Connect with us

Others

Paano nagawa ang 400,000 square feet na Hospital in 7 Days sa China

Published

on

  • Ang hospital ay gawa sa mga pre-fab modules na ginawa sa mismong site.
  • Mahigit pitong libong (7,000) construction workers and nagtatrabaho 24-7.
  • Espesyal ng ventilation para ma contain ang virus.

Sa gitna ng takot at panic na dala ng corona virus. Ang China ay nagawa pa ring protektahan ang kanilang mga tao laban sa virus. Nakakamangha ang ginawa ng Gobeyrno nila na gumawa ng napakalaking ospital sa loob lang ng pitong (7) araw!

Parang hindi kapanipaniwala na kaya nilang gawin to. Paano mo gawin at taposon ang 400,000 square feet facility sa lang ng isang linggo. Dahil sa kaning prefabrication at napakaraming manpower, nagawa nila ito. 
Ang Huoshenshan Hospital sa Wuhan ay sa katunayan gawa sa modules.
Ang ospital na ito ay modeled sa Xiaotangshan Hospital in Beijing na ginawa noong 2003 SARS outbreak. Pero and mga block sa bagong ospital na to ay iba ang ang pagkagawa.
Ayon sa CNN source, ang design ng Huoshenshan Hopsital ay hindi talaga copyang copya sa Xiaotangshan’s design dahil meron itong 1,000 beds sa 400,000 sq. ft. 
Ang mga ginamit na mga modules para sa Huooshenshan ay di hamak na mas mataas ang klase kysa sa ginagamit ng shipping containers na ginagamit ng kadalasang mga gusali. 
Paliwanag ng structural engineer na si Thornsten Helbig :
Medyo kakaiba ang proseso ng pag-gawa ng building ng ospital, kasi sa halip na completong rooms shipped, ang mga parts ay pinagsama-sama sa site. Pre-made components assembled into modules doon na sa site.
Isa sa pinaka importanteng major consideration dito is ang bentilasyon, dahil dapat macontain ang virus.
Sabi ng mga reports:
Sa tingin nyo, maganda kaya ang quality ng pagkagawa ng gusali ng ospital? Kaya kaya to sa pilipinas na gumawa ng gusali sa loob ng isang linggo? Ibahagi ang iyong opinion sa commment section at ifollow ang ating page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Nostalgia

Balik-tanaw: Ang mga binabakat nating barya sa papel noong tayo’y nasa elementarya pa

Published

on

binabakat barya papel

Natatandaan mo pa ba ang mga libangan ninyong magkakamag-aral kapag walang ginagawa sa eskwela? Binabakat mo rin ba sa papel ang barya noong ikaw ay nasa elementarya pa?

Isa sa mga kinaaliwang gawin noon ng mga bata ang pagbabakat ng mga barya gamit ang papel at lapis. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang maraming social media users na naging libangan nila noong kabataan ang gawaing ito.

“Kumpleto ang kabataan mo kung nagawa mo ‘to,” saad ng nakasulat sa imaheng ini-upload ng page.

binabakat barya papel

Madalas itong gawin kapag may bakanteng oras sa paaralan o maagang natapos sa ginagawa; may mga gumagawa rin nito sa bahay bilang pampalipas ng oras kung wala naman masyadong takdang-aralin. Marami kasi ang natutuwa sa sayang dala ng mga baryang papel na maaaring paglaruan pagkatapos bakatan ng coins. Ang iba, ginagawa raw itong pera-perahan. Ang ilan, basta itinatabi lang anga binakat nila.

“Yes po, during my elementary days. Palaging humihingi ng pambili ng lapis at bond paper kina nanay at tatay,” tugon ng social media user na si C. Mejos Sabado.

“Ako, nagawa ko na ‘yan noong elementary. ‘Pag wala kang magawa noong kabataan mo, dudukot ka sa bulsa mo ng barya tapos ibabakat mo sa papel,” pagbabahagi ni R. Escopete.

“Yes na yes po! Lagi ko ginagawa iyan noon! Ang ganda kasing kaskasin kasi po natutuwa ako dahil humuhubog pera na siya at ginugupit ko kase parang pera na ang itsura n’ya, ‘di ba po, kadekada?” kumento ni W. Caparas.

May mga nagsabi rin na sa paraang ito, nararamdaman nila na marami silang pera kahit ang totoo ay barya lamang ang mayroon sila sa bulsa.

binabakat barya papel

Ikaw, ginawa mo rin ba ito noong bata ka? Ano ang hindi mo makalilimutang alaala na may kinalaman sa libangan na ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post!

Continue Reading

beauty

Get to know our very own Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez

Published

on

By

Get to know Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez: community development worker and a Philippine Navy Marine Reservist.  Ito ang intro sa video na ibinahagi ng Miss Universe channel sa sharing platform na YouTube at sa Facebook.

Dito ay ibinahagi ng ating 26-anyos na pambato sa 70th Miss Universe pageant ang ilang personal na bagay tungkol sa kanya.

Aniya, siya ay lumaki sa pag-aaruga ng kanyang single mother. “I was raised by a single mom and she had quite a hard time managing our household.”

Makabuluhan umano ang naging papel ng volleyball sa kanyang buhay pagkat sa pamamagitan nito ay nakatapos siya ng high school at nakatuntong sa kolehiyo sa pamamagitan ng athletic scholarship.

“Being a part of the volleyball varsity team is not just something I take as an achievement, but it is something that really changed my life for the better because I was able to help my mom in some way and I was able to make her proud,” pagbabahagi niya sa video.

Ang kanyang alma mater ay ang University of San Jose-Recoletos in Cebu. Kinukuha niya ang kursong Bachelor of Arts major in Mass Communications ngunit napatigil muna dahil nagfo-focus siya ngayon sa community development work at sa pageantry.

Sa isang ulat na inilabas ng unibersidad ay sinabing: “In college, she studied at the University of San Jose-Recoletos and pursued a degree in Mass Communications. On the side, she also became one of the varsity players for volleyball. However, certain circumstances made her stop going to college. She expressed that she has plans to continue her studies and earn a diploma when circumstances allow.”

Bukod sa pagiging volleyball player, ibinahagi ni Beatrice na siya ay miyembro ng Philippine Navy Marines kung saan siya ay sumailalim sa mga physical trainings.

Sa pagtatapos ng kanyang video ay ibinahagi ng Cebuana beauty na siya ay nagpapasalamat sa suporta ng Pilipinas sa pagpapadala ng isang miyembro ng LGBTcommunity na para sa kanya ay isa umanong “big deal.”

Aniya, “It’s a big deal because we are here to give positivity and be an inspiration especially to the young children who are looking up to us — that they can be whoever they want to be when they grow up.”

Lumikha ng ingay sa kasaysayan si Beatrice bilang pinakaunang kandidata na miyembro ng LGBT na naputungan ng Miss Universe Philippines crown.

Makahahabol pa sa voting para sa ating PH representative. Magtungo lamang sa website ng Miss Universe 2021 at hanapin ang profile ni Beatrice Luigi Gomez. Your vote matters!

Support our Miss U bet Beatrice Luigi Gomez by casting your VOTE. Click the image to vote.

Makatutunggali ng ating pambato ang mahigit 70 candidates sa 70th edition ng Miss Universe na gaganapin sa Israel. Ating dalangin na sana ay masungkit niya ang pang-limang korona para sa Pilipinas!

Panoorin at i-like ang kanyang video sa Miss Universe channel via YouTube.

Samantala, maaari ring ipahayag ang suporta sa ating PH bet sa video na ibinahagi sa Facebook ng Miss Universe organization:

Click the image to watch the video

 

 

Continue Reading

Others

Usapang negosyo: Mahirap nga bang kasosyo ang kaibigan o kamag-anak

Published

on

By

Mahirap nga bang kasosyo ang kaibigan o kamag-anak?

Nagbahagi ng kanyang pananaw ang sikat na wealth and life coach na si Chinkee Tan kaugnay dito.

Sa totoo lang, maraming tao ang nais ding pasukin ang pagnenegosyo lalo na nitong nangyari ang pandemya. Dahil maraming naapektuhan at nawalan ng trabaho, pagnenegosyo ang naisip ng ilan upang maitawid ang mga pangangailangan ng pamilya. Kanya-kanyang diskarte, ‘ika nga.

Marami talagang nais ding magnegosyo, ngunit sa dami ng kinukonsidera at pinag-aaralan, bukod sa uri ng negosyong nais subukan, naroon din ang posibilidad na pumasok sa partnership o pakikipagsosyo lalo na kung kapos sa personal na pondo. Nariyan na ang paghahanap ng makakasosyo upang tuluyang mailarga ang naiisip na negosyo dahil kulang pa ang badyet o naiipon.

Kapag ganito ang scenario, ang kadalasang tanong – – ok lang kayang makipagsosyo sa kamag-anak/kapamilya o kaibigan?

Mayroon sigurong sasagot ng oo, kasi kaibigan nga eh, kamag-anak nga eh…so malamang hindi ka lolokohin? Mas mainam nga bang kamag-anak para ‘hindi makakatakbo’ pag nagkaproblema? O kaya ay iniisip mong mas safe kasi hindi sila ‘others’ at mas magmamalasakit sa negosyo dahil nga hindi na sila ‘iba’?

Video screenshot via Chinkee Tan YouTube

Well, wala namang mawawala kung pakikinggan muna ang mga “paalala” ni boss Chinkee  — ang popular na financial expert at author ng maraming aklat tungkol sa kaperahan at pagnenegosyo.

Kaya’t sa tanong kaugnay sa pagnenegosyo at pagkuha ng kasosyo, sino nga ba ang mas mainam? Kaibigan ba o kamag-anak? Sino ang better option?

Nagbigay siya ng walong dahilan na nararapat umano nating ikonsidera at pag-aralan bago tayo pumasok sa negosyo  na may pakikipagsosyo. Worth namang pagtuunan ng time para makapagmuni-muni dahil hindi basta basta ang pagpasok sa negosyo lalo na ngayong may pandemya. Be triply careful lang tayo.

8 Points to Ponder

Ibinahagi ng itinuturing na wealth and life coach ang walong dahilan kung bakit mahirap maging kasosyo ang kaibigan o kamag-anak sa negosyong nais mong pasukin.

Malalaman mo ito sa kaniyang YouTube video kalakip ang mga paliwanag sa bawat puntong ibinahagi niya. Inilahad niya na bilang mga kamag-anak o kaibigan, naroon ang posibilidad na:

• Mahirap silang pagsabihan (masyadong emosyonal?)
• Mahirap utusan
• Mahirap mag-suggest
• Mahirap magkaroon ng hindi pagkakaunawaan

• Mahirap kung masaktan
• Mahirap magbilangan
• Mahirap magpaliwanag
• Mahirap maningil

Isa-isa niya itong tinalakay kaya’t matamang makinig sa kanyang paliwanag at halimbawa, kung ikaw man ay nagpaplanong magnegosyo o kaya’y kinukuhang kasosyo. Mahirap din namang magsisi sa bandang huli kaya’t tignan rin ang punto de vista, ‘di ba? Tapos samahan lagi ng dasal ang bawat desisyong gagawin!

Maraming nagkomento at sumang-ayon sa kanyang vlog lalo na yaong mga nakaranas na ng kanyang mga nabanggit.

Continue Reading

Trending