Connect with us

Health

Coconut Oil- Epektibong Panlaban ng Coronavirus

Published

on

Marami na ang pag-aaral na ang coconut oil ay may maraming benepisyo sa ating katawan. Nakatutulong ito sa pag taas ng good cholesterol, sa pag kontrol ng blood sugar, nakababawas ng stress, nakatutulong sa pag ganda ng buhok at kutis,  nakaiiwas ng sakit sa atay, nakatutulong sa lunas ng sintomas ng hika at nakatutulong sa pagpapayat. Ilan lang ito sa maraming benepisyong makukuha natin sa coconut oil.

Ayon sa pananaliksik ni Dr. Fabian M. Dayrit na isang professor sa Ateneo de Manila University,ang coconut oil ay isang antiviral agent na nakatutulong laban sa novel coronavirus. Ito ay nasa kanyang pananaliksik na pinamagatang “The Potential of Coconut Oil and its Derivatives as Effective and Safe Antiviral Agents Against the Novel Coronavirus (nCoV-2019) na naipublish sa Ateneo de Manila University website nong January 31,2020. Kasama niya sa kanyang pananaliksik si Dr. Mary T. Newport.  Habang ang mga scientists, malalaking pharma at laborities at iba pang institusyong pangkalusugan ay patuloy na humahanap ng solusyon at vaccine sa pagpapagaling ng virus na kinakailangan pa ng mataas na oras, si Professor Dayrit ay nakahanap ng solusyon para mas mapadali ang pag gamit ng mga tao.

Gaya ng malunggay o moringa, ang coconut oil ay ibang super food na may maraming nutrisyon at sangkap na nakatutulong para tumibay ang immune system. Ang coconut oil ay mayroon ding anti-viral, anti-fungal and anti-bacterial properties.

Ayon sa professor, ang coconut oil ay may laman na Lauric Acid (C12) at monolaurin at sodium lauryl sulfate na kilala sa mahabang panahon sa kanilang antiviral properties. 

Sa pananaliksik ni Dr. Dayrit, may tatlong mekanismo na ipinahayag ng antiviral activity ng lauric acid at monolaurin:

1. Sinisira nito ang virus membrane
2. Pinipigilan nito ang paghinog ng virus
3. Pinipigilan ang pagbuklod ng viral protein sa host cell membrane

Ayon din sa professor, ang coconut oil ay madali lang gamitin at mabisang paraan para sa viral at microbial infection.

Food

Kamote mainam sa ating kalusugan

Published

on

By

Bahagi ba ng inyong hapag kainan ang kamote?

Ang kamote, na sweet yam o sweet potato sa Ingles (Ipomoea batatas), ay isang pangkaraniwang halamang-ugat sa Pilipinas na maaaring kainin. Ang mga mura at malambot na mga dahon nito na talbos kung ating tawagin ay maaaring pakuluan o i-steam at isahog sa mga lutuin.

Isa ang kamote sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy. Kaaniwang may matamis na lasa ang pagkaing-ugat na ito.  Manipis ang balat nito at may iba ibang uri; may kulay lila, may puti, may kulay kahel at dilaw.

Maaari mo itong kainin nang nilaga lamang o gamitan ng ulang na parang inihaw. Maaaring balatan o ipito nang may balat matapos linising maigi. Kamote cue ang pinaka-karaniwang pamamaraan sa pagluto ng kamote. Ang kanyang dahon ay puwedeng kainin din, at may maraming paraan sa pagluto nito.

Ano-ano naman kaya ang mga benepisyo ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan?

1. Ang kamote ay mainam na source ng potassium.

Ang kamote ay isang magandang regulator sa tibok ng puso (heartbeat) at nerve signals. Ang mataas na lebel ng potassium ay makikita dito. Ang klase ng electrolyte na nasa kamote ay hindi lang nagre-regulate ng pagtibok ng puso kundi pinipigilan din nito ang muscle cramps at nagbibigay proteksyon din sa ating mga bato (kidneys).

2. Ang kamote ay masustansiya at nagbibigay ng karagdagang tubig at fiber 

Ito ay mainam na source ng fiber, vitamins, at minerals. Mayaman din ito sa antioxidants na nangangalaga sa ating katawan mula sa mga radical damage at mga chronic disease.

Tandaan din na ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig para maging malusog. Malaking tulong ang kamote para diyan. Ang fiber na matatagpuan sa kamote ay tumutulong sa pagpapanatili ng tubig sa ating katawan. Pinapanatili itong balanse at pinapanatili tayong hydrated.

3. Ang kamote ay nakatutulong sa may hika (asthma)

Bukod sa pagiging masustansiya, mainam na isama sa diet ang kamote kung ikaw ay may hika. Ang kamote kasi ay isa sa mga pagkain na bihirang nagdudulot ng allergic reactions sa katawan. Di nga ba’t ang hika ay kadalasang kinakabit sa mga allergy?

Kapaki-pakinabang para sa mga may hika ang talbos o dahon ng kamote dahil sa pamamagitan ng aroma nito, nakatutulong ito na ma-decongest ang ilong at baga, kaya ang paghinga ay hindi stressful para sa may hika.

4. Ang kamote o sweet potato ay magandang source ng iron.

Hindi lamang karne ang magandang mapagkukunan ng iron. Ang kamote ay nakatutulong din sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paggawa ng mga white blood cells at pinapabuti ang pangkalahatang pagpapalakas ng ating immune system dahil sa iron na matatagpuan dito. Di nga ba’t noon pa man ay sinasabi na kumain tayo ng talbos ng kamote lalo na kung maputla tayo o anemic?

5. Nakatutulong ang kamote upang makaiwas sa cancer.

Ang kamote ay may antioxidants na maaaring makatulong upang maprotektahan tayo laban sa ilang uri ng cancer.

Ang anthocyanins — isang grupo ng antioxidants na karaniwang  tinataglay ng kulay lilang kamot – ay nakapagpapabagal umano sa paglaki ng ilang uri ng cancer cells sa pantog,  bituka, tiyan at dede.

Ang matingkad na kulay kahel na kamote ay mayaman naman sa carotenoids na nagsisilbing antioxidants at tumutulong upang mapigilan ang paglaki ng cells. Napabababa nito ang risk na magka-cancer tayo.

Kailangang malakas ang ating immune system lalo na sa panahon ngayon na maraming virus. Kumain tayo ng maraming kamote dahil ito ay nakatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating katawan.

Maraming paraan ng pagluluto ng kamote bukod sa simpleng paglalaga o pag-steam nito. Gawing bahagi ng inyong menu para sa buong pamilya.

Alalahanin ang ating mga ninuno noon at mga taga-probinsiya nating lolo at lola na naging malakas at mahaba ang buhay; marahil ay dahil sa kamoteng regular nilang kinakain!

Continue Reading

government

Kiko, may ibinidang uri ng saging; nanawagan ukol sa ‘Batas Sagip Saka’

Published

on

By

Ibinida ni outgoing Senator Kiko Pangilinan ang klase ng saging na hindi umano gaanong kilala o pamilyar sa karamihan, subalit masusumpungan naman sa kanilang bukirin sa Alfonso, Cavite.

Ipinakita ni Sen. Kiko ang litrato ng mga saging sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 10. Aniya, tinatawag umano itong “arnibal” at maaari itong kainin kahit hilaw kagaya ng manggang isinasawsaw sa bagoong. Kapag hinog naman at ipinrito ay saksakan ng tamis.

“Heto ang saging na arnibal na tawag sa Alfonso. Hindi siya kilala masyado tulad ng saba, señorita, lakatan o latundan pero isa ito sa pinakamabenta naming produkto dahil sa sobrang tamis kapag piniprito. Kapag hilaw naman sinasawsaw sa bagoong tulad ng manggang hilaw,” aniya.

Batas Sagip Saka

Samantala, nanawagan naman siya sa pamamagitan ng isa Facebook post na patuparin nang buo at agaran ang “Batas Sagip Saka” upang may pagkain umano ang mga Pilipino.

“PATUPARIN NANG BUO AT AGAD ANG BATAS SAGIP SAKA PARA MAY PAGKAIN ANG MGA PINOY,” panawagan niya.

“Napipinto ang food crisis bunga ng giyera ng Ukraine at Russia, at ang pagputol ng global food supply chain sa trigo, at sa langis na siya namang nagpapataas din ng presyo ng abono at kung ano-ano pa.”

“Minumungkahi natin ang agaran at buong pagpapatupad ng Batas Sagip Saka para mabuo ang food eco-system at mapatibay ang food supply chain na nakatutok sa kapakanan at kagalingan ng mga magsasaka at mangingisda.

“Kailangan maitatag ang food eco-system sa Pinas na nakasandig sa sariling mga magsasaka at mangingisda, hindi lang sa dayuhan,” pagtatapos niya sa panawagan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Maraming salamat po Sen. Kiko sa tulong sa ating mga magsasaka, kailangang-kailangan nila kayo ngayon at kailangan ng bansa ang mga magsasaka na tulad nila. Taimtim na panalangin ang alay ko sa kanilang lahat at sa mga tumutulong sa kanila,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Maraming salamat Sen. Kiko sa pagtindig para sa mga magsasaka!”

“Si Sen. Kiko lang talaga ang may malasakit sa mahihirap at magsasaka. Salamat po Sen. Kiko,” wika naman ng isa.

Ang Sagip Saka Act ay ganap na naging batas na kaniyang naisulong noong 2019 para sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, nitong ika-11 ng Hunyo ay dumaan si Sen Kiko sa International Farmer’s Summit sa SMX MoA na naaataong last day na para makita ang mga exhibits doon. Aniya, “Ok naman siya. Medyo mas maganda sana kung mas maraming farmers at fishers cooperatives, groups at organizations ang mga participants o exhibitors na binigyan ng support mula sa organizers para makadalo sila. Siguro sa next Summit.”

 

Continue Reading

Health

Inday Sara, ikinalulungkot ang masyadong ‘slow’ na pagpapatupad ng batas sa Universal Health Care

Published

on

By

Ikinalungkot umano ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang ‘mabagal’ na pagpapatupad ng Universal Healthcare (UHC) Law.

Sa harap ng mga nars at medical frontliners sa Batangas City, sinabi ni Duterte-Carpio na bagama’t ang UHC ay isang kapaki-pakinabang na hakbang, ito ay isang “very big challenge” para sa mga local government units na dalhin ito sa kanilang mga nasasakupan.

“Ang laki din ng dapat gawin pa ng government, unang una na ang Universal Healthcare Act. It is already a law, but ang bagal ng implementation ng batas,” saad ni Duterte-Carpio.

“Ang daming mga reforms na supposedly dapat nandoon, but it’s either mabagal o hindi pa nasisimulan,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Davao City Mayor, ang mga isyu sa pagpapatupad ng UHC Law ay nararanasan din sa Davao City, kung saan siya ay kasalukuyang nagsisilbing alkalde.

“Even in our city, the local government of Davao City, hirap kami [on] how to operationalize the UHC and hindi namin alam kung saan kami magsisimula,” pag-amin niya.

“We are trying our best na ma-implement yung Universal Healthcare Act. Napakaganda nung batas, and it is a very big challenge for local government units na aming ibaba ‘yung mga puwedeng gawin at puwedeng makatulong sa ating mga kababayan,” aniya pa.

Sinabi ni Duterte-Carpio na sinimulan na ng Davao City government ang pakikipag-usap sa Department of Health at mga government hospitals para sa operationalization ng UHC Law sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Universal Health Care Law na naglalayong bigyan ang lahat ng Pilipino ng coverage at benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan noong Pebrero 2019.

Sa ilalim ng batas, awtomatikong mapapatala ang mga Pilipino sa panukalang National Health Insurance Program (NHIP), bilang direktang kontribyutor o hindi direktang kontribyutor.

Continue Reading

Trending