Connect with us

Inspiring

Isang actress nag donate ng kanyang pre-love na mga sapatos

Published

on

Hindi na bago sa atin na may mga tao na mahilig mangolekta ng mga iba’t ibang klase ng sapatos. Pangarap ng bawat babae ay ang pagkakaroon ng kanyang sariling koleksyon ng sapatos.
Sa panahon natin ngayon pa bonggahan ang suot at marami kang pagpipilian. Ang iba ay nagsusuot ng maganda kasi feeling nila confident sila pero may iba naman para lang mapakita sa ibang tao na meron sila nito. Ang iba maraming variety ng kanilang mga damit, bags, accessories at sapatos depende sa mood at okasyon.

Dati hindi gaanong pinapansin ng mga tao kung ano ang suot mong sapatos. Mas tinitingnan nila ang dress,bags at accessories. Pero sa panahon ngayon mas tinitingnan na ang sapatos ng isang tao. At hindi ma kokompleto ang outfit pag hindi maganda ang sapatos. May iba nga na natatagalan sila sa pagpili kung anong sapatos ang susuotin,bahala na ang shirt o dress.

Kapuso actress Kiray Celis a self-proclaimed shoe lover, nag decide na ibahagi at ibigay ang kanyang per-loved shoes para sa kanyang social media followers. Gusto lang naman niya na ang ibang tao ay maka benefit sa kanyang pre-loved shoes. Maraming nag message kaagad sa kanyang noong nagpost siya sa kanyang social media account. Ang mapagbigay at mabait na puso ng artista gustong ibigay nalang ang kanyang sapatos para mapakikinabangan at magbibigay ng saya sa ibang tao, kysa sa masira lang ito.

Nauna na niyang binigyan ang kanyang ina at mga kapatid pero marami pa ring natira. Si kiray ay mahilig sa heels, boots at rubber shoes. Maraming fans at followers ang natuwa sa ginawa niya lalo na yung may kapareho ng size ng paa niya.

Sana marami pang tao ang at ibang celebrity nga katulad ni Kiray. Kysa masira lang ang gamit,mas mabuti kung ibahagi natin to sa ibang tao kasi nagdudulot ito ng saya sa mga taong nagkapaligid sayo.

Inspiring

Homeless working student na nakikitulog lang sa lamay, inulan ng ayuda; nagpaabot ng pasasalamat

Published

on

By

Matapos mapag-alaman na nakikitulog lamang sa mga lamay si Justin, bumuhos naman ang maraming tulong para sa kanya mula sa mga netizens. Si Justin ay isang high school student sa Calatagan sa Virac City, Catanduanes.

Ang nasabing tulong ay umabot ng P24k para kay Justin.

“As of this time ang nagpadala ng tulong for Justin ay umabot po ng P24,150.17! Overwhelming ang response ninyo. Malaking tulong po ito para kay Justin. Maraming salamat po sa mga nagbigay ng tulong, maliit man o malaki, para sa kinabukasan ni Justin! God bless po!” ani Shiela sa Twitter.

“We bought groceries, pants, shorts, t-shirts and other basic needs for Justin,” dagdag niya.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Justin sa lahat ng mga tumulong sa kanya. Ayon kay Shiela ay finorward ng adviser ni Justin ang pasasalamat nito sa kanya.

Matatandaan na iniwan ni Justin ang kanyang pamilya sa isang baryo sa Catanduanes dahil sa kagustuhan nitong makapagpatuloy ng pag-aaral at nagbakasakali nga sa Virac City.

“My heart breaks for this young man na working student. Gusto niya magtapos ng pag-aaral so he opted to leave his family. May gusto tumulong sa kanya na mga taga PNP. They brought school supplies. Ngayon lang din umamin na wala na siya dun sa pinagtatrabahuhan niya.”

“He left his things sa may cemetery. Minsan hindi siya kumakain bago pumasok sa school. Napansin lang siya ng isang police officer na madumi ang face mask kaya binigyan siya and na interview. Haaaay, sakit sa puso maka-witness nito. He even attempted to end his life dahil hirap. Thank you sa mga police officers na nagbigay ng tulong at nangakong tutulong pa sa kanya. Sana marami pa kayong kahanay na ganyan ang pagdamay sa kapwa. May God bless you more po.”

Dahil wala siyang matirhan sa siyudad kung saan siya nag-aaral ay nakikitulog lamang si Justin sa mga lamayan.

Ayon kay Sheila, dating nagtatrabaho ang teenager ngunit natanggal ito sa trabaho kaya hindi ito kumakain bago pumasok sa paaralan. Kuwento pa ni Shiela ay tinangka pa umano ni Justin na wakasan ang kanyang buhay dahil sa miserableng kalagayan niya.

Sa isang update kamakailan ay sinabi ni Sheila na, “May matitirhan na po si Justin mula bukas. Pahihiramin din po siya ng bike para hindi siya mahirapan papasok at pauwi. Maraming salamat po sa nagpapadala ng tulong. Rest assured na makakarating po sa kanya lahat ng tulong ninyo. God bless your good hearts po.”

Continue Reading

Inspiring

Ama emosyonal habang nanlilimos para sa anak na may sakit, netizen naantig at tinulungan

Published

on

By

Isang netizen ang naantig sa amang umiiyak na makikita sa tabing kalsada habang nanlilimos para sa anak na may sakit.

Nag-viral sa social media ang in-upload na video ni Wonderboy Mj na naawa sa kalagayan ng lalaki.

Aniya sa kaniyang FB post, “Kanina habang nagwwidraw ako may biglang lumapit sa akin na lalaki, hindi ko maiwasan na hindi ko tulungan dahil buhay ng anak n’ya nakataya dito. Tatay din ako gaya n’ya kaya masakit para sakin makakita ng ganito. Hindi ko ginawa itong video para sumikat or magkaroon ng followers.”

Nakilala ang ama na si Jepoy at ang dahilan umano ng pagiging emosyonal nito ay walang perang pambili ng nebulizer na kailangan ng kanyang anim na taong gulang na anak na may sakit.

Kuwento ni Jepoy sa lalaki, contruction lamang ang kanyang trabaho, at nangangailangan siya ng 2,700 para sa gamot ng anak.

Nang ma-ospital ang anak at kinailangan pa ng tuloy-tuloy na gamutan, mas lalong tumindi ang hirap at pangangailangan nila sa pera lalo na sa hirap ng buhay at sa taas ng bilihin, pati ng gamot.

Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na mamalimos sa pagbabaka-sakaling mayroong makatutulong sa kanya.

Sa kabutihang-palad ay tinulungan siya ni Kuya. Imbes na P500 ay dinagdagan ito ng 2000 para maipagamot na ang anak. Marami pa rin talaga ang mababait.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng ama at tatanawin daw niya itong utang na loob.

May mga netizens naman na hindi naniniwala sa ama at baka ito raw ay scammer o pangsugal lamang daw ito kaya naman pinuntahan ni wonderboy mj ang bahay kung nasaan si Jepoy.

“Sa totoo lang hindi rin ako mapakali dahil madami mga bad comments na nasabi sa taong tinulungan ko, “scammer, nagsusugal” at madami rin nagpadala tru Gcash..

Sana magbigay aral ito sa aten, kapag tutulong ka sa mga taong nangangailangan kung meron ka naman maibibigay wala naman po masamang tumulong,” dagdag ng uploader.

Ang amang si Jepoy ay mapapanood ngayong Linggo sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Nasabi ni Jepoy na lahat ay handa niyang gawin para sa anak; huwag lamang itong makita na nahihirapan.

“Para sa anak ko po, kahit ano gagawin ko para sa kanya. Mahal na mahal ko po kasi siya,” wika ni Jepoy.

Tayong magulang, lahat ay handang gawin para sa ating mga anak at lalo na kapag may sakit itong nararamdaman. Kung puwede nga ay ipasa na lamang sa atin huwag lamang silang mahirapan.

May update si Wonderboy Mj sa kalagayan ng mag-anak. Hindi po scammer si Jepoy. Isang ama siya na lulunukin ang pride para sa ikagagaling ng kanyang anak.

Continue Reading

Inspiring

Customer bumalik sa mall para magbayad nang tama nang mapansing P53 lamang ang nabawas sa card

Published

on

By

Isang customer na may mabuting puso ang nagbalik sa isang supermarket upang bayaran nang tama ang kanyang ipinamili na mga pagkain.

Ayon kay Rodel Acuña na nag-upload ng video sa FB Reels chineck niya ang kanyang account nang mapansin na hindi nabawasan ng malaki at 53 pesos lamang ang nakaltas sa kanyang card.

“Nung nakita ko agad na ganon nga ang na-charge e (napagpasiyahan ko na) babalik talaga ako,” aniya.

Dahil sa kaniyang kabutihang-loob ay ibinalik naman niya ito sapagkat karma is real, aniya pa.

“I believe in karma, lalo na sa good karma,” saad niyang caption sa post sa TikTok ngunit na-delete na ito kaya’t nirepost niya sa Facebook.

Aniya, naawa siya sa kahera dahil hindi kalakihan ang kanilang sinusuweldo at makakaltas pa ito sa kaniya o baka matanggal pa ito sa trabaho. Batid niya ito sapagkat danas na niya at naging crew din siya noon.

“Naawa ako don sa cashier, kasi alam ko talagang machacharge sa kanila ‘yun pag na-short sila. Naging crew na din kasi ako years ago sa isang food chain so ganon talaga ginagawa ng mga companies pag na-short ang isang employee. I know hindi ganong kataasan ang sahod ng mga cashier, and to think na nasa province kami so provincial rate din sila,” wika niya.

Dahil may pasok si Rodel ay hindi niya agad ito naibalik ngunit agad naman niya itong pinuntahan nang nagkaroon siya ng oras para ibalik ito.

Sa video, makikita na masaya ang kahera at nawala ang takot na baka mabawasan ang kaniyang pinaghirapang suweldo.

Nagpaalala naman siya na sa susunod ay ingat sa pagcha-charge dahil hindi lahat ng tao ay katulad ni Rodel na handang itama ang pagkakamali at mayroong kunsensya.

Kaya naman umani ng papuri mula sa netizens ang kabutihang-loob ni Rodel.

“Wow! God bless you more! Kitang kita’ yung saya ni ate girl.”

“Honesty is the best policy.”

“Bless your kind heart bro. Yes, karma is real.”

“Good job sir sana lahat ng costumer kagaya mo.. kawawa naman ng cashier sa ganyang situition charge po talaga sa kanila ‘yan..godbless po.”

“God job sir nag cashier din po ako madaming short pero bibihira ‘yung binabalikan pa..”

“Sana ganyan lahat ako noon nagkamali din ng enter ng amount sa credit card nung customer. Grabe ang iyak ko nun 5k ang na-short. I know mistake ko din pero nasa tao din talaga kung magiging honest sila.”

Continue Reading

Trending