Food
Ang Pagkain ng Malunggay Nakatutulong Sa Pag-iwas sa Coronavirus
Published
3 years agoon
By
Admin
Ang malunggay (moringa oleifera) ay isang halaman na tumutubo sa bansang may tropikal na klima gaya ng Pilipinas, India at Africa. Kadalasan itong ginagamit bilang sangkap ng pagkain at herbal na medisina sa iba’t-ibang karamdaman.
Si Health Secretary Francisco Duque III ay nagbigay ng karagdagang mga tips upang maiwasan ang coronavirus matapos nitong kumpirmahin noong January 30, 2020 na may isang kaso na nakapasok dito sa Pilpinas.
Kinumpirma ni Duque na may nakapasok na kaso ng novel coronavirus sa bansa — isang 38-year old Chinese National na taga Wuhan, China. Siya ay nakarating sa bansa via Hong Kong nong January 21, 2020. Nagpakonsulta at na-admit ang pasyente sa isang government hospital noong January 25 dahil siya ay inuubo. Sa kasalukuyan, ang pasyente ay wala nang naramdamang sintomas.
Ayon sa Kalihim, sinisigurado niya ang publiko na ang Department of Health ay nasa mataas na pag-iingat sa ganitong sitwasyon. Nalaman nila ang unang kaso sa bansa dahil may matibay silang surveillance system at nakikipagtulungan din sa World Health Organization at sa iba pang national agencies. Dagdag pa niya na maging kalma lang at maging maingat ang publiko sa lahat ng panahon at panatilihin ang pagkakaroon ng good personal hygiene at e sanay din ang mga healthy lifestyle.
You may like
entertainment
Dinosaur? Lechong baka na handa sa Bagong Taon, inulan ng kwelang komento ng mga netizens
Published
3 months agoon
January 2, 2023By
Nami
Karaniwan na lechong baboy ang handa ng ilan kapag sumasapit ang Bagong Taon o kaarawan ngunit may kamahalan nga lang ito kaya bibihira lamang ang mga taong naghahanda nito.
Ito ang madalas na hinahanap sa mga okasyon dahil sa linamnam at sarap nito.
Inulan ng reaksyon ng mga social media users ang ibinahagi ng netizen na si John Elbert Flores sa Facebook group na ‘Homepaslupa Buddies 3.0’ tungkol sa inihanda ng kanyang pinsan nung bagong taon.
“Flex ko lang ‘yung pinsan ko si Apple Flores na nakaka luwag luwag na at Dinosaur ang handa nung bagong taon,” pabiro niyang sinabi sa kanyang caption.
sa kanyang ibinahagi ay magtataka ka sa una kung ano ba ang nakahain sa lamesa pero kung titingnan nang mabuti ay isa pala itong lechong baka. Kwelang komento naman ng ilan ay lechong dinosaur umano ito.
Ayon kay John, lechon baka ito at ang pinsan na lamang niya ang nag-lechon.
“Baka po ‘yun na binili nila then sila na lang po ang nag-Lechon. Natuwa lang ako sa itsura ng Lechon kaya shinare ko, gulat lang din ako sa comments and reactions ng mga tao. Sharing good vibes lang din para happy ang bagong taon,” aniya sa panayam ng ‘Pilipino Star Ngayon Digital.’
Nagkomento naman ng mga kwelang hirit ang mga netizens.
“Matik yan 1 week siguro litson niyan, Dec 26 pa lang inumpisahan na litsonin dec.31 ng hapon naluto.”
“Mummy to galing egypt, inihaw nla ulit pra ihanda sa new year.”
“Mahal po ang Lechong Baka kesa baboy. Malamang ubos ito kung buong barangay ang kakain dahil bibihira ang naghahanda nito tiyak masarap at luto naman ang pagkalitson. Happy eating masarap sa pulutan!
“Masarap sa lechon baka habang kumakain nasa konting baga pa rin nakatuhog at kumukuha lang ng- i-slice kukuha ng kakainin.”
Basahin: Mga mango float na ‘di tinipid pero tinamad’, nagdulot ng katatawanan
Isa rin sa nag-viral ang mango float, kung saan basta na lamang inilagay ang Graham crackers at ipinatanong ang mga hiniwang mangga, batay sa Facebook page na “So Yummy Talaga“.
celebrity
Joshua Garcia, ibinahagi ang mga ginagawa, kinakain para maging healthy sa mga eksena sa ‘Darna’
Published
6 months agoon
September 9, 2022By
Nami
Paano nga ba inaalagaan ng isang Joshua Garcia ang kanyang sarili?
Ipinakilala kamakailan ang Kapamilya star na si Joshua Garcia bilang celebrity endorser ng Koomi sa pagbubukas nito ng ika-100 tindahan ng frozen yogurt brand sa SM Mall of Asia Square.
Bahagi ng kaganapan ang isang meet-and-greet na dinaluhan ng media, influencers, at mga tagahanga. Ang buong hapon ay ginugol sa pagdiriwang ng tagumpay ni Koomi, kabilang ang isang 100-meter-long ribbon-cutting ceremony at iba’t ibang laro para sa mga excited na dumalo.
Ang frozen yogurt ay hindi na bago sa Pilipinas, ngunit binago ng Koomi ang karanasan sa yogurt sa maraming paraan kabilang ang pagkakaroon ng mas matamis na bersyon ng yogurt nito (tinatawag na Filipino blend); ang pagpapakilala ng mga yogurt cake (ang Waterberry Wonder ay dapat subukan), at pinangalanan ang mga inumin nito ng mga nakatutuwang moniker tulad ng “I Banana Dance with Some Berry” o “Banana Know What Love Is,” bukod sa iba pa.
Upang simulan ang milestone ng ika-100 na tindahan, oras na para makakuha ng celebrity endorser, kung saan pinipili ng franchise ng Australia ang isa sa mga natatanging young stars ngayon.
“He is a young, fun, chill guy who likes to stay fit and active but has the need to indulge during his downtime, and prefer healthy food choices,” sabi ng CEO ng Visum Ventures na si Mike Hilton, na nagdala kay Koomi sa Pilipinas noong 2019.
Dumating ang mga tao upang makita si Garcia na masiglang nagpaunalk sa mga nagnais magpa-picture, at laging may nakahahawang ngiti na nakahanda para sa maraming tagahanga na tumatawag sa kanyang pangalan.
Pagkatapos ng event, nagtanong na ang mga host sa kaniya tungkol sa endorsement niyasa Koomi at tungkol sa bago niyang role bilang Sgt. Brian Robles sa “Mars Ravelo’s Darna.”
Sa isang Youtube video kuha ng isang netizen ay mapapanood ang isang pagtatanong sa aktor.
Nang tanungin ng speaker ang aktor kung anong paboritong flavor nito, sagot ni Joshua, “Yung paborito ko ‘yung Ube, pangalan niya ay ‘Will Ube Mine.”
Sinundan naman ito ng isa pang tanong; kung ano ang pinagkakaabalahan ng aktor makalipas ang dalawang taon.
Aniya, pagbabasa, pagwowork-out pagkat kinukundisyon niya ang kanyang sarili upang hindi mabigla sa mga taping ng “Mars Ravelo’s Darna” dahil marami itong action scenes. Hindi naman siya si Darna na may super powers, kaya ginagawa niya umano ang mga bagay na makatutulong sa kanya.
Ayon sa panayam ng ABS CBN, “Sobrang exciting ‘yung fight scenes! Kailangan kasi fit ‘yung character ko since walang [siyang] superpower unlike Darna, so more physical scenes. I do some cardio and talagang kailangan healthy para sa mga fight scenes. Koomi helps me stay healthy, guiltless goodness talaga.” paliwanag ng aktor.
Samantala, sa comments section ay may mga netizens na pabirong nagtanong kung kasama ba ang crush ng bayan sa franchise ng Koomi. hahaha
Food
Back-to-school idea? This mom prepares the most enjoyable lunch for her kid
Published
7 months agoon
August 23, 2022By
Cha Echaluce
Are you sure your children are enjoying their “baon” (packed snacks/meal) in school? This mother has been creating the yummiest and most creative packed lunch for her kid.
On Instagram, mom Riyu Yuda regularly shares her amazing masterpieces: the cartoon-themed lunch meals that she has been preparing for her little one.
“All you need is a bento box, ingredients, and imagination,” read her bio on the popular photo sharing app, where she already has more than 85,000 followers, as of posting.
“If I can dream it, I can do it,” she added.
According to Vietnam Posts English, Riyu started using her talent in preparing bento boxes to help her child enjoy eating healthy food; making even vegetables attractive and palatable to the latter.
A lot of social media users love her creations. Some said these are great ideas for mothers to make sure their kids are eating healthy at home and in school, while others think these meals are just too perfect to eat and they just don’t want to ruin the masterpieces.
“As always, it’s wonderful,” @yabu.sachi wrote. “I can’t eat it.”
“It’s too amazing. This is a genius. It’s wonderful and just looking at it makes me happy,” @aimiishii commented.
“Thank you for your hard work,” Instagram user @donmy.don.my.cor expressed. “It’s wonderful, as expected….What a master.”
Some also got inspired to do the same thing for their children, asking Riyu some tips on how to make their kids’ packed lunch and home meals as appetizing as her creations.
Meanwhile, the creative mom also shared her dream of taking her works to the next level.
“I wanna work at Disney Pixar in the near future,” she also wrote in her Instagram bio.
To our mothers out there, will you try making something as extra as these for your kids, too? Well, no matter how they look, meals made with love will always be the best.

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
