A ng pagiging maingat sa mga pagkain na kinakain sa araw-araw na sinasabayan pa ng regular at tamang pag-eehersisyo at pag-inom ng mga ...
1. Palitan ng komplikadong carbohydrates ang mga simpleng carbohydrates
Ang pagkain na may komplikadong uri ng carbohydrates gaya ng oats, pasta, whole-grain na tinapay, kamote, at mais.Ang simpleng uri ng carbohydrates ay ang asukal, kanin, at tinapay. Pag pinalitan ang simpleng carbohydrates na ito makakatulong ito para maiwasan ang pagakyat ng lebel ng asukal sa dugo.
2. Araw-araw na pag ehersisyo.
Pag-eehersisyo at pagkontrol sa kinakain ay magandang kominasyon para maiwasan ang komplikasyon. 30 to 45 minuto na paglalakad sa bawat araw ay sapat na para mamentena ang level ng sugar. Pag ang tao ay nag eehersisyo isa mga sa mga benepisyo nito ay mabawas ang taba sa katawan at mas magaan ang pakiramdam sa katawan at isipan.
3. Menomonitor dapat ang timbang.
Ang pagiging sobrang laki ay hindi na healthy sa isang tao. Isa sa pag control ng diabetes ng isang tao ay dapat may tamang timbang ito. Possibleng makakaroon ng komplikasyon pag ang taong may diabetes ay sobra ang timbang or obese. Balik tayo sa pangalawang advice, kailangan talaga na mag ehersisyo.
4. Iwasan na ang matatamis na inumin at pagkain.
Malinaw naman na pag ang tao ay diabetic ibig sabihin na ang sugar niya ay unstable. Iwasan ang pagkain at paginom ng sobrang tamis, tulad ng softdrinks, cake, tsokolate, at iba pang matatamis. Pag nagawa to, nakakatulong para ma regulate ang blood sugar level.
5. Iwasan na ma stress
Dapat ding iwasan na ma stress upang maiwasan ang paglala ng sakit na diabetes. Sa isang pag-aaral, pag ang tao ay problemado o dumadanas ng stress, mas mapapakain ito ng husto. ang taong problemado o dumadanas ng stress. At ang resulta, mas nahihirapan na makontrol ang sakit na diabetes.
6. Huwag manigarilyo at umiwas sa naninigarilyo
Pag ang tao naninigarilyo nagdudulot ito ng iba't ibang uri ng sakit at
ang mga taong naninigarilyo ay mas mataas ng 50 porsento sa posibilidad ng pagkakaroon ng sakit na diabetes, kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo. Siyempre pa, mas magiging epektibo ang paggagamot at pagkontrol sa lebel ng asukal sa dugo kung ititigil na ang bisyo at umiwas sa naninigarilyo.
7. Regular na oras sa pagkain.
Ang lebel ng sugar sa isang tao na may sakit na diabetes ay fluctuating, ibig sabihin pwede itong biglang bababa or tataas din ng sobra. Kaya importante na ito ay kumain sa tama at regular na oras para mamomonitor ang lebel ng sugar. Halimbawa, ang pagkain niya ng almusal ay 6:30am, pananatilihing sa susunod na araw ganitong oras pa rin. Ganun din sa tanghalian at hapunan, may regular na oras.
8. More on protein, fiber at omega 3 fats ang mga kinakain.
Ang binabawas na carbohydrates sa pagkain ay makabubuting palitan ng mga pagkain na mayaman sa protina tulad ng manok, puti ng itlog, isda, gata. Ang pagkain na may mataas na fiber ay gulay at prutas at omega 3 fats (isda at mga mani). Ang mga pagkaing ito ay makatutulong na pabilisin ang metabolismo at mabawasan ang hindi kinakainlangang taba sa katawan, na nagreresulta naman sa mas mabilis na pagkontrol sa lebel ng asukal sa katawan.
COMMENTS