A lam ba ninyo na may maraming benepisyo na makukuha sa pagkain ng atis? Marahil, marami sa inyo ang hindi nakakaalam kung ano ang makuku...
Ang Atis o sugar apple ay tumutubo sa isang lugar na may tropikal na klima gaya ng Pilipinas. Ito ay prutas na kulay berde na ang balat ay matigas at hindi pwedeng kainin, pero ang laman nito ay maputi at matamis. Hindi alam ng karamihan na may maraming health benefits na makukuha sa atis dahil mayaman ito sa anti-oxidants at minerals gaya ng calcium,potassium, folate, niacin, magnesium, thiamin, vitamin C at B6 at fiber.
Ang dahon nito ay may maraming benepisyong medisinal. Maaari itong ilagay na direkta sa balat at may marami ding makukuha na benepisyo kapag ang dahon nito ay pakuluan sa tubig.
Heto ang ilan lang sa mga benepisyong makuha natin sa pagkain ng atis:
1. Nakabababa ito ng Blood Pressure- ang potassium ay isa sa mga nutrients na makukuha natin sa atis. Ang potassium ang nag control sa sodium sa ating katawan. Kapag mataas ang sodium sa ating katawan nag reresulta ito ng high blood pressure dahil ang sodium ay siyang magdadala ng karagdagang tubig sa katawan. Ang mataas din na sodium nareresulta ito ng osteoprosis, problema sa tiyan at maging problema sa kidney.
2. Nakabababa ng Blood Cholesterol- ang atis ay mataas sa niacin o nicotinic acid. Ang nicotinic acid ay Vitamin B3 na nakatutulong sa pag ayos ng cholesterol level sa dugo at nakatutulong din sa pag iwas sa sakit ng puso. Ang Vitamin B3 o niacin ay nakatutulong para magkaroon ng good cholesterol o high-density lipoprotein na inaalis ang bad cholesterol sa ugat.
3. Regular na regla- kung ito ay naka prepara na naka tea, nakatutulong ito para magkaroon ng hindi masakit na pag reregla sa mga kababaihan.
4. Nakatutulong sa Arthritis- ang dahon ng atis kapag ini init at inilagay sa parte na may arthritis para hindi ito sumakit.
5.Nakakaiwas ng hika- ang atis ay mayaman sa Vitamin C na nakatitibay sa immune system. Nakatutulong ito sa pag iwas ng pamamaga sa daanan ng hangin na siyang dahilan ng hika.
6.Nakatutulong sa maayos na pagbubuntis- ito ay mayroong folate na nakabubuti sa mga buntis. Ang folate ay nakatutulong upang maiwasan ang neural tube problem sa sanggol.
7. Disinfectant- ang katas ng dahon ng atis ay nakatutulong na disinfectant sa mga sugat. Nakaaalis ito ng bacteria sa sugat na nakatutulong sa pag galing ng mabilis.
COMMENTS