Connect with us

Health

Ayon sa Pag-aaral Nakakaikli ng Buhay ang Pagkain ng Pritong Manok Araw-araw

Published

on

Isa sa mga paboritong kainin natin lalong-lalo na sa mga kabataan ay ang fried chicken. Ngunit ayon sa pananaliksik, ang regular na pagkain nito ay nakakasama umano sa ating kalusugan na maaaring maging dahilan ng maagang pagkamatay.

Ayon sa panibagong pananaliksik, ang pagkain ng mga pritong pagkain ay maging dahilan ng maagang pagkamatay sa mga postmenopausal na mga babae. Nagkaroon ng pag-aaral na nakabase sa isang questionnaire sa 106,966 na mga  babaeng may edad na 50-79 na taong gulang noong February 2017. Pinag-aralan nito kung gaano sila kadalas kumain ng pritong mga pagkain gaya ng manok, isda, shellfish, french fries, tortilla chips at tacos. Sa pag-aaral na iyon, nadiskobre na may 31,588 ang namatay at sakit sa puso ang dahilan sa 8,358 nito.

Ayon kay Wei Bao, na isang assistant professor of epidemiology sa University of Iowa, sinabi niya na popular sa Estados Unidos o maging sa buong mundo ang pagkain ng mga prito ngunit kunti lang ang nakaka alam sa mahabang epekto nito sa kalusugan ng tao. Sa pag-aaral, nakadugtong nito na sa pagkain ng mga prito, mataas ang chansa na magkaroon ng sakit sa puso at diabetes.

Matapos na pinag-aralan ang lifestyle, quality ng diet, educational level at income, ang resulta ng pag-aaral na ang regular na pagkain ng mga prito ay nakakaikli ng buhay ng tao, lalong-lalo na sa kumakain ng maraming serving kada araw na may 8% na mas mataas na chansa kumpara sa hindi mahilig nito.

Ang pagkain ng pritong manok araw-araw ay may mataas na chansa na 12% na mamamatay dahil sa sakit sa puso at ang pagkain ng pritong isda araw-araw ay may 7%. 

Ang pag-aaral ay walang ebidensyang natagpuan na ang pagkain ng prito ay nakadudulot ng kanser. 
Sa pag-aaral din, natagpuan na ang mga babae na mahilig kumain ng prito ay mga kabataan, mga may mababang income at mababa lang ang pinag-aralan. Sila din ay mahilig sa paninigarilyo, hindi mahilig sa pag eehersisyo at mahilig sa hindi masusustansyang pagkain.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

government

Sen. Leila hinimok ang gobyerno na paghandaan ang iba pang COVID variants

Published

on

By

Hinimok ni Senador Leila De Lima ang gobyerno na paghandaan ang posibilidad na magkaroon pa ng ibang variant ang COVID-19 sa mga darating na araw o buwan.

Ginawa ng nakakulong na senador ang panawagan sa gitna ng maaaring panibagong banta na naman ng BA.2 variant o Omicron sub-variant.

“Huwag naman na sanang lumala pa ang kasalukuyang pandemya o magkaroon pa ng mga bagong Covid-19 variants,” ani De Lima sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 24.

“Pero ngayon pa lang, mas maigi nang laging handa ang gobyerno, pati na ang susunod na administrasyon, sa ganitong mga posibilidad o sa anupamang krisis na maaaring mangyari sa hinaharap,” dagdag pa nito.

Giit ng mambabatas, dapat ay laging handa ang pamahalaan sa posibleng pagsirit muli ng COVID-19 at ituring itong isang malaking sakuna na may nakalaang sapat na budget.

“There must be budget always for continuous vaccination, testing, contact-tracing, isolation, social amelioration and livelihood assistance for those affected,” ayon pa kay De Lima.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila sa World Health Organization (WHO) tungkol sa Omicron sub-variant.

Sa kasalukuyan, itinuturing pa lang itong variant under investigation (VUI) at hindi pa variant of concern, ayon kay Health  Sec. Francisco Duque III.

Image from DOH

Bagama’t limitado ang datos tungkol sa sub-variant na ito, hindi naman daw ito naiiba sa Omicron at epektibo pa rin ang mga kasalukuyang COVID vaccines para maiwasan ang mga severe cases ng virus.

Ipinaalala rin ng kalihim ang patuloy na pagsunod sa minimum health protocols upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

“’Wag tayong tutulad sa mga ibang bansa na nagdeklara ng walang nang mask mandate, pwede nang magbukas, niluwagan ang restrictions, baka sumipa ulit. Sayang naman ‘yung atin nang mga nakamit na mga tagumpay baka mabalewala, ay ‘wag naman sana magiging ganu’n,” paalala ni Duque.

Continue Reading

Health

Dahon ng tanglad nakapagpapalakas ng resistensya

Published

on

By

Sa paningin ng iba ang halamang tanglad ay pangkaraniwang damo lamang. Ngunit alam mo bang espesyal ang damong ito?

Ano ang tanglad o lemon grass?

Ang tanglad ay isang mabangong damo na karaniwang ginagamit na pantanggal sa lansa ng mga pagkain. Kilala rin ito bilang sangkap sa paggawa ng tsaa. Ang mga dahon nito’y pahaba at napalilibutan ng maliliit na tusok-tusok. Orihinal na nagmula ang halaman sa bansang Sri Lanka, India at isla ng Java, ngunit ito’y karaniwan na ring pananim sa mga taniman sa Pilipinas.

