Connect with us

Food

8 NA PARAAN PAANO AALAGAAN ANG KALUSUGAN NG MAY DIABETES

Published

on




Ang pagiging maingat sa mga pagkain na kinakain sa araw-araw na sinasabayan pa ng regular at tamang pag-eehersisyo at pag-inom ng mga gamot at maraming tubig ang pinakaepektibong paraan ng pangangalaga at pagmementena sa kalusugan ng taong diabetic. Dapat itong isaalang-alang nang sa gayon ay maiwasan ang komplikasyon dulot ng sakit. Ang sumusunod ay mga paraan para makatutulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng taong may diabetes



1. Palitan ng komplikadong carbohydrates ang mga simpleng carbohydrates 


Ang pagkain na may komplikadong uri ng carbohydrates gaya ng oats, pasta, whole-grain na tinapay, kamote, at mais.Ang simpleng uri ng carbohydrates ay ang asukal, kanin, at tinapay. Pag pinalitan ang simpleng carbohydrates na ito makakatulong ito para maiwasan ang pagakyat ng lebel ng asukal sa dugo. 

2. Araw-araw na pag ehersisyo.


Pag-eehersisyo at pagkontrol sa kinakain ay magandang kominasyon para maiwasan ang komplikasyon. 30 to 45 minuto na paglalakad sa bawat araw ay sapat na para mamentena ang level ng sugar. Pag ang tao ay nag eehersisyo isa mga sa mga benepisyo nito ay mabawas ang taba sa katawan at mas magaan ang pakiramdam sa katawan at isipan. 

3. Menomonitor dapat ang timbang.


Ang pagiging sobrang laki ay hindi na healthy sa isang tao. Isa sa pag control ng diabetes ng isang tao ay dapat may tamang timbang ito. Possibleng makakaroon ng komplikasyon pag ang taong may diabetes ay sobra ang timbang or obese. Balik tayo sa pangalawang advice, kailangan talaga na mag ehersisyo. 

4. Iwasan na ang matatamis na inumin at pagkain.


Malinaw naman na pag ang tao ay diabetic ibig sabihin na ang sugar niya ay unstable. Iwasan ang pagkain at paginom ng sobrang tamis, tulad ng  softdrinks, cake, tsokolate, at iba pang matatamis. Pag nagawa to, nakakatulong para ma regulate ang blood sugar level.


5. Iwasan na ma stress


Dapat ding iwasan na ma stress upang maiwasan ang paglala ng sakit na diabetes. Sa isang  pag-aaral, pag ang tao ay problemado o dumadanas ng stress, mas mapapakain ito ng husto. ang taong problemado o dumadanas ng stress. At ang resulta, mas nahihirapan na makontrol ang sakit na diabetes.

6. Huwag manigarilyo at umiwas sa naninigarilyo


Pag ang tao naninigarilyo nagdudulot ito ng iba’t ibang uri ng sakit at
ang mga taong naninigarilyo ay mas mataas ng 50 porsento sa posibilidad ng pagkakaroon ng sakit na diabetes, kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo. Siyempre pa, mas magiging epektibo ang paggagamot at pagkontrol sa lebel ng asukal sa dugo kung ititigil na ang bisyo at umiwas sa naninigarilyo.

7. Regular na oras sa pagkain.


Ang lebel ng sugar sa isang tao na may sakit na diabetes ay fluctuating, ibig sabihin pwede itong biglang bababa or tataas din ng sobra.  Kaya importante na ito ay kumain sa tama at regular na oras para mamomonitor ang lebel ng sugar. Halimbawa, ang pagkain niya ng almusal ay 6:30am, pananatilihing sa susunod na araw ganitong oras pa rin. Ganun din sa tanghalian at hapunan, may regular na oras. 

8. More on protein, fiber at omega 3 fats ang mga kinakain.


Ang binabawas na carbohydrates sa pagkain ay makabubuting palitan ng mga pagkain na mayaman sa protina tulad ng manok, puti ng itlog, isda, gata. Ang pagkain na may mataas na fiber ay gulay at prutas at omega 3 fats (isda at mga mani). Ang mga pagkaing ito ay makatutulong na pabilisin ang metabolismo at mabawasan ang hindi kinakainlangang taba sa katawan, na nagreresulta naman sa mas mabilis na pagkontrol sa lebel ng asukal sa katawan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Food

Amazing! Baker gumawa ng hyperrealistic cake na kanyang kawangis

Published

on

hyperrealistic cake

Lahat tayo gustong gawing espesyal ang araw kung kailan tayo isinilang—mula sa mga kakainin at ihahanda, sa mga planong gawin, sa mga pupuntahan, hanggang sa mga taong nais makasama sa araw na ‘yun. Katulad ng marami, ginawa ring espesyal ng isang baker ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang hyperrealistic birthday cake na siya mismo ang lumikha.

hyperrealistic cake

Sa Instagram, ibinahagi sa page ni Natalie Sideserf na @sideserfcakes ang isa na namang naiibang hyperrealistic sculpted cake na ngayon ay mas naging espesyal pa dahil para ito sa kaniyang kaarawan. Aniya, dahil nagdiriwang siya ng espesyal na araw, naisipan niyang gumawa ng cake para sa sarili niya.

“It’s my birthday, so I made myself a cake!” saad ni Natalie sa caption ng kanyang post.

Sa simula ng kanyang video, tinakpan muna ni Natalie ang mukha gamit ang hyperrealistic cake na mayroon nang isang slice sa platong pinaglalagyan nito.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Kasunod nito, sa wakas ay inalis na rin niya ang cake sa pagkakatabing nito sa kanyang mukha at doon ay makikita na kuhang-kuha nito ang hitsura niya; ang sukat ng ulo, ang ayos ng mukha at buhok niya nang araw na iyon, at maging ang itim na damit na kasalukuyan niyang suot.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Manghang-mangha ang mga social media users sa cake na ginawa ni Natalie. Gayunman, sa comments section ng post ay sinabi niya na nagbibiro lamang siya at matagal na niyang ginawa ang cake na ito, “This is just jokes, friends! I made this cake a little while ago. No birthday cake for me this year. I’m taking a cake break today.”

Sa kabila nito, pinasalamatan pa rin siya ng mga taong napahanga niya. Anila, wala naman kaso kung kailan niya ginawa ang cake na ito dahil kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo ay kamangha-mangha ang ginawa niya rito.

hyperrealistic cake

Continue Reading

Food

Meet ‘NUMBER 1′: Dunkin’ naglunsad ng unang service bot sa Pilipinas

Published

on

By

Ang Dunkin’ ay naglunsad nitong buwan ng Enero ng kanilang unang robot server na ang pangalan ay ‘Number 1’. Mayroon na nito sa mga branches nila sa Aurora, SM North EDSA, at Robinsons Nova upang magbigay serbisyo sa kanilang mga giliw na customers.

Siguro ay curious ka kung paano gumagana ang Number 1 service bot ng multinational coffee at doughnut company.

Una,  kailangan mong umorder at bayaran ito sa cashier.  Pagkatapos ng step 1 ay ay magtungo na sa table number na ipo-provide ng service crew sa iyo.

Kapag naihanda na ang iyong mga order ay dito ka na aasikasuhin ng service bot. Dadalhin nito ang mga inorder mo at kapag nakuha mo na ay babalik na ito sa area niyang pinanggalingan.

May mga natutuwa naman sa ‘Number 1’ launch, pero mixed emotions ang ilang netizens pagdating sa kanilang opinyon dito.

“I think they do this para iwas sa covid mga staff. Take note nakaremote control siya. I hope matapos na covid para ‘di na need ng mga ganitong robot kasi mahirap mawalan ng work,” ani ng isang netizen.

 

Ilan din namang netizen ang nalungkot dahil mas bababa daw ang bilang ng trabahador kapag dumani ang ganitong robot pang-serbisyo.

Bunsod nga sa pagdami ng kaso ng COVID sa ating bansa ay ramdam ng isang netizen na kaya daw ginawa ang service bot ay para na rin sa ikabubuti ng staff ng Dunkin’.

“Dapat hindi ito magtuloy-tuloy mababawasan ng employment sa bansa natin dami na nga yung employed, lalong mawawalan ng trabaho.”

“Isa naman ang mawawalan ng work dahil sa ganyan siguro mapapadali yung trabaho sa Pilipinas pero isipin mo kapag ganyan mas lalo lang dadami yung mga taong mawawalan ng work at magugutom. Syempre magugutom sila tpos ang ending nga naman eh kakapit sa patalim yung iba. Di naman masama na umunlad ung tech. natin kaso isipin naman yung mga taong need yung trabaho ayan na lang napapasukan ng ibang tao mawawalan pa dahil sa ganyan.”

Samantala, panoorin ang video na ibinahagi ng Dunkin.

Continue Reading

Food

Business owner naglabas ng hinaing kaugnay sa matagal na pagre-remit ng isang food delivery service sa kanilang sales

Published

on

By

Naglabas ng hinaing sa pamamagitan ng isang Facebook post ang isang business owner, ang ‘Mama Dith’s’, isang Filipino restaurant sa Antipolo City sa kanyang kasosyo kaugnay sa matagal na pagre-remit ng pinakamalaking food at grocery delivery platform sa Asya na Foodpanda sa kanilang sales.

Screenshot mula sa Facebook | Mama Dith’s

Napansin n’yo siguro na simula noong Disyembre 2021 ay lagi silang naka-close sa app na Foodpanda.

“Dahil ‘yan sa hindi nila PAGREMIT NG SALES ko nung NOVEMBER,” ani ng business owner sa post.

Kuwento pa ng may-ari ng restaurant, ‘yung dalawang linggo bago nila makuha ang kanilang pinaghirapang kinita ay umabot pa ng dalawang buwan.

“Hindi na nga kami nagrereklamo sa 2-week payment scheme (yes, dalawang linggo pa bago namin makuha yung kita ng pinaghirapan naming i-prepare at lutuin para sa inyo), aba, naging 2 months pa!” aniya.

Nagtataka ang may-ari, pagkat kumpara umano sa Grab na araw-araw namang nagre-remit sa kanila, ang Foodpanda ay inaabot pa ng matagalang pag-remit sa kanila.

“Grabe, ‘no? Sa GRAB, araw-araw sila nagreremit samin (Go Grab!). Bakit niyo nga ba tinatabi nang 2 weeks pera namin. Bangko yarn?” dagdag pa niya.

 

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Halos kainin na umano ng Foodpanda ang profit margin sa sales ng restaurant.

“Para sa small business na tulad ko, pumayag ako sa 27% commission nila before pandemic (kahit na halos kainin na ang profit margin namin!), pero starting June 2021, nagsimula na rin sila maningil ng additional 12% para daw sa tax nila plus P1K++ AGENCY FEES (???) daw na wala naman sa original contract! SO, ANO NA LANG NATIRA SAMIN?” aniya.

“Di ba nga, “partners” daw kami? Eh bakit pag kaming mga vendors ang may problema sa app or remittance nila, through email or chat lang sila pwede i-contact? Pero pag sila may problema sa amin, aba, kung makatawag at demand, grabe! At kapag nadetect pa na nakaclose store mo, talagang kukulitin ka sa mga automated calls,” dagdag pa niya.

“Ilang beses namin sila in-email at chinat sa chat support platform for almost two months. Laging sagot “iimbestigahan” daw nila. Buti na lang recently naisipan ko isama sa email yung DTI. Ayun, binigay agad nila! Akalain mo yun!? Takot sila sa DTI pero sa vendors WALA SILANG PAKE!”

Dahil sa ganitong sistema ng Foodpanda ay itinigil na umano ng business owner ng Mama Dith’s ang pakikipagsosyo at pagtangggap ng orders sa kanilang app noong Disyembre 2021.

“Kaya tuluyan na rin namin ititigil ang ONE-SIDED “partnership” kuno sa FOODPANDA. Kawawa ang small business owners,” aniya.

“Kung nais niyong mas masuportahan ang mga small business owners tulad namin, through DINE-IN, GRAB, or for pickup na lang ha!” paalala ng may-ari ng restaurant.

Sa isa pang post ay nagpahayag lalo ng sama ng loob ang may-ari: “Tapos after kami pagkakitaan… tatawagin kaming ZOMBIE!!! ABAY!!!”

Sa comments section ay may screenshots ng iba pang businessed na nagpahayag din ng pagbitaw sa naturang delivery service. Mayroon ding mga hinaing na lumabas kaugnay sa delivery riders.

Umabot na sa mahigit 10K ang mga komen to at 24K naman sa shares.

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Continue Reading

Trending