W alang perpektong ina at wala ding perperktong anak pero ang isa sa mga pinakamatibay na relasyon sa isang pamilya ay ang relasyon ng i...
Kilalanin ninyo ang mag-inang umagaw ng pansin sa social media na pinagkamalang magkapatid dahil sa kanilang walang kupas na kagandahan. Sila ay may agwat na 23 taon lang. Sila ang mag-inang Joleen Diaz na 43 taong gulang at si Meilani Parks na 19 taong gulang. Sila ay hindi mapaghihiwalay at magkapareho ang kanilang hilig. Marami sa mga netizen ay nabighani sa relasyon ng dalawa dahil hindi halata na anak pala ni Joleen si Meilani.
Joleen Diaz (mother) on the left and Meilani Parks (daughter) on the right
Kung titingnan mo ang kanilang larawan, marami ang nalilito kung sino sa kanila ang ina at anak. Hindi halata sa hitsura at sa kanilang katawan. Si Joleen ay nagtatrabaho ngayon bilang isang elementary school teacher. Nang tinanong si Joleen kung ano ang kanyang sekreto kung bakit bata pa rin siyang tingnan, sinabi niya na magkaroon lang ng healthy at active na lifestyle. Bihira lang siyang uminom at sinisiguro niyang may tamang tulog at maingat din siya sa kanyang mga kinakain. Ang kanyang pinakasekreto rin sa kanyang hitsura ay ang pag maintain ng kanyang skincare regime. Ang kanyang skincare regime ay ginagaya rin ni Meilani ngayon.
Mag isang ipinalaki ni Joleen ang kanyang anak at ipinangako niya sa kanyang sarili na sa paglaki nito,gusto niyang maging close pa rin ito sa kanya. Nang ipinanganak niya si Meilani, batang-bata pa siya kaya hindi naging madali para sa kanya ang pagpapalaki ng anak. Kahit siya lang ang nagpapalaki sa bata, lumaki pa rin si Meilani na isang kahanga-hangang binibini.
Ano ang masasabi ninyo sa relasyon ng mag-ina?
COMMENTS