Connect with us

trends

Nadine Lustre Niregalohan ni Xian Gaza ng Bouquet of Mustang

Published

on

Ngayong palapit na ang araw ng mga puso, marami na naman makakatanggap ng mga regalo gaya ng chocolates at mga bulaklak. 

Ibahin ninyo si Xian Gaza ( Christian Albert Gaza) na may kakaibang pasabog para lang mapansin ni Nadine Lustre. Matapos ang hiwalayan ni Nadine at James, ang dalaga ay kasalukuyang single. Marami na namang mga binata ang mga nagkakainteresado para mapansin ni Nadine,isa na dito si Xian Gaza na kilala noon pa na may kakaibang paraan para mapansin lang ng kanyang crush. 

Sa facebook post ni Xian S. Gaza, nag share ito ng napakalaking bouquet ng mga bulaklak na mayroong pulang ford mustang sa gitna na nilalagyan pa niya ito ng banner na “Happy Valentines Nadine Lustre” from Xian S. Gaza. Sa larawang naka post sa facebook, nilagyan ni Xian ng caption na ganito: 
“Dear Nadine Lustre,

First of all, Happy Valentines Week! Sana ay nagustuhan mo at nawa’y tanggapin mo’tong “Bouquet of Mustang” na regalo ko para sayo.

Since my teenage days, KSP na talaga ako. Whenever I really like someone, gagawin ko ang lahat-lahat para makuha ang atensyon nung babaeng gusto ko in the grandest way possible within my means. Just like my ligaw efforts to Ella Cruz way back 2016 and so with my epic fail billboard for Erich last 2017. 

Three years after, here I am again. Nagpapapansin naman this time sayo. Maaari nanamang magmukhang tanga at katatawanan ng publiko but idgaf sa opinyon ng iba. This is me, this is how I express myself, this is the way I am.

Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It’s just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a “Bouquet of Mustang” as a Valentines gift because that’s how high I value you as a woman.

All I want is to be your acquaintance, nothing more nothing less.

Happy Valentines to you, Nadine.

Christian Albert Gaza”

Tatanggapin kaya ni Nadine ang regalo ni Xian? Marami ang nag aabang sa magiging reaksyon ni Nadine. 

Sa nakaraang post ni Xian Gaza, sinabi niya na ang Mustang ay nagkakahalaga ng 1.95 million peso.

celebrities

Yeng Constantino, Rivermaya naglabas ng bagong bersyon ng ‘Liwanag sa Dilim’

Published

on

By

Nagtulungan sina Yeng Constantino at ang OPM band na Rivermaya sa pagpapalabas ng bagong bersyon ng hit song na “Liwanag sa Dilim.”

Ang tune ay kasalukuyang ginagamit sa kampanya para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo sa Mayo 9.

Ang rendition ni Yeng ng kanta ay opisyal na inilabas noong Abril 17; kasama ang isang bagong music video na nagtatampok ng mga ordinaryong tao na sumusuporta sa kandidatura ni Leni.

Kinunan ang performance nila sa rooftop ng isang gusali. Ang music video ay kapansin-pansing nakakuha ng magandang pagsikat ng araw pati na rin ang mga aerial shot mula sa mga nakaraang campaign rally ni Leni at ng kaniyang running-mate na si Sen. Kiko Pangilinan.

Nanguna ito kaagad sa trending list ng Twitter Philippines matapos itong ilabas.

Bukod kay Yeng at mga miyembro ng Rivermaya, lumabas din sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa music video kung saan ipinahayag nila kung bakit nila iboboto si Leni.

Ibinahagi naman ni Yeng ang music video sa kaniyang Facebook.

“Isang malupet na pagkakataon. Kasama ang mga hinahangaan. Para sa bayan at sa pinaniniwalaan. Liwanag sa Dilim. Sa pagkakaisa nating mga Pilipino, mapagtatagumpayan natin ang anumang pagsubok na dumating. Sa ilalim ng isang mahusay at matapat na pinuno, lahat tayo magsisilbing Liwanag Sa Dilim,” ani Yeng sa kaniyang caption post.

Bukod kina Yeng, Rivermaya, Piolo at Angel, marami pang celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Leni, kabilang ang aktor na si Daniel Padilla.

Sa viral photo niya, kasali raw ang Kapamilya actor sa pagpipinta ng mural para sa incumbent Vice President.

Samantala, ibinahagi naman ni Piolo sa kaniyang twitter account ang music video ng ‘Liwanag sa Dilim.’

Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa mga volunteers na gumawa ng music video. “Maraming salamat sa ating mga Volunteer Film Workers, Artists, and supporters from different communities na naging kabahagi natin sa paglikha ng music video na ito!”

Panoorin ang video na ibinahagi ni Yeng:

Continue Reading

Social News

Robi Domingo naglabas ng saloobin dahil sa nag-trending na PBB quiz: “Let’s battle #MaJoHa”

Published

on

By

Naglabas ng kaniyang saloobin si Pinoy Big Brother (PBB) host Robi Domingo dahil sa ‘nakahihiyang’ kakulangan ng kaalaman sa ating kasaysayan na ipinakita ng mga housemates sa ginanap quiz noong isang gabi.

Bagama’t inaming nakatatawa umano ang naging sagot ng mga housemates, hindi na rin daw ito nakatutuwa kinalaunan dahil lumalabas dito ang pagkukulang ng ating kasalukuyang sistema ng edukasyon.

“Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa,” ani Robi sa kaniyang tweet, na ang tinutukoy ay ang sagot ng isang housemate sa tanong na kung sa anong pangalan kilala ang tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos.

Ang naging sagot kasi rito ni Kai Espinido ay MarJo, habang ang kay Gab Skribikin ay MarJoHa, na parehong sablay.

Alam naman kasi ng maraming estudyante na ang tamang sagot sa nasabing ay ‘GomBurZa’ na kinuha sa mga unang letra ng apelyido ng tatlong pari.

Dahil dito, nanawagan si Robi na sana ay pag-ukulan ng pansin ng mga kinauukulan ang mistulang pagkukulang na ito sa ating sistema ng edukasyon.

“Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon,” wika ng PBB host.

“Sa lahat ng content creators, let’s battle #MaJoHa,” dagdag na panawagan ni Robi.

Bukod sa ‘MaJoHa’, na kaagad nag-trending sa Twitter, napansin din ng mga netizens ang maling sagot ni Gab sa tanong na kung anong pinakamahabang tulay sa bansa ang nagdudugtong sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

‘Slex’ ang sagot dito ni Gab habang nakuha naman ni Kai ang tamang sagot na ‘San Juanico Bridge’.

Dismayado naman ang maraming netizens sa kinalabasan ng quiz subalit hindi rin daw dapat sisihin lamang ang dalawang kabataan; bagkus ay ang buong sistema ng edukasyon sa bansa.

“GomBurZa is literally the easiest thing u would know in Phil history. Nakaka disappoint. Pero kung k-drama yan or oppa, memorize pa pati full name. It feels like our history is in crisis. It makes me horrified that this generation. could easily forget our history,” ayon sa isang Twitter user.

Panawagan ng marami, sana raw ay maging hudyat na ito upang repasuhin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pinaiiral na kurikulum lalo na sa paksa ng pag-aaral ng ating sariling kasaysayan.

Panoorin ang buong episode ng PBB:

Continue Reading

trends

‘Kosk’: Bagong face mask sa South Korea ilong lamang ang natatakpan

Published

on

kosk

Sa pagpapatuloy ng pandemya, iba’t iba ang paraan ng mga tao habang nagpapatuloy sa “new normal”; may magaganda, may mga kakaiba, at mayroon ding mga hindi nakatutuwa. Isa ang “kosk” sa mga bagong imbensyon na unti-unti nang pinag-uusapan ngayon.

Ayon sa The Guardian, ang kosk ay isang bagong type ng face mask na nagsimula sa South Korea at sa kasalukuyan ay nakakakuha ng maraming atensiyon dahil sa pagiging iba nito sa mga tipikal na mask. Hindi kagaya ng karaniwan na natatakpan nang buo ang ibabang bahagi ng mukha, tanging ilong lamang ang natatakpan at nakalitaw ang bibig ng may suot nito.

kosk

“It probably makes a marginal difference,” saad ni Professor Catherine Bennett; kasalukuyang chairperson ng epidemiology sa Deakin’s Institute for Health Transformation.

Akmang-akma sa produkto ang ipinangalan dito ng South Korean company na Atman. Ang salitang “kosk” ay kombinasyon ng “ko” na Korean word na nangangahulugang “nose” at “mask”.

koskBagama’t idinisenyo umano para magbigay pa rin ng proteksyon habang kumakain sa pampublikong lugar ang isang tao, isinusuot na rin ang kosk bilang nose-only mode at marami ang natutuwa sa bagong klase ng mask. Ngunit marami rin ang bumabatikos sa produkto.

kosk

“Kosk makes no sense; reasons being: 1. Doesn’t stop the virus entering/exiting the wearer, 2. Smell and taste are closely linked. If the ability to smell is reduced, food may seem tasteless!” wika ng isang Twitter user.

“Forget sticking your nose out of your mask–now you can stick your mouth out instead with the kosk,” tweet naman ng isa.

Ikaw, anong masasabi mo sa bagong klase ng mask na ito? Isa ka ba sa mga bibili at gagamit ng kosk? Ibahagi sa amin ang iyong opinyon!

Continue Reading

Trending