A ng Pilipinas ay kilala sa magagandang beaches sa buong mundo. Dinadayo ito ng mga torista galing sa iba't ibang Bansa. Kahit saan...
Ang Pilipinas ay kilala sa magagandang beaches sa buong mundo. Dinadayo ito ng mga torista galing sa iba't ibang Bansa. Kahit saan ka sa Luzon,Visayas o Mindanao ma ipagmamalaki talagang mga beach.
Pero, hindi lamang white fine sand beaches ang maipagmamalaki ng bansa, dahil ang baybayin din ay mayroong iba’t ibang kulay katulad ng golden yellow, itim, at kahit kulay pink.
Sa Great Santa Cruz Island sa southern coast sa Zamboanga, matatagpuan ang kulay Pink na buhangin. Ang kulay na ito ay nagmula sa mga durog durod na red corals o tinatawag din na organ pipe corals na humalo naman sa puting buhangin.
Dahil sa ganda na mayroong ito, tinampok ito ng National Geographic, isang international magazine na kilala dahil sa paksa nito sa heograpiya, kasaysayan, at kultura ng mundo. Hindi lamang iyan, dahil tinagurian din nila ang Pink Beach ng Zamboanga bilang isa sa “21 Best Beaches in the World.”
Isang international magazine na kilala dahil sa paksa nito sa heograpiya, kasaysayan, at kultura ng mundo (National Geographic) tinampok ang beach na ito. Tinagurian din nila ang Pink Beach ng Zamboanga bilang isa sa “21 Best Beaches in the World.”
Kung ninanais mo naman na makita ang pink na buhangin na mayroon sa Zamboanga, maaari kang mag-book ng flight patungong Manila hanggang Zamboang City.
From airport, maaari kang pumunta sa City Tourism Office sa Paseo del Mar. Sasakay ka din ng bangka patungo sa nasabing isla.
COMMENTS