LOSYANG versus FRESH NA MISIS

Nagtataka ka ba kung bakit losyang na ang misis mo habang ang asawa naman ng kumpare mo ay kay gaganda at laging nakapustura? Nagt atak...


Nagtataka ka ba kung bakit losyang na ang misis mo habang ang asawa naman ng kumpare mo ay kay gaganda at laging nakapustura? Nagtataka ka ba kung bakit yung ibang mga nanay kahit 40 years old na mukha pa ding dalaga samantalang yung misis mo na 25 years old ay mukha ng kwarenta? Pwes, hayaan mong sabihin ko sa'yo ang sikreto.
SA LIKOD NG BAWAT MAGAGANDANG MISIS AY MAYROONG MISTER NA MAPAGMAHAL.

Hayaan mong isa-isahin ko ang mga bagay na ginagawa ng mga mister kung bakit magaganda pa din ang kanilang mga misis.
1. Tinutulungan niya si misis sa mga gawaing bahay. Sa tuwing maglalaba si misis ay siya ang magsasampay. Sa tuwing magluluto si misis ay siya naman ang maghuhugas. Hindi niya inaasa ang lahat kay misis para hindi ito mahaggard.
2. Inuuna niya ang pamilya at hindi ang barkada. Umiiwas na siya sa mga biglaang inuman para hindi na ma stress si misis.
3. He always finds time para ma-date si misis kahit simple lang. Tinatrato nya si misis na parang nasa dating-stage pa lang sila. He always makes way para kiligin si misis.
4. Sinusuportahan niya si misis sa mga pangarap nito sa buhay. Hindi siya possessive at hinahayaan niya si misis na magprogress sa career nito.
5. Hinahayaan niyang magkaroon ng "me" time si misis at siya ang nagtetake over sa mga bata. Ito ay para makapagpahinga si misis mula sa mga gawaing bahay maging sa pagaalaga sa mga bata.
6. Ina-update niya si misis sa kung nasaan man siya at kung ano ang oras ng uwi nya para maiwasan na mag-alala si misis at mag-over thinking.
7. Inaassure niya na walang ibang babae sa buhay niya bukod kay misis. Hindi din siya gumagawa ng kahit na anumang bagay para maghinala si misis. Simple lang naman to. Siya ang unang nagha-heart sa mga selfies ni misis, umiiwas din siya sa mga babaeng nagbibigay ng motibo sa kanya lalo na kapag pinagselosan na ni misis at higit sa lahat hindi malaking issue sa kanya kung hawakan man ni misis ang cellphone niya. Trust is the 🔑
8. Hindi na siya kumokontra sa mga desisyon ni misis para sa pamilya lalo na at kung para sa ikabubuti naman ito ng pamilya.
9. Hinahayaan niyanh bumili si misis ng mga bagay na gusto nito tulad ng make-up, dress, shoes, and bags paminsan-minsan. Kung may pera ay siya na mismo ang nagbibigay ng mga ito kay misis bilang regalo.
10. He ensures na maramdaman ni misis na naaappreciate niya ang mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.
11. Binibigay niya ang sahod niya ng buo o kaya naman ay nagbibigay siya ng pera na sasapat para sa gastusin ng pamilya.
12. Hindi niya nakakalimutang iparamdam kay misis kung gaano niya ito kamahal.
Ngayon, siguro nasagot mo na ang tanong mo kung bakit losyang ang misis mo. Hindi niya pinabayaan ang sarili niya, sadyang napabayaan mo lang siya.
But this does not only apply sa mga mister but also sa mga misis din. Dahil sa relasyon dapat bigayan. Dapat team kayo.
Kung hindi natin didiligan ang halaman siguradong malalanta yan. Kaya kelangan may sapat na pagaalaga para mapanatili ang pamumukadkad nito.
Tandaan na ang isang relasyon ay kinakailangan ng atensyon para mapanatili ang matibay na koneksyon.
Kaya para magkaroon ng fresh na misis siguraduhin mong mapagmahal kang mister.

COMMENTS

Name

Food,7,Food & Travel,1,Health,37,Inspiring,15,lifestyle,13,News,11,Others,33,Travel,1,trends,46,
ltr
item
News Presenter: LOSYANG versus FRESH NA MISIS
LOSYANG versus FRESH NA MISIS
https://1.bp.blogspot.com/-dPjwtr84gVA/XlfetGwT22I/AAAAAAAAAM8/EDiFp5tz4SM-gMEa9_kpqL591D651OfkgCLcBGAsYHQ/s400/jennicabirth-sp.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-dPjwtr84gVA/XlfetGwT22I/AAAAAAAAAM8/EDiFp5tz4SM-gMEa9_kpqL591D651OfkgCLcBGAsYHQ/s72-c/jennicabirth-sp.jpg
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/02/losyang-versus-fresh-na-misis.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/02/losyang-versus-fresh-na-misis.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy