H indi naging maganda ang simula ng 2020 sa pagkabalita na may bagong coronavirus ang nadiskobre na nagmula sa Wuhan, China. Buong mund...
Sa kabila nang paglaganap ng Wuhan Coronavirus, naging mas maingat ang publiko at mga healthcare workers upang maagapan ang problema. Hindi naging madali sa mga healthcare professionals ang kanilang trabaho para masugpo ang problema. Gayun pa man, inanunsyo ng Chinese Health Authorities sa Sabado (February 1) na mayroon ng 243 na pasyente na nahawaan ng novel coronavirus na gumaling at nakalabas na ng hospital. At ayon sa National Health Commision (NHC) sa kanilang araw-araw na report, nong Biyernes (January 31) mayroong nakalabas na sa hospital na 72 na pasyente. Sila ay edineklara na virus-free.
Ito ay larawan ng isang pasyente na gumaling sa novel coronavirus kasama niya ang mga medical staff sa Qingyuan, South China's Guangdong province . Siya rin ang kauna unahang pasyente na naiulat na natamaan ng 2019-nCov sa Qingyuan pero siya ay nakalabas na ng hospital ngayon.
Ito naman ay isa pang larawan ng isang pasyenteng gumaling at nakalabas na sa First Affiliated Hospital of Nanchang University sa Nanchang, east China's Jiangxi Province nong January 27,2020. Siya ang kauna-unahang pasyente na gumaling mula sa coranavirus sa Jiangxi Province.
Ang pasyente ay maaaring mailabas na sa hospital kapag sila ay hindi na nagpapakita ng kahit anong sintomas, gaya ng pagkakaroon ng normal na temperatura sa katawan sa loob ng tatlong araw at ang nucleic acid test ay nagpapakita ng negatibong resulta sa dalawang pagkakataon, ayon sa NHC.
Naiulat nong Byernes na mayroon nang 259 na sumakabilang buhay dahil sa coronavirus at may 11,791 na rin ang kumpirmadong kaso nito sa 31 na provincial regions at Xinjiang Production and Construction Corps sa China.
Source: XINHUANET
COMMENTS