Connect with us

Food

4 Health and Nutrition Tips That Are Actually Based on Evidence

Published

on

Maraming tao nalilito pag dating sa health at nutrisyon.
Kahit na ang mga kwalipikadong eksperto ay madalas na tila may hawak na magkasalungat na opinyon.

Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng hindi pagkakasundo, may mga tip sa wellness na suportado ng pananaliksik.

Ito ang mga health at nutrition tips na naka base sa good science.

1. Iwasan ang mga processed junk food.

Kumain ng organic at tunay na pagkain. Ang processed food ay walang dudang hindi mabuti sa katawan ng tao.

Ang mga pagkain na ito ay ginawa para itrigger ang pleasure center ng katawan natin, ibig sabihin na parang niloloko ang ating utak na kumain ng sobra at marami, nagsasanhi din ito ng food addiction.

Kadalasan sa mga pagkaining ito ay may maliit na fiber, protein at halos walang nutrients. Mayaman ito sa unhealthy na mga sangkap katulad ng sugar at refined grains.

2. Wag matakot sa Kape

Ang kape ay sobrang healthy sa ating katawan.

Sobrang taas nito sa anti-oxidants. May mga pagaaral na ang kape ay nagpapahaba ng buhay at binababa ang risk na makakaroon ng type 2 dyabetes, Parkinson’s at Alzheimer’s disease.

3. Wag tipirin ang tulog

Matulog ng sapat para maging healthy.

Ang pagkakaroon ng hindi sapat na tulog ay nag tritriger ng insulin resistance, ang gana sa kain ay unstable at nakakaepekto sa pisikal at mental performance.

Pag kulang sa tulog ang tao malaki ang chance na lalaki ang timbang o obesity.

4. Umiinom ng maraming tubig, lalo na bag kumain.

Paginom ng maraming tubig ay may magandang epekto sa ating katawan. Kailangan ng ating katawan ng hydration para magiging healthy ang mga organs.

Pag sakto ang tubig sa katawan mo nag tutunaw ito ng extra calories sa katawan.

Ang pinakamabuting oras ng paginom ng tubig ay bago kumain. May pagaaral ng pag uminom ka ng 2.1 cups O 500ml na tubig 30 minutes bago kumain ay na increase ng pagbaba ng timbang ng 44%

Food

Classic Pinoy favorite: Malutong at maalat na tinapay na ‘perfect ka-tandem ng kape’ sa agahan

Published

on

maalat tinapay

Kabilang ka ba sa mga nahilig noon sa pagkain ng malutong at maalat na tinapay na kung tawagin ay pita? Itinuturing mo rin ba ito na “perfect ka-tandem ng kape” sa agahan?

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” hindi lamang ang masarap na lasa ng tinapay, ngunit maging ang mga gunitang nababalikan nila makita pa lamang ang larawan ng classic Pinoy favorite na madalas nilang kainin noon o matanggap bilang pasalubong mula sa mga nakatatanda. Bagama’t hindi pa tuluyang nawawala, hindi na kasing dami noon ang mabibilhan nito kaya naman ganoon na lamang ito kinasasabikan ng marami sa kasalukuyan.

maalat tinapay

“Isa sa mga paborito ko iyan, lalo na iyong lasa niyan na maalat-alat. Ang sarap i-partner sa mainit na kape,” pagbabahagi ng social media user na si A. F. Dayawon.

“Ang tawag namin diyan dati, mga 70s, ay pita,” pagbabalik-tanaw ni R. B. Gregorio. “May halong cream yata na medyo dilaw. Masarap iyan para sa amin noong kabataan namin.”

maalat tinapay

“Masarap iyan isawsaw sa kape! Laging pasalubong sa amin iyan ng mahal naming ina noong siya ay buhay pa at nagtitinda sa palengke. Nakaka-miss!” pag-aalaala ni R. A. S. Torres.

Kumento naman ni Catherine Regala-Gavino, “Paborito ko iyan hanggang ngayon. Sumasadya pa ako sa grocery store na mayroon niyan para makabili. Binubudburan ko pa ng iodized salt ang buong pack para mas masarap. Kasi mas gusto ko kapag maalat siya.”

maalat tinapay

Samantala, ang ilan naman ay ibinahagi na sa halip na ipares ito sa kape tuwing agahan, mas hindi ito nawawala sa kanilang meryenda dahil bagay na bagay din sa matamis at malamig na softdrinks ang maalat nitong lasa. Mayroon din namang kuntento na raw na isawsaw ito sa malamig na tubig upang kahit papaano ay lumambot bago nila tuluyang kainin.

Ikaw, ano ang ibinabalik sa iyo ng pita?

Continue Reading

Food

Balisongsong: Popular na kakanin sa Bicol, gustong-gusto rin ng mga nasa ibang rehiyon

Published

on

balisongsong

Kapag pinag-uusapan ang mga paboritong meryenda ng mga Bicolano, hindi maaaring hindi mabanggit ang kakanin na kung tawagin ay balisongsong.

Sa Facebook, nagbahagi ng “hugot” ang admin ng page na Proud To Be Albayano gamit ang larawan ng mga balisongsong na nakalagay sa plato. Saad niya sa dulo ng caption ng litrato, “Balisongsong para sa nagmahal, iniwan, pero nabusog!”

balisongsong

Ngunit sa halip na maka-relate sa hugot, mas nangibabaw ang pagkatakam ng mga nakakita ng post na ito. Bakit nga ba hindi e isa ang kakaning ito sa pinakamasasarap at pinakapaboritong meryenda ng mga Bicolano; at talaga rin namang gustong-gusto maging ng mga nakatira sa labas ng rehiyon ng Bicol. Para sa marami, kapag natikman na, hahanap-hanapin mo na talaga.

“Wow, I miss this so much! One of my favorites!” kumento ng Faceboo user na si M. M. Sarte.

“Wow, my favorite! Nami-miss ko na iyan. Pag-uwi ko ng Bicol, bibili ako niyan. Lahat na favorite kong food sa Bicol, pag-uwi namin, lahat makakain ko na,” nananabik na wika ni E. B. Camacho.

balisongsong

“Missed it so much! Ang gusto ko rito ay iyong konting tutong siya, maraming lukadon, at syempre matamis,” ani F. Cruz.

“Hindi ako kumakain niyan kung hindi si Mama o si Tita ang nagluto,” pagbabahagi ni M. N. Corporal. “Miss ko na iyang balisongsong. Bibisita ako ng Bicol soon.”

“Masarap ito kahit na walang niyog. I remember how my aunts would make these sa bahay ng lola ko. They learned their recipe from my great grandmother who hails from Ligao,” kuwento ni M. A. Tamayo.

balisongsong

Ikaw, kailan ka huling nakakain ng balisongsong? May mga hindi ka rin ba makalilimutang alaala na nabuo dahil sa pagkain mo nito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post na ito!

Continue Reading

Food

Balik-tanaw: Ang matatamis na sandali ng twisted doughnuts ng Pilipinas

Published

on

twisted doughnuts

Kinalakihan na ng maraming Pilipino ang pagkain ng Pinoy version ng twisted doughnuts na kung tawagin dito ay “shakoy” (o “chakoy”).

Simple lang ang hitsura⁠—walang espesyal na toppings, wala rin filling⁠—ngunit hindi maipagkakailang iba ang tamis at linamnam kapag natikman mo na. Talaga namang magpapaulit-ulit ka ng kuha!

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga matatamis na alaalang kakabit ng tinapay na naging paborito ng marami sa loob ng ilang henerasyon.

twisted doughnuts

“Pilipit, isinasawsaw sa kape. Wow, yummy! Na-miss ko lolo ko, kami magkabonding noong araw sa pagkain niyan, e,” kumento ng Facebook user na si Z. Zurc.

“Naalala ko pa noong mga bata pa kami. ‘Pag magpapasko lang kami nakakatikim n’yan. Lalo na ‘pag Simbang Gabi, may nagtitinda n’yan sa madaling-araw. ‘Yan ang palatandaan namin ‘pag malapit na ang Pasko,” pagbabahagi ni F. Cabrera.

“Pilipit, masarap ‘yan. Palaging pinabibili ko kay nanay ‘pag namamalengke siya. Big part of my kabataan days. Nakaka-miss!” ani M. C. A. Secretaria.

twisted doughnuts

Ang Filipino version na ito ng doughnuts ay tinatawag ding “lubid-lubid” o “pilipit” dahil sa hitsura nito, bukod pa sa mga tawag dito sa iba’t ibang pook sa bansa. Popular ang mga ito sa Bicol Region pero matatagpuan din sa ibang mga rehiyon, kabilang na ang National Capital Region. Sa bawat panig, karamihan ay isang salita lamang ang magagamit para ilarawan ang pagkaing ito: masarap.

twisted doughnuts

Naging paborito mo rin ba ang Pinoy twisted doughnuts? Bukod sa tamis at linamnam ng tinapay na ito, ano-ano pa ang hindi mo makalilimutan dito? Ibahagi sa comments section ang iyong kuwento!

Kung nami-miss mo ang pagkaing ito, maari mong subukang gumawa sa sarili mong bahay. Lalo na kung isa ka sa mga naka-work from home at madalas nasa iyong tahanan. Narito ang steps kung paano:

Continue Reading

Trending