A ng kamote ay isang common na pagkain sa Pilipinas. Ito ay popular na tumutubo sa Ameica, Africa at sa Asya. Ito ay isang klase ng gulay...
Heto ang mga nakamamanghang rason kung bakit mas piliin ang pagkain ng kamote:
1. Mayaman sa Bitamina.
Ang kamote ay may vitamin B6, mataas sa vitamin C at vitamin D. Kung ito ay kainin mo ng regular, maaring makatutulong ito para maiwasan ang ubo at sipon at ibang viral na sakit. Ang kamote din ay nakatutulong para mabawasan ang stress at maprotektahan ang katawan ng toxins na maaaring magdulot ng kanser.
2. Mataas sa Magnesium at Potassium
Isa sa mga pinakamatapang na anti stress mineral ay ang magnesium na makikita sa kamote. Ito ay mineral na napakakailangan para sa ating katawan para magkaroon ng mabuting ugat, buto, puso at muscles.
Ang potassium din na nasa kamote ay nakatutulong para sa puso at maging sa ating utak. Nakatutulong din ito sa sakit sa bato, relaxation ng muscle para makaiwas sa pamamaga.
3. May mataas na beta-carotene
Ang kamote ay kulay dalandan na klarong klaro na ito ay may beta-carotene. Ito ay nakakatulong para magkaroon ng normal na paningin, palakasin ang resistensya ng katawan at may mataas na antioxidant na makaprotekta sa kanser.
4. Nakatutulong sa Pagkontrol ng blood sugar
Kahit ang kamote ay may carbohydrates, pero ito rin ay nakatutulong sa pag regulate ng glucose level dahil mataas ito sa fiber.
5. Mayaman sa Vitamin A
Nang nakaraang taon, may mahigit sa 250,000 na tao ang namamatay dahil sa kukalangan ng vitamin A. Ayon pa sa World Health Organization, doble pa nito ay nawawalan ng paningin. Ang pagkain ng isang kamote ay saktong pinagmulan ng Vitamin A.
COMMENTS