M arami na ang pag-aaral na ang coconut oil ay may maraming benepisyo sa ating katawan. Nakatutulong ito sa pag taas ng good cholesterol,...
Ayon sa pananaliksik ni Dr. Fabian M. Dayrit na isang professor sa Ateneo de Manila University,ang coconut oil ay isang antiviral agent na nakatutulong laban sa novel coronavirus. Ito ay nasa kanyang pananaliksik na pinamagatang "The Potential of Coconut Oil and its Derivatives as Effective and Safe Antiviral Agents Against the Novel Coronavirus (nCoV-2019) na naipublish sa Ateneo de Manila University website nong January 31,2020. Kasama niya sa kanyang pananaliksik si Dr. Mary T. Newport. Habang ang mga scientists, malalaking pharma at laborities at iba pang institusyong pangkalusugan ay patuloy na humahanap ng solusyon at vaccine sa pagpapagaling ng virus na kinakailangan pa ng mataas na oras, si Professor Dayrit ay nakahanap ng solusyon para mas mapadali ang pag gamit ng mga tao.
Gaya ng malunggay o moringa, ang coconut oil ay ibang super food na may maraming nutrisyon at sangkap na nakatutulong para tumibay ang immune system. Ang coconut oil ay mayroon ding anti-viral, anti-fungal and anti-bacterial properties.
Ayon sa professor, ang coconut oil ay may laman na Lauric Acid (C12) at monolaurin at sodium lauryl sulfate na kilala sa mahabang panahon sa kanilang antiviral properties.
Sa pananaliksik ni Dr. Dayrit, may tatlong mekanismo na ipinahayag ng antiviral activity ng lauric acid at monolaurin:
1. Sinisira nito ang virus membrane
2. Pinipigilan nito ang paghinog ng virus
3. Pinipigilan ang pagbuklod ng viral protein sa host cell membrane
Ayon din sa professor, ang coconut oil ay madali lang gamitin at mabisang paraan para sa viral at microbial infection.
COMMENTS