Ang Pilipinas ay ang Kauna-unahang Bansang Namatayan ng Coronavirus sa Labas ng China

I kinumpirma ng Department of Health na may pangalawang kaso na ng novel coronavirus sa bansa. Iniulat din nong Linggo February 2 na a...



Ikinumpirma ng Department of Health na may pangalawang kaso na ng novel coronavirus sa bansa. Iniulat din nong Linggo February 2 na ang isang patiente na natamaan ng coronavirus ay namatay na. Ito ang kauna unahang biktima na namatay sa labas ng bansang China.

Siya ay isang lalaking Chinese na 44-taong gulang na taga Wuhan, China sa probinsya ng Hubei na pinagmulan ng virus. Siya ay dumating sa Pilipinas nong January 21 na may kasamang 38 na taong gulang na babae na sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa. Namatay ang lalaki nong Sabado ayon sa Department of Health. Ang biktima ay hindi pinapangalanan at nanatiling pribado. Siya ang kaunaunahang pasyente na namatay sa coronavirus sa labas ng border sa China pahayag ng Philippine WHO.

Sa huling mga araw ng pasyente, nag papakita umano ito ng magandang sinyales na siya ay bumuti sa mga sintomas pero sa huling 24 na oras ng pasyente ang kanyang karamdaman ay lumala, nagkaroon ng severe pneumonia at namatay.

Ayon sa Vice Governor ng Hubei Province si Xiao Juhua, ang coronavirus outbreak ay malubha pa at kumplikado.

Sa China, umabot na ng 304 na tao ang namatay sa 2019-nCov at 14,380 na ang nagkaroon ng impeksyon nong Sabado, ayon sa National Health Commission.

Maraming mga bansa pa ang naaapektohan sa coronavirus kabilang nito ang Estados Unidos, Japan, Thailand, Hong Kong at Briton.

Matapos ang ilang oras sa pagpanaw ng isang pasyente, pinagbawalan na ang mga hindi Pilipinong mangbabyahe na makapasok sa bansa na galing sa mainland China, Hong Kong at Macau.



Nagsagawa na rin ang ibang mga bansa nang panukala tulad ng  Singapore at Estados Unidos na hindi muna papasokin sa kanilang bansa ang mga foreign national na galing sa China nong Biyernes, at sumunod naman ang bansang Australia sa pagpigil ng mga turista galing sa China nong Sabado.

COMMENTS

Name

Food,7,Food & Travel,1,Health,46,Inspiring,15,lifestyle,15,News,11,Others,35,Travel,1,trends,47,
ltr
item
News Presenter: Ang Pilipinas ay ang Kauna-unahang Bansang Namatayan ng Coronavirus sa Labas ng China
Ang Pilipinas ay ang Kauna-unahang Bansang Namatayan ng Coronavirus sa Labas ng China
https://1.bp.blogspot.com/-maS7cba_5f4/XjfSx1_I70I/AAAAAAAAAqc/UMPrZC4fajgtS8XCA97ZELQ5g2YfwrLhgCLcBGAsYHQ/s640/coronaPhils.png
https://1.bp.blogspot.com/-maS7cba_5f4/XjfSx1_I70I/AAAAAAAAAqc/UMPrZC4fajgtS8XCA97ZELQ5g2YfwrLhgCLcBGAsYHQ/s72-c/coronaPhils.png
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/02/ang-pilipinas-ay-ang-kauna-unahang.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/02/ang-pilipinas-ay-ang-kauna-unahang.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy