumpirma ni Duque na may nakapasok na kaso ng novel coronavirus sa bansa na isang 38-year old Chinese National na taga Wuhan, China. Siya ay nakarating sa bansa via Hong Kong nong January 21,2020. Nagpa konsulta at na admit ang patiente sa isang government hospital nong January 25 dahil siya ay inuubo. Sa kasalukuyan, ang patiente ay walang naramdamang sintomas.
Ayon sa Kalihim, sinisigurado niya ang publiko na ang Department of Health na nasa mataas na pag iingat sa ganitong sitwasyon. Nalaman nila ang unang kaso sa bansa dahil may matibay silang surveillance system at nakikipagtulungan din sa World Health Organization at sa iba pang national agencies. Dagdag pa niya na maging kalma lang at maging maingat ang publiko sa lahat ng panahon at panatilihin ang pagkakaroon ng good personal hygiene at e sanay din ang mga healthy lifestyle.
COMMENTS