I sa sa mga "Cancer Prevention Recommendation" ay ang paglilimita ng mga fast foods at process foods na may mataas na fats, su...
Mayroong pinakamatibay na ebidensya na ang pagkain ng may mataas na sugar ay nagkakaresulta ng endometrial kanser.
Ang pagkain din sa mga fast foods ay nakakasama din sa ating kalusugan. Ang mga fast foods ay may high calorie content (energy dense foods) tulad ng burger, fries, fried chicken at high calorie drinks tulad ng soft drinks. Ito ang mga pagkain na may mataas na proseso pang pinagdaanan bago maikonsumo. Dumaan pa ito sa industrial processing na nagreresulta ng pagkawala ng mga micronutrients.
Isa sa mga pinakakilalang process food ay ang hotdog. Ayon sa World Health Organization, ang pagkain umano ng tatlong pirasong hotdog ay katumbas ng pag gamit ng isang pack ng sigarilyo. Ang palaging pagkain ng hotdog ay nakakasama ito sa kalusugan at maging sanhi din ng leukemia at kanser sa utak. Hindi lang hotdog ang pwedeng dahilan ng kanser, pati na rin ang canned goods, mga prosesong karne gaya ng chorizo, tocino at longganisa. Ang mga prosesong pagkain ay nilalagyan ito ng nitrite na nagsisilbing preservative at food coloring. Nagiging nitrosamite ito pag ito ay nakapasok sa katawan ng tao at ito ay carcinogenic.
Payo ng mga eksperto, bawasan na ang pagkain ng mga prosesong pagkain. Kumain ng mga pagkain na lutong bahay para nakasisiguradong ang mga sangkap at ang pag gawa nito ay maayos. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Simulan ang pagkain ng malinis maging sa mga bata pa lang.
Isa sa pinakamabisang paraan din ng pag iwas ng kanser ay ang pagiging aktibo sa pisikal o "walk more,sit less". Ang pagiging aktibo sa pisikal ay nakatutulong para mabawasan ang timbang na pwede ring maiwasan ang kanser sa colon, breast at endometrium.
Maging maingat sa iyong kinakain at aktibidad araw-araw. Prevention is better than cure.
COMMENTS