D ahil sa paglaganap ng NCoV, itinakda ni President Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon nong March 16,2020. S...
Dahil sa paglaganap ng NCoV, itinakda ni President Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon nong March 16,2020. Sa quarantine na ito,ipinatupad ang pansamantalang pagsara ng hindi mahahalagang tindahan at negosyo, pag suspende ng klase sa mga paaralan at mga Unibersidad, pagbabawal ng mga pampublikong kaganapan at ang limitadong pagbabyehe ng mga sasakyan. Ang epekto ng quarantine na ito ay ang pagkabawas ng polusyon.
Dahil sa walang halos na sasakyan sa kalsada, kapansin-pansin na naging malinis ang hangin na tila nabawasan ang polusyon. Nang ipinatupad ang community quarantine, nasa 80% na sasakyan ang nabawas sa Metro Manila. Maliban sa walang traffic, kapansin pansin din ang pagkawala ng usok sa mga kalsada. Maging ang usok na ibinuga nang mga pabrika ay wala na rin.
Maging sa bahagi ng Laguna, kitang-kita na ang Mount Banahaw at maging ang bulubunduking bahagi ng Batangas. Maaliwalas na rin ang mga kalsada na dati ay daanan ng mga malalaking trak at iba pang pampublikong sasakyan. Kitang-kita na ang asul na kalangitan na dati ay hindi natin makita dahil sa makapal na Smog.
May mga netizen din na napansin ang mga pagbabago.
Ang larawang ito ay kuha ni Nathaniel Adam Cruz.
"Makikitang walang smog ang Makati/MNL skyline habang nasa ilalim ito ng Enhanced Community Quarantine"- Nathaniel
Feb.28,2020 March 21,2020
Ayon sa DENR Secretary Benny Antiporda, "Makikita natin talagang 'yung drastic fall ng number when it comes to particulate matter, 10 nung ating pollution, 'yung air quality natin. Would you imagine, umabot pa hanggang 85.18 percent ang drop ng numero no, dito sa Marikina? But 'yung iba, mayroong na drop, average kung titingnan natin lahat is more than 50 percent talaga 'yung na-drop."
"Yung air quality natin, pwede pala natin ma-improve kung kahit papano, once or twice a year e gawin natin na itigil na muna natin 'yung paggalaw ng mga sasakyan."
Ang dating malinaw na tanawin na sa pagdaan ng panahon ay lumabo dahil sa polusyon, nang dahil sa enhanced community quarantine, bumalik ang dating Metro Manila.
Source: GMA 24 oras

COMMENTS