Ina ng magkapatid na ito, iniwan sila matapos sabihing bibili lamang ng payong

Isa sa mga responsibilidad ng mga magulang ay ang kanilang mga anak. Hindi dapat nito kailanman baliwalain o di kaya ay pabayaan, partik...



Isa sa mga responsibilidad ng mga magulang ay ang kanilang mga anak. Hindi dapat nito kailanman baliwalain o di kaya ay pabayaan, partikular na kung ang mga ito at maliliit pa lamang at wala pang alam sa tunay na mga bagay na kanilang haharapin sa mundo.

Katulad na lamang ng nangyari sa magkapatid na ito na iniwan ng kanilang ina matapos sabihin sa kanila na ito ay bibili lamang ng payong, ngunit, ito ay hindi na bumalik.


Ibinahagi naman ng netizen na nagngangalang Myleen delos Reyes de Villar sa kaniyang Facebook account, nakita na ang dalawang bata na umiiyak sa labas ng isang fastfood chain sa may People's park na matatagpuan sa Valenzuela City.

Ayon naman sa pahayag ng mas nakakatandang kapatid, alas sais pa lamang ng umaga ay naroon na sila ng kaniyang kapatid sa labas ng fastfood dahil hinihintay nila ang kaniyang nanay na iniwan sila matapos sabihin na bibili lamang ito ng payong. Sinabi pa nito na sinabi ng kanilang ina sa kaniya na huwag silang aalis sa kanilang pwesto at hintayin lamang siya hanggang sa siya ay makabalik, ngunit, lumipas na ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik ang kanilang nanay.

Halata din na ang mga bata ay tila gutom na gutom na lalo na ang maliit na bata dahil hindi pa sila kumakain ng kahit ano simula nang sila ay maghintay sa pwesto ng ilang oras.

Ilan naman sa mga netizens ang nagtanong sa nakakatandang kapatid kung taga saan silang magkapatid at sinabi naman ng bata na sila ay nakatira sa Tondo at nagpunta lamang sila ng Valenzuela kasama ang kanilang nanay.

Sinabi din nito na hindi niya alam ang daan pabalik sa kanilang bahay kaya hindi din nila alam kung paano makakabalik pa doon.


Kaya naman ibinahagi ni Myleen ang nakakalungkot na pangyayaring ito sa dalawang bata sa pamamagitan ng kaniyang social media accunt upang manawagan sa mga netizens o di kaya naman sa mga kamag anak ng mga bata.

"Kung sino man po ang mga magulang ng mga batang ito pakibalikan naman sla. Kawawa yung bata kanina pa daw 6 am naghihintay dyan. Nagpaalam lang daw ang nanay nila na bibili ng payong pero hindi na bumalik. Taga TONDO daw po sila. Gusto na nilang umuwi pero hindi nila alam kung paano."






Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon sa ginawang pag-iwan ng nanay sa mga bata. Mayroong ilan sa kanila na nagalit sa mga magulang ng mga bata at sa nanay ng mga ito na nag-iwan sa magkapatid. Ang ilan naman ay nag-aalala sa kalagayan ng mga bata at sinabing baka mayroong mangyaring hindi maganda sa dalawang bata kung ang mga ito ay hindi na babalikan ng kanilang ina.

COMMENTS

Name

Food,1,Health,13,Inspiring,1,lifestyle,3,News,10,Others,17,technology,1,Travel,1,trends,11,
ltr
item
News Presenter: Ina ng magkapatid na ito, iniwan sila matapos sabihing bibili lamang ng payong
Ina ng magkapatid na ito, iniwan sila matapos sabihing bibili lamang ng payong
https://1.bp.blogspot.com/-HqY2PywQSf0/Xhu8YzfDDGI/AAAAAAAAAEc/g4mXGDRxbhEoDNfTt4UIDzcs-MaVlODpgCLcBGAsYHQ/s400/Screenshot%2Bat%2BJan%2B13%2B08-39-29.png
https://1.bp.blogspot.com/-HqY2PywQSf0/Xhu8YzfDDGI/AAAAAAAAAEc/g4mXGDRxbhEoDNfTt4UIDzcs-MaVlODpgCLcBGAsYHQ/s72-c/Screenshot%2Bat%2BJan%2B13%2B08-39-29.png
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/01/ina-ng-magkapatid-na-ito-iniwan-sila.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/01/ina-ng-magkapatid-na-ito-iniwan-sila.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy