Connect with us

Travel

Senior Couple nag Travel Goals,Nilibot ang 40 na Bansa

Published

on

Kilalanin ninyo ang senior na mag-asawang Intsik na nagpapatunay na mas tumibay ang kanilang relasyon ng dahil sa kanilang pag tatravel.Naniniwala ang mag-asawang ito na sa pag tatravel, talagang age doesn’t matter.

Ang mag-asawang Zhang Guangzhu na 71 taong gulang at Wang Zhongjin na 68 taong gulang na nakatira sa China na noon ay hindi mahilig sa pag tatravel pero nang makilala nila ang isang dayuhan na bumisita sa Yunnan ay nagbago ang kanilang pananaw sa pagbabyahe. Nag desisyon ang dalawa na iwan muna ang nakasanayang gawain sa kanila at mamasyal muna sa iba’t-ibang lugar. Sila ang nagpapatunay na mas lalong tumibay ang kanilang relasyon nang simulan nila kanilang paglalakbay sa iba’t-ibang bansa. Hindi naging hadlang ang kanilang edad sa kanilang paglalawig at pinili nilang mag backpacker sa kanilang pagbabyahe.

Bago nila sinimulan ang kanilang pag babyahe, nag aral muna si Zhang ng English habang si Wang naman ay nag aral ng geography at history. Sinimulan nila ang kanilang backpacking trip nong 2008 at pumunta sa iba’t-ibang lugar gaya ng Greece, Italy, Spain, Portugal, France, Netherlands, Belgium, Germany, Czech Republic at marami pang iba.

Matapos ang kanilang European trip, nag desisyon naman ang dalawa na pumunta na naman sa North America ,Mexico, Cuba, Nepal at India. Nong 2011, napuntahan nila ang 40 na bansa.

Ayon sa dalawa, naging masaya ang kanilang pagbabyahe at mas lalong nakilala nila ang kanilang sarili at mas tumibay ang kanilang relasyon bilang mag asawa. Iba’t-ibang mga kultura ang kanilang mga natutunan sa mga bansang kanilang narating. Napuntahan nila ang 40 na bansa dahil naka backpacker trip lang ang dalawa. Upang marating ang ibang bansa, hindi naman kailangang piliin ang mahal na akomodasyon.

Marami sa mga netizen ay napahanga sa mag asawang Zhang at Wang. Naging inspirasyon sila na habang tayo ay nabubuhay pa, kailangan nating lubos lubosin ang oras na kasama natin ang mahal natin sa buhay. Sa kasalukuyan, ang mag asawa ay nasa China pa rin at patuloy pa rin silang bumabyahe sa mga malalapit na lugar sa China.

News

PH bags ‘World’s Leading Beach, Dive Destination’ awards for 2022

Published

on

By

The Philippines has been cited as the world’s leading beach and dive destination for 2022 by an award-giving body recently.

At the 29th World Travel Awards Grand Final Gala Ceremony held in Muscat, Oman, the Philippines bagged both the ‘World’s Leading Beach Destination’ and ‘World’s Leading Dive Destination’ for this year.

The Philippines bested other nominees such as 2021 and 2020 winner The Algrave, Portugal, Maldives (2019), Jamaica (2018) and Galapagos Island (2017).

“These global victories for the Philippines evince the unparalleled beauty of our country and the distinct warmth of the Filipino people. We sincerely thank the World Travel Awards and everyone from all over the world whose vote of confidence is timely as the Philippines fully opens its arms to welcome tourists to our shores,” said Tourism Secretary Christina Garcia Frasco in a statement.

This is also the fourth year in a row that the country has been chosen as the World’s Leading Dive Destination over other popular diving destinations such as the Great Barrier Reef in Australia, the Cayman Islands, Maldives, Fiji, Mexico, Azores Islands, French Polynesia, Galapagos Islands, St. Kitts, and Belize.

Meanwhile, three other PH establishments have also been recognized by the World Travel Awards namely Amanpulo, as the World’s Leading Dive Resort 2022; City of Dreams Manila, as the World’s Leading Casino Resort 2022; and Ascott Bonifacio Global City Manila, as the World’s Leading Serviced Apartments 2022.

Other WTA nominations from the Philippines include Siargao for the World’s Leading Island Destination, Intramuros for the World’s Leading Tourist Attraction, and the Department of Tourism (DOT) for orld’s Leading Tourist Board for 2022.

The World Travel Awards was established in 1993 with an objective “to acknowledge, reward and celebrate excellence across all key sectors of the travel, tourism and hospitality industries.”

Watch the awarding ceremony:

Continue Reading

News

A wake up call? Food vendors sa Virgin Island ng Bohol, ‘out for good’ na

Published

on

By

Ang alkalde ng Panglao, Bohol ay nagdesisyon nang hindi na papayagan ang mga nagtitinda, o vendors, sa kanilang Virgin Island matapos ang viral na social media post kaugnay sa napakamahal na pagkaing ibinebenta sa mga turista sa popular ilang sandbar.

Matatandaan na noong unang linggo ng Agosto ay isinara pansamantala ang isla matapos ang mag-viral ng isang Facebook post na nagsaasabing ang grupo (13 katao) na bumisita sa isla ay nagbayad P26,100 para sa seafood at mga inumin na kanilang inorder mula sa local vendors noong July 29.

Ayon kay Mayor Edgardo “Boy” Arcay, ang desisyon ng lokal na pamahalaan na ipagbawal na ang pagtitinda doon ay upang mapanatili ang pagdagsa ng mga bumibisita sa kanilang bayan.

Aniya, “Tourists come here, not only because of our beautiful beaches, but also because of honest people. If food prices are overpriced, no one will visit Panglao again.”

Sinabi rin ni Mayor Arcay na hindi na umano kailangang i-regulate ang presyo ng pagkain sa Virgin Island  pagkat ang lahat ng 18 vendors ay pinagbawalan nang muling mag-set up ng kanilang food stalls doon.

Dagdag pa niya, ang operasyon ng vendors doon ay hindi legal pagkat ni wala silang business permits. Naglabas na umano sila ng closure notice noong ika-3 ng Agosto.

Tungkol naman sa boat trips sa Vitgin Island, sinabi rin ni Mayor Arcay na ang mga ito ay sinuspinde lamang sumandali habang iniimbestigahan ang mga reklamo mula sa mga turista kaugnay sa isyu ng ‘overpriced food.’ Ang mga bumibisita sa isla ay welcome na welcome umano sa Virgin Island upang ma-enjoy ang kanilang sandbar at malinaw na katubigan sa kanilang island hopping toiurs.

He said tourists are welcome to stop on Virgin Island and enjoy its sandbar and clear waters during their island hopping tours.

“It’s paradise once again,” ito ang nasabi umano ng isang turistang Norwegian na dati nang nakapasyal sa isla taong 2018. Nawala na kasi ang mga nakatayong tindahan sa sandbar ng isla.

Pahayag naman ni Bohol provincial administrator Aster Caberte, marapat na matutunan g mga vendors ang leksyon sa pangyayaring iyon para hindi mawalan ng ganang dumayo roon ang mga turista, lokal man o international guests.

“This is a wake-up call for them,” ani Caberte.

Sa panig naman ng nag-post kaugnay sa isyu ng overpricing, aniya, “It is not my intention to destroy any businesses on the island but purely awareness, especially for the local tourists who are planning to relax from the crowded city and toxic jobs whose budget is very limited. If ever I offended everyone, my apology to you all.”

Read: ‘Overpriced food’ in Virgin island goes viral; Panglao mayor orders investigation to check food prices

Samantala, may FB post naman ang isang netizen na Boholano, si ML Tagupa, tungkol sa pangyayari sa Virgin Island.

“This is not the first time that this happened, it doesn’t happen only in Bohol too.

“Let’s put in mind that everything happens for a reason. With God’s grace and guidance, the 26k bill is actually a blessing for this administration.

“The 26k Virgin Island thing now leads to a direction where the local government can rectify what hasn’t been given attention during the previous administration.”

Dagdag pa niya, Let us all be responsible in taking care of Mother Nature, after all, we don’t want nature to destroy us.”

Tama nga naman!

Samantala, huwag alalahanin ang mga vendors na nakaugnay sa pagbabagong ito. Sila ay ililipat sa ibang lugar na naaayon sa pagpili ng municipal governement, pahayag ni Leigh Sinica, municipal tourism officer, ayon sa Bohol Chronicle.

Continue Reading

animals

Bookstore na nagsisilbi ring tahanan ng mga pusa, bentang-benta sa cat lovers

Published

on

Halos kalahating buwan pa lamang simula nang ito ay binuksan ngunit naging paboritong tambayan at atraksyon na para sa mga cat lovers ang isang bookstore na matatagpuan sa Aix-en-Provence, France. Bukod kasi sa puno ito ng magagandang klase ng aklat, ang Mon Chat Pitre ay isa ring tahanan para sa anim na magagandang pusa.
Ayon sa Oddity Central, simula nang buksan ang bookstores nitong nakaraang Hunyo ay kinawilihan na ito ng mga mahihilig sa pusa. Sa bawat sulok ng shop, makakakita ka ng mga pusa na may iba’t ibang ginagawa. May natutulog sa mga libro. May naglalaro. May nagmamasid sa mga tao. May mga agad ding  “nag-e-entertain” ng mga customer na pumapasok dito.
At ito ang talagang nasa isipan ng mga nasa likod ng bookstore na sina Solène Chavanne at Jean-Philippe Doux, mga television journalist na nangarap magkaroon ng isang espesyal na tindahan ng aklat kung saan payapang makapamimili ang mga bookworm habang nasa paligid ang mga magaganda at mababait na pusang mas magpapaganda pa ng araw nila.
Anim na pusa raw ang matatagpuan sa nasabing bookstores at lahat sila ay in-adopt mula sa isang local shelter. Sa kasalukuyan, ang mga pusa raw ay kinokonsidera rin ng mga nagmamay-ari ng shop bilang  ambassadors ng mga napabayaang pusa.
Kapag may customer daw na interesadong mag-alaga ng mga pusa, maaari rin sa kanilang humingi ng tulong kung paano makapagsisimula, lalo na at marami pang mga katulad nila sa mga local shelter na kalapit ng bookstore.

Samantala, para naman hindi mapagod ang mga pusa sa dami ng mga bisitang nakikipaglaro at kumakarga sa kanila, naglaan ang may-ari ng isang lugar sa likod ng shop na nagsisilbi nilang “retreat area”.

Sa lugar na ito, hindi raw maaaring pumasok ang mga bisita at ang matatagpuan lamang ay ang kanilang mga laruan at higaan. Kapag ayaw muna nila sa loob ng tindahan, pumupunta sila sa nasabing lugar. Cats’ haven!

Continue Reading

Trending