Connect with us

Food

Kulay Ube at Asul Na Pagkain Maganda sa Katawan

Published

on

Ang mga prutas at gulay na kulay ube (purple) at asul (blue) ay kadalasang mabuti sa puso, tiyan at nagpapalakas din ng katawan. Ang mga pagkaing ito ay may sangkap na “anthocyanins” at iba pang anti-oxidants tulad ng lutein, resveratrol, vitamin C, flavonoids, ellagic acid at quercetin. Dahil dito, masustansya ang mga pagkaing may ganitong kulay tulad ng asul na ubas at talong.
1. Asul na ubas – Ang ubas na kulay asul ay may taglay na flavonoids, quercetin, at resveratol (nasa balat ng ubas). Ayon sa pagsusuri, ang ubas ay nagpapataas ng ating good cholesterol. Pinipigilan nito ang pag-buo-buo ng platelets sa dugo para hindi magbara ang ugat. Ayon sa mga eksperto, mas masustansya ang asul, pula at itim na ubas kumpara sa berdeng ubas. Ang ubas ay napag-alaman ding may panlaban sa virus at bacteria. Para sa maysakit, mainam silang pakainin ng ubas dahil pinapalakas nito ang immune system ng katawan at bibilis ang kanilang paggaling. Huwag lang kumain ng sobrang daming ubas at ito’y nakatataba din. Sa bawat kainan ay mga 12 pirasong ubas lang ang nirerekomendang kainin.
2. Talong o eggplant – Ang talong ay may taglay na carbohydrates, potassium, calcium, vitamin B at vitamin C. Ayon sa pag-aaral, ang talong ay mayaman sa phytochemicals na makatutulong sa pag-iwas sa kanser. Mayroon ding sangkap na diuretic o pampaihi ang talong na makabubuti sa mga pasyenteng may bato sa bato (kidney stones) at high blood pressure. Makatutulong din ang talong sa pagtunaw ng ating kinakain.
3. Ube – Ang ube ay may carbohydrate at fiber na puwedeng kainin ng mga may diabetes at sakit sa puso. Mataas ito sa vitamin C at vitamin B na mahusay sa ating balat at dugo. Mayaman ito sa potassium, copper at manganese na kailangan ng ating katawan.
Ang iba pang masustansyang kulay asul na prutas at gulay ay ang prunes, blueberries at kulay ube na repolyo.
Source: Doc Ong 

Food

Classic Pinoy favorite: Malutong at maalat na tinapay na ‘perfect ka-tandem ng kape’ sa agahan

Published

on

maalat tinapay

Kabilang ka ba sa mga nahilig noon sa pagkain ng malutong at maalat na tinapay na kung tawagin ay pita? Itinuturing mo rin ba ito na “perfect ka-tandem ng kape” sa agahan?

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” hindi lamang ang masarap na lasa ng tinapay, ngunit maging ang mga gunitang nababalikan nila makita pa lamang ang larawan ng classic Pinoy favorite na madalas nilang kainin noon o matanggap bilang pasalubong mula sa mga nakatatanda. Bagama’t hindi pa tuluyang nawawala, hindi na kasing dami noon ang mabibilhan nito kaya naman ganoon na lamang ito kinasasabikan ng marami sa kasalukuyan.

maalat tinapay

“Isa sa mga paborito ko iyan, lalo na iyong lasa niyan na maalat-alat. Ang sarap i-partner sa mainit na kape,” pagbabahagi ng social media user na si A. F. Dayawon.

“Ang tawag namin diyan dati, mga 70s, ay pita,” pagbabalik-tanaw ni R. B. Gregorio. “May halong cream yata na medyo dilaw. Masarap iyan para sa amin noong kabataan namin.”

maalat tinapay

“Masarap iyan isawsaw sa kape! Laging pasalubong sa amin iyan ng mahal naming ina noong siya ay buhay pa at nagtitinda sa palengke. Nakaka-miss!” pag-aalaala ni R. A. S. Torres.

Kumento naman ni Catherine Regala-Gavino, “Paborito ko iyan hanggang ngayon. Sumasadya pa ako sa grocery store na mayroon niyan para makabili. Binubudburan ko pa ng iodized salt ang buong pack para mas masarap. Kasi mas gusto ko kapag maalat siya.”

maalat tinapay

Samantala, ang ilan naman ay ibinahagi na sa halip na ipares ito sa kape tuwing agahan, mas hindi ito nawawala sa kanilang meryenda dahil bagay na bagay din sa matamis at malamig na softdrinks ang maalat nitong lasa. Mayroon din namang kuntento na raw na isawsaw ito sa malamig na tubig upang kahit papaano ay lumambot bago nila tuluyang kainin.

Ikaw, ano ang ibinabalik sa iyo ng pita?

Continue Reading

Food

Balisongsong: Popular na kakanin sa Bicol, gustong-gusto rin ng mga nasa ibang rehiyon

Published

on

balisongsong

Kapag pinag-uusapan ang mga paboritong meryenda ng mga Bicolano, hindi maaaring hindi mabanggit ang kakanin na kung tawagin ay balisongsong.

Sa Facebook, nagbahagi ng “hugot” ang admin ng page na Proud To Be Albayano gamit ang larawan ng mga balisongsong na nakalagay sa plato. Saad niya sa dulo ng caption ng litrato, “Balisongsong para sa nagmahal, iniwan, pero nabusog!”

balisongsong

Ngunit sa halip na maka-relate sa hugot, mas nangibabaw ang pagkatakam ng mga nakakita ng post na ito. Bakit nga ba hindi e isa ang kakaning ito sa pinakamasasarap at pinakapaboritong meryenda ng mga Bicolano; at talaga rin namang gustong-gusto maging ng mga nakatira sa labas ng rehiyon ng Bicol. Para sa marami, kapag natikman na, hahanap-hanapin mo na talaga.

“Wow, I miss this so much! One of my favorites!” kumento ng Faceboo user na si M. M. Sarte.

“Wow, my favorite! Nami-miss ko na iyan. Pag-uwi ko ng Bicol, bibili ako niyan. Lahat na favorite kong food sa Bicol, pag-uwi namin, lahat makakain ko na,” nananabik na wika ni E. B. Camacho.

balisongsong

“Missed it so much! Ang gusto ko rito ay iyong konting tutong siya, maraming lukadon, at syempre matamis,” ani F. Cruz.

“Hindi ako kumakain niyan kung hindi si Mama o si Tita ang nagluto,” pagbabahagi ni M. N. Corporal. “Miss ko na iyang balisongsong. Bibisita ako ng Bicol soon.”

“Masarap ito kahit na walang niyog. I remember how my aunts would make these sa bahay ng lola ko. They learned their recipe from my great grandmother who hails from Ligao,” kuwento ni M. A. Tamayo.

balisongsong

Ikaw, kailan ka huling nakakain ng balisongsong? May mga hindi ka rin ba makalilimutang alaala na nabuo dahil sa pagkain mo nito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post na ito!

Continue Reading

Food

Balik-tanaw: Ang matatamis na sandali ng twisted doughnuts ng Pilipinas

Published

on

twisted doughnuts

Kinalakihan na ng maraming Pilipino ang pagkain ng Pinoy version ng twisted doughnuts na kung tawagin dito ay “shakoy” (o “chakoy”).

Simple lang ang hitsura⁠—walang espesyal na toppings, wala rin filling⁠—ngunit hindi maipagkakailang iba ang tamis at linamnam kapag natikman mo na. Talaga namang magpapaulit-ulit ka ng kuha!

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga matatamis na alaalang kakabit ng tinapay na naging paborito ng marami sa loob ng ilang henerasyon.

twisted doughnuts

“Pilipit, isinasawsaw sa kape. Wow, yummy! Na-miss ko lolo ko, kami magkabonding noong araw sa pagkain niyan, e,” kumento ng Facebook user na si Z. Zurc.

“Naalala ko pa noong mga bata pa kami. ‘Pag magpapasko lang kami nakakatikim n’yan. Lalo na ‘pag Simbang Gabi, may nagtitinda n’yan sa madaling-araw. ‘Yan ang palatandaan namin ‘pag malapit na ang Pasko,” pagbabahagi ni F. Cabrera.

“Pilipit, masarap ‘yan. Palaging pinabibili ko kay nanay ‘pag namamalengke siya. Big part of my kabataan days. Nakaka-miss!” ani M. C. A. Secretaria.

twisted doughnuts

Ang Filipino version na ito ng doughnuts ay tinatawag ding “lubid-lubid” o “pilipit” dahil sa hitsura nito, bukod pa sa mga tawag dito sa iba’t ibang pook sa bansa. Popular ang mga ito sa Bicol Region pero matatagpuan din sa ibang mga rehiyon, kabilang na ang National Capital Region. Sa bawat panig, karamihan ay isang salita lamang ang magagamit para ilarawan ang pagkaing ito: masarap.

twisted doughnuts

Naging paborito mo rin ba ang Pinoy twisted doughnuts? Bukod sa tamis at linamnam ng tinapay na ito, ano-ano pa ang hindi mo makalilimutan dito? Ibