Sigurado ka ba na maganda ang SILI sa ating katawan?

M ahilig ba kayo sa sili o sa mga pagkaing maaanghang? Alam niyo ba na bukod sa pampagana ito sa ating pagkain ay may benepisyo pa ang ...


Mahilig ba kayo sa sili o sa mga pagkaing maaanghang? Alam niyo ba na bukod sa pampagana ito sa ating pagkain ay may benepisyo pa ang sili.
Sa Pilipinas ang sili ay pangpa completo sa pagkain, lalon sa mga lalaki. 
Hindi pa ito tiyak ngunit mayroon nang pagsusuri na nagpapakita na may tulong ang sili sa ating katawan.
Ang sikretong sangkap ng sili ay ang Capsaicin. Sa katunayan, ginagawa nang supplement o capsula ang Capsaicin. Ang sili ay mayaman din sa vitamin A, vitamin C, potassium, folic acid at fiber.
Maraming klase at kulay ang sili at mayroon ding hindi maaanghang. May kulay dilaw, berde at pula (green pepper, yellow pepper at red pepper), pero mas mabisa daw ang pulang sili.
Heto ang posibleng benepisyo ng sili:
1. Para sa may diabetes – Ayon sa pag-aaral sa hayop, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita din na nagpapababa ng blood sugar ang sili.
2. Pampapayat – Ang sili ay nagpapabilis ng ating metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories (burning calories) para pumayat.
3. May tulong cholesterol at sakit sa puso – Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa din ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.
4. Nagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.
5. Pang-alis ng sakit sa katawan – Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.
6. Marami pang pinag-aaralang benepisyo ang sili. Nalaman din na posibleng makapigil sa kanser tulad ng prostate cancer.

Para sa may almoranas, konti lang ang kainin na sili. Puwede din piliin ang siling hindi gaanong maanghang. Wala pang malinaw na rekomendasyon kung gaano karaming sili ang kakainin.
Para sa akin, wala naman masama kung paminsan-minsan tayong kumain ng sili, bilang gulay o sawsawan. Tandaan lamang na pantulong lang ito sa sakit.
Kailangan niyo pa rin magpasuri sa doktor para sa tamang gamutan.

source: Doc Ong

COMMENTS

Name

Food,6,Food & Travel,1,Health,30,Inspiring,12,lifestyle,7,News,8,Others,22,Travel,1,trends,27,
ltr
item
News Presenter: Sigurado ka ba na maganda ang SILI sa ating katawan?
Sigurado ka ba na maganda ang SILI sa ating katawan?
https://1.bp.blogspot.com/-RQcfTyKl35c/XlmsTkQ2MTI/AAAAAAAAANg/G3FsPhEdT74rGX4gVQN9MPxmdZ5BUKp9QCLcBGAsYHQ/s400/Screenshot%2Bat%2BFeb%2B29%2B08-11-17.png
https://1.bp.blogspot.com/-RQcfTyKl35c/XlmsTkQ2MTI/AAAAAAAAANg/G3FsPhEdT74rGX4gVQN9MPxmdZ5BUKp9QCLcBGAsYHQ/s72-c/Screenshot%2Bat%2BFeb%2B29%2B08-11-17.png
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/02/sigurado-ka-ba-na-maganda-ang-sili-sa.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/02/sigurado-ka-ba-na-maganda-ang-sili-sa.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy