19 Tips Para Sumaya by Doc willie Ong

Lahat tayo ay naghahanap ng kasiyahan sa buhay. May mga payo si Doctor Ong para magiging masaya tayo. at sigurado pag sinunod mo ito, sa...



Lahat tayo ay naghahanap ng kasiyahan sa buhay. May mga payo si Doctor Ong para magiging masaya tayo. at sigurado pag sinunod mo ito, sasaya ang buhay mo.


1. Magdesisyon na maging masaya
Mag-isip ng paraan at bagay-bagay na magpapasaya sa iyo. Sa plano mo, huwag din kakalimutan ang kasiyahan ng ibang tao, tulad ng iyong asawa at anak.

2. Gamitin ang iyong talento
Saan ka ba magaling? Marunong ka bang kumanta, sumayaw, magpinta, sumulat o magtalumpati? Hanapin at palakasin ang iyong talento.


3. Maglaro
Makipaglaro sa mga bata. Gumawa ng oras para sa sports at magrelaks.

4. Bilangin ang biyaya sa buhay
Magpasalamat tayo sa Diyos sa lahat ng biyaya na binigay niya.

5. Mahalin ang sarili
 Lahat ng tao ay nagkakamali. Ayusin ang pagkakamali, humingi ng tawad at kalimutan mo na ito.

6. Tingnan ang ganda sa paligid 
Nakita mo na ba ang pagsikat ng araw? Nalanghap mo ba ang simoy ng hangin? Narinig mo ba ang kanta ng mga ibon? Ang kalikasan ay punong-puno ng saya.

7. Magrelaks
Kapag napagod ka sa trabaho, mag-relaks at maligo ng maligamgam na tubig. Pagkatapos, magbasa ng iyong paboritong magasin o komiks. Maging abala din sa iyong hobby.

8. Maging malapit sa kamag-anak at kaibigan
Ayon sa isang pagsusuri, ang pagkausap sa isang matalik na kaibigan ng isang oras ay katumbas na ng pag-inom ng isang tabletang pain-reliever.
9. Maghanap ng positibong kaibigan
Humanap ng mga positibong tao, iyung palaging masaya at maganda ang pananaw sa buhay.

10. Tumulong sa kapwa
Ayon sa pagsusuri, tataas ang “endorphins” mo sa katawan sa pagtulong sa kapwa. Ang endorphin ay isang kemikal na nagpapalakas ng ating katawan at nagpapasaya sa atin.

11. Mag-isip ng masasayang bagay
Ayon kay Norman Vincent Peale, ang awtor ng mga libro sa Positive Thinking, dapat nating turuan ang ating sarili na mag-isip ng masasaya. Sabihin mong, “Okay lang ako. Kayang-kaya iyan. Malulutas din iyan.”

12. Magbasa at makinig ng good news lamang
Piliin lang ang mga magagandang balita.


13. Tumawa
Ayon sa pagsusuri, ang panonood ng masayang palabas ay nakapagtatanggal ng lungkot, galit at inis.

14. Alagaan ang iyong kalusugan
Paano ka sasaya kung may sakit ka? Kumain ng tama. Umiwas sa bisyo tulad ng sigarilyo at alak. Magpa-check-up din sa doktor.

15. Mag-ehersisyo
May kakaibang saya ang naidudulot ng ehersisyo. Kapag ika’y napawisan, sasarap ang iyong pakiramdam.

16. Maghanap na katamtamang stress sa buhay
Kung sobra ang stress, masama ito sa katawan.

17. Matulog
Kailangan mo ng 7-8 oras ng tulog bawat gabi.

18. Umibig
Ang taong umiibig ay puwedeng humaba ang buhay ng 7 taon. Oo, tunay iyan. Mas maligaya din ang may partner kaysa sa wala.

19. Maniwala sa Diyos
yon sa pagsusuri, ang mga taong may tiwala sa Diyos ay mas masaya kumpara sa mga hindi naniniwala.

Pagsinunod mo ito makakatuling ito para sumaya ang buhay mo at nuong buong pamilya.




COMMENTS

Name

Food,6,Food & Travel,1,Health,30,Inspiring,12,lifestyle,7,News,8,Others,22,Travel,1,trends,27,
ltr
item
News Presenter: 19 Tips Para Sumaya by Doc willie Ong
19 Tips Para Sumaya by Doc willie Ong
https://1.bp.blogspot.com/-FRpmirnkpQ8/XlH1IJAYXwI/AAAAAAAAAKo/8ja7pWBhM6M50b7Lf9-gvXloy2l06R_VgCLcBGAsYHQ/s400/EAE69156-D6BA-406F-B080-ABEE68F68AFD_24cb7204df0385ca8909621708db4b0d_2000-1080x500.jpeg
https://1.bp.blogspot.com/-FRpmirnkpQ8/XlH1IJAYXwI/AAAAAAAAAKo/8ja7pWBhM6M50b7Lf9-gvXloy2l06R_VgCLcBGAsYHQ/s72-c/EAE69156-D6BA-406F-B080-ABEE68F68AFD_24cb7204df0385ca8909621708db4b0d_2000-1080x500.jpeg
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/02/19-tips-para-sumaya-by-doc-willie-ong.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/02/19-tips-para-sumaya-by-doc-willie-ong.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy