love story, destiny
Ang kwentong ito ay di pangkaraniwan. Isang batang lalaki na humalik ng isang batang babae sa Baguio ay ikinasal matapos ang 30 na taon na kanilang unang pagkikita. Sino ang nagaakala na sila ay ikakasal pagkatapos ng 30 taon? Nakakakilig diba?
Si Barbie Atienza ay nagbahagi ng larawan sa mag-asawa nang sila ay bata pa. Hinalikan ng batang lalaki ang babae sa isang parke sa Baguio.
Ito ang sulat ni Barbie,
"30 years ago this boy casually walked up to this little girl somewhere in Baguio, and kissed her on the forehead and then ran away. They never met again until a couple of years ago. They had absolutely no way of knowing that 3 decades after they would wind up as husband and wife. Amazing. Coincidence? Fate? Destiny? That's the magic of love!"
Marami sa mga netizen ang kinilig sa kanilang estorya. Hindi inaasahan na ang kanilang pagkikita nang sila ay bata pa ay matutuloy pala sa isang kasalan sa paglaki nila.
May iba naman ang hindi makapaniwala sa kanilang estorya na sinabi na ito ay isang gawa-gawa lamang pero ang lumang larawan ang nagpapatunay na ito ay totoo.
Isa sa mga netizen ay nag komento, " got to believe in magic tell me how two people find each other, in a world where full of strangers"
Ang ibang mga netizen ay hinihimok ang kanilang partner na e check ang mga lumang larawan baka mayroon ding nangyayari katulad ng bagong ikinasal.
Ano ang masasabi ninyo sa love story nila?
COMMENTS