Popular ang halamang ito sa rehiyon ng Southeast Asia dahil sa iba-ibang gamit nito. Ginagamit mang pampabango at pampasarap sa pagkain ang tanglad, mahalagang malaman din natin na pinalulusog din nito ang mga kumakain. Ito ay ayon sa mga pag-aaral sa halamang ito na may scientific name na Cymbopogon citratus at kilala rin bilang lemongrass.

Tradisyunal sa mga pinoy na gumamit ng tanglad bilang sahog sa pagluluto dahil sa taglay nitong bango at pampalasa. Ang puting bahagi ang kadalasang hinihiwa nang pino at hinahalo sa lutuin dahil malambot ito kumpara sa berdeng parte.

Karamihan sa mga nagluluto ay sinasahog ang buong bungkos ng tanglad para tumingkad pa ang lasa ng  iba’t ibang putahe.

Ngunit may benepisyo rin palang hatid sa atin ang dahon ng tanglad at hindi lang basta pampagana sa ating pagkain.

Katulad ng kalamansi, luya at iba pang mga halamang gamot, ang tanglad ay nagbibigay resistensya din pala para sa ating pangangatawan.

Ngayong 2022 mas patibayin at palakasin pa natin ang ating resistensya laban sa mga sakit at virus na kumakalat.

Sa programang KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ay ibinahagi ni  Annie ang benepisyo ng tanglad. Si Annie Rose Cane ng Bayugan City, Agusan del Sur,  ay may mahigit 2.5 hektarya na taniman ng tanglad.

“Ang intensyon po namin noong una for food seasoning lang po, tapos ayun may bumalik sa amin na bibili nun,” sabi ni Annie

Ang purpose lamang talaga nila daw ay pansahog lamang ang mga tanglad nila hanggang sa lumaon ay naisip nila na puwede pala itong gawing tsaa.

Kada tatlong buwan ay kanila itong inaani at inilalagay sa distiller upang makuha ang katas nito at ginagawang tanglad juice.

Ang kanilang inaaning tanglad o lemongrass ay kanilang kinukuhanan ng katas o hydrosol at ginagawang inumin.

“Pag-inuubo po ako o sinisipon o kahit po lagnat iniinom ko po ang tubig ng tanglad pampawala ng sakit ko,” aniya.

Kapag nagkakasakit umano siya tulad ng ubo o sipon, ang tubig na pinaglagaan ng tanglad daw ang kaniyang iniinom at gumiginhawa na ang kaniyang pakiramdam.

At kahit sa bahay, maaaring makagawa ng tanglad juice sa pamamagitan ng pagpapakulo ng dahon nito. Pero hindi dapat patagalin ang pagpapakulo upang hindi mawala ang nutrients ng halaman.

Ayon kay Algy Bacla, certified naturopathic practitioner, “70 hanggang 80 percent ng essential oil na galing sa tanglad ay may citral.”

Batay umano sa mga pag-aaral, ang citral ay maraming benepisyo tulad ng pag-prevent ng impeksyon, ng mga bacteria, nagpapalakas ito ng lungs at immune system.

Paglilinaw ng mga eksperto,  ang tanglad ay hindi gamot sa Covid-19 pero nakatutulong ito sa pagpapalakas sa resistensiya ng katawan na mahalaga lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Tanglad?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemongrass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes. Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

 

Panoorin ang KMJS feature:

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Continue Reading

business

Unilab, itinangging iniipit ang stock ng mga gamot; ‘di rin umano nagtaas ng presyo

Published

on

By

Itinanggi ng Unilab na iniipit nila ang stock ng kanilang produkto sa gitna ng nagkakaubusang gamot sa mga botika dahil sa dami ng nagkakaroon ng sipon, ubo at trangkaso.

Sa isang pahayag na inilabas ng pharmaceutical company, pinasinungalingan nito ang diumano’y kumakalat na tsismis tungkol sa pagho-hoard nila ng gamot at pagtataas ng presyo nito.

“We refer to rumors circulating that Unilab is withholding stocks and increasing the prices of Biogesic, Bioflu, Neozep, Solmux and Decolgen, which allegedly caused the out of stock situation in drugstores,” anang Unilab.

“The rumor is NOT TRUE. Unilab has not increased the prices of these brands,” giit ng kompanya.

Nilinaw din ng Unilab na ang pansamantalang pagkaubos ng mga naturang gamot sa mga botika ay sanhi ng ‘extraoridnary high demand’ ng mga produktong panlunas sa ubo, sipon at trangkaso sa ilang bahagi ng bansa.

“We continue to manufacture and have in fact increased the manufacturing volume of these products toserve the extraordinary demand,” dagdag pa nito.

Nakiusap rin ang Unilab sa mga tao na iwasang maniwala agad sa mga ‘fake news’ at ilang impormasyong nababasa at lalong iwasang ipasa ito sa iba upang hindi dahilan ng panic at pagkalito.

Bilang ng mabibiling gamot limitado na

Kung magugunita, naglabas na ng direktiba ang gobyerno na naglilimita sa bilang ng mga nasabing gamot na maaaring bilhin ng mga tao.

Sa listahang inilabas ng Malakanyang kamakailan, nakasaad dito na ang paracetamol tablet na 500mg ay maaari lamang mabili ng hanggang 20 piraso kada indibidwal o 60 piraso bawat household.

BASAHIN: Bilang ng mabibiling paracetamol at iba pang gamot, nilimitahan  na

Ganito rin ang itinakdang limitasyon para sa phenylephrine hydrochloride na 10/20/500mg tablet at carbocistine 500mg capsule.

Bukod dito, ipinagbabawal na rin ang online selling ng mga nabanggit na gamot.

Nakatakda ring magsagawa ng compliance monitoring kapwa ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) upang matiyak na masusunod ang nabanggit na direktiba.

Continue Reading

Trending