Benepisyo ng kulay puti na gulay at prutas

D epende sa kulay ng gulay at prutas ay may kanya-kanya itong benepisyo para sa katawan. Ang mga prutas at gulay na kulay puti ay may...






Depende sa kulay ng gulay at prutas ay may kanya-kanya itong benepisyo para sa katawan. Ang mga prutas at gulay na kulay puti ay may sangkap na “anthoxanthins.” Kadalasan, ang mga pagkaing ito ay mabuti sa ating kidneys, muscles at nerves. Tingnan natin ang ilang mga halimbawa nito:


1. Saging
Ang saging ay puwede gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil natatapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay lunas din sa mga nanghihina at may cramps dahil mayaman ito sa potassium. Nagbibigay ito ng lakas para sa mga nag-e-ehersisyo. Ang isang pirasong saging ay may taglay na 100 calories. May tulong ang saging sa taong may altapresyon at umiinom ng maintenance na gamot sa puso. Kahit ang hilig mo ay lakatan, latundan o saba, lahat ito ay masustansya at madali pang baunin.



2. Bawang 

Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides na tumutulong sa pag-iwas sa kanser sa colon, suso, baga at prostate. Ang pagkain ng 2 o 3 butil ng bawang ay nakapagpapababa ng kolesterol. Puwedeng ihalo ito sa iyong pagkain. Huwag sunugin ang bawang at baka mawala ang mabisang sangkap nitong allyl sulfides. Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at nakahahapdi ito ng sikmura.




3. Patatas 
Ang patatas ay mas masustansya kaysa sa kanin. Ayon kay Professor Mary Ellen Camire ng University of Maine, ang balat ng patatas ay may sangkap na chlorogenic acid na tinatayang panlaban sa kanser. Sa laboratoryo, napakita na ina-absorb ng patatas ang mga masasamang kemikal na galing sa inihaw na pagkain. Mataas sa potassium ang patatas kaya mahusay ito para sa mga atleta at may sakit sa puso. Puwede din itong kainin ng mga may diabetes. Piliin lamang ang baked potatoes kaysa sa French fries.


Ang iba pang masustansyang puting gulay ay ang cauliflower, sibuyas, luya at mushroom.

COMMENTS

Name

Food,7,Food & Travel,1,Health,37,Inspiring,15,lifestyle,13,News,11,Others,33,Travel,1,trends,46,
ltr
item
News Presenter: Benepisyo ng kulay puti na gulay at prutas
Benepisyo ng kulay puti na gulay at prutas
https://1.bp.blogspot.com/-umFtuYqOVXE/XmeFmvAOvMI/AAAAAAAAAPo/4nydY_SxCTc1etZfYCagf4CnNcY8EHt-ACLcBGAsYHQ/s640/Screenshot%2Bat%2BMar%2B10%2B20-18-14.png
https://1.bp.blogspot.com/-umFtuYqOVXE/XmeFmvAOvMI/AAAAAAAAAPo/4nydY_SxCTc1etZfYCagf4CnNcY8EHt-ACLcBGAsYHQ/s72-c/Screenshot%2Bat%2BMar%2B10%2B20-18-14.png
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/03/benepisyo-ng-kulay-puti-na-gulay-at.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/03/benepisyo-ng-kulay-puti-na-gulay-at.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy