KAILANGAN BANG ITIGIL ANG PANINIGARILYO?

Sorry po. Bawal kasi magsinungaling. Ang katotohanan - ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Gawin ang lahat para maitigil ito. Ma...



Sorry po. Bawal kasi magsinungaling. Ang katotohanan - ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Gawin ang lahat para maitigil ito. Marami ang mga nagtatanong sa akin:
1. Ano ang kinalaman ng paninigarilyo sa altapresyon?
Malaki. Ang usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng mga ugat at napag-alaman rin na ito ay nakapagpapakipot ng mga ugat. Dahil sa bara o pagkakipot, napupuwersa ang puso na bumomba nang mas malakas kaysa dati upang dumaloy ang dugo sa mga ugat.
Dahil dito, tumataas ang ating presyon. Ang mga ugat na naaapektuhan ay matatagpuan sa iba-ibang bahagi o organo ng katawan tulad ng sa utak, baga, bato (kidney) at pati ang puso mismo ay nadadamay.

2. Bakit mahirap ihinto ang paninigarilyo?
Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina at ito ang sanhi kung bakit nawiwiling gumamit ang maraming tao nito. Ang nikotina ay isang kemikal na may nakakaengganyong epekto sa ating utak. Ang isang humihithit ng sigarilyo ay nakadadama ng kakaibang “high” – parang tumatalas ang isip at nakokondisyong magtrabaho. Maihahalintulad nga ang sigarilyo sa mga pinagbabawal na gamot.
3. Ano ba ang benepisyong makakamit kung ihihinto ang paninigarilyo?
Marami po. Tiyak na hahaba ang iyong buhay dahil gaganda ang lagay ng iyong kalusugan. Makakaiwas ka sa mga komplikasyon sa katawan tulad ng mga sakit sa baga (emphysema at kanser), stroke, at atake sa puso. Makakatipid ka rin sa pambili ng sigarilyo at mailalaan ito para sa ibang mga gastusin.

4. Ang pagtigil ba sa paninigarilyo ay makapagpapalakas ng katawan?
Oo. Kung wala na ang nakasisirang epekto ng sigarilyo sa mga ugat, magsisimula na itong kusang maghilom. Lalakas ang inyong puso, utak at bato dahil gaganda ang daloy ng dugo. Pati sex-life niyo ay titindi rin. Ngunit ang prosesong ito ay mabagal kaya mas mainam kung maititigil nang maaga ang paninigarilyo upang hindi na umabot pa sa lubusang pagkasira ng mga ugat.

Source: Payo ni Doc Willie Ong

COMMENTS

Name

Food,6,Food & Travel,1,Health,30,Inspiring,12,lifestyle,7,News,8,Others,22,Travel,1,trends,27,
ltr
item
News Presenter: KAILANGAN BANG ITIGIL ANG PANINIGARILYO?
KAILANGAN BANG ITIGIL ANG PANINIGARILYO?
https://1.bp.blogspot.com/-Gb9jpUXshaI/XmEKqXH5B7I/AAAAAAAAAOM/0dsqeboN500C9De_A8mgLLJ-G0NKvC_sgCLcBGAsYHQ/s400/smoking-cancer-feature.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Gb9jpUXshaI/XmEKqXH5B7I/AAAAAAAAAOM/0dsqeboN500C9De_A8mgLLJ-G0NKvC_sgCLcBGAsYHQ/s72-c/smoking-cancer-feature.jpg
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/03/kailangan-bang-itigil-ang-paninigarilyo.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/03/kailangan-bang-itigil-ang-paninigarilyo.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy