Matagal na pagsabog, isa sa mga pinakamanganib at delikadong aktibidad ng Taal

A yon sa pahayag na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Lunes, ang matagal na pagsabog na ha...



Ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Lunes, ang matagal na pagsabog na hatid ng Taal Volcano ay maaaring pinakadelikado at mapanganib na sitwasyon para dito sa ngayon.

Pahayag naman ng chief of Volcano Monitoring & Eruption Prediction Division of the PHIVOLCS na si Mariton Bornas sa isang press conference,

"Kung titingnan po natin ang historical eruptions ng Taal, puwede po 'yang kasing-ikli ng three days katulad ng 1911 eruption which occured 'yung main magmatic phase January 27 to January 30 of 1911 o puwede 'yang tumagal ng pitong buwan like the 1754 eruption."

Dagdag pa nito,

"It could be short, it could be long. Hopefully, short lang kasi malaking dagok po 'yan sa mga kababayan natin sa Batangas."

Isa din sa posibleng panganib na hatid ng nangyayari ngayon sa Taal Volcano ay ang Volcani Tsunami na maaaring makapinsala ng ilang lugar.

Ani Bornas,

"Kapag pumuputok po nang malakas, explosive eruption, may studies na ginawa diyan eh, either driven by explosion or may ground deformation o pag-alsa ng lupa na sumisipa sa tubig."

Hindi lamang iyan, dahil posible rin mangyari ang landslides, ground liquefaction, at fissuring.

Sinabi din ni Bornas na posibleng mag-generate ang mga lahar ng Taal Volcano sa ilang bahagi ng Laurel, Batangas dahil dito mayroong malalaking drainage ng mga ilog.

Aniya,

"Medyo mas malalaki ang mga ilog diyan eh. Sa ibang parte ng bulkan, masyado matarik ang dalisdis so mahirap mag-accumulate ng deposits. Pero dito sa side ng Laurel mayroong plain diyan eh at may malaking drainage ng mga ilog, so puwede kang mag-generate ng mga lahar diyan."

Sa kasalukuyan naman ay itinaas na sa Alert Level 4 ang Taal Volcano, ibig sabihin, ang matinding pagsabog nito ay maaaring mangyari ng ilang oras lamang ngayon o araw.

Saad naman ni Bornas, noong March 2019 ay itinaas na ang Taal Volcano sa Alert Level 1 at ang kanilang mga paalala tungkol dito ay inilabas naman noong December 2019.

Inamin naman ng PHIVOLCS official na pati ang mga eksperto ay nagulat sa kilos o galaw ng Taal dahil sa mabilis na pangyayari dito.

Aniya,

"Ang ikinagulat lang namin ay 'yung bilis ng escalation. Masyado pong mabilis for Taal. Mas mabilis pa po siya sa 1911 escalation."

Sinabi naman niya na ang bilis ng pagpapatuloy ng galaw ng Taal Volcano ay hindi makakatukoy sa gaano kalakas ang pagsabog nito kapag ito ay umabot na sa final magnitude.

Dagdag naman ni Bornas na ang mapanganib na pagsabog ng Taal ay maaaring kasing lakas ng pagsabog ng atomic bomb.

Aniya,

"Siguro ang closest na puwede ihalintulad sa malakas na pagputok ng Taal ay atomic bomb explosion —'yung istura niya, hindi 'yung energy."

Dagdag pa ni Bornas,

"Mayroon kang matayog na eruption column tapos mayroong ring na kumakalat mula doon sa base ng eruption column. Itong ring na ito, ito 'yung base surge, tumatawid siya ng lawa at tinatamaan niya ang mga pamayanan sa paligid ng lawa. 'Yung base surge po talaga ang primary hazard."

COMMENTS

Name

Food,1,Health,13,Inspiring,1,lifestyle,3,News,10,Others,17,technology,1,Travel,1,trends,11,
ltr
item
News Presenter: Matagal na pagsabog, isa sa mga pinakamanganib at delikadong aktibidad ng Taal
Matagal na pagsabog, isa sa mga pinakamanganib at delikadong aktibidad ng Taal
https://1.bp.blogspot.com/-TxhAtxLFXrs/Xhwe3zFBkuI/AAAAAAAAAZE/e7zCY9Br-PAw0ROFPdIWxNRQBYJY1kCkwCLcBGAsYHQ/s640/mt%2Btaal.png
https://1.bp.blogspot.com/-TxhAtxLFXrs/Xhwe3zFBkuI/AAAAAAAAAZE/e7zCY9Br-PAw0ROFPdIWxNRQBYJY1kCkwCLcBGAsYHQ/s72-c/mt%2Btaal.png
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/01/matagal-na-pagsabog-isa-sa-mga.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/01/matagal-na-pagsabog-isa-sa-mga.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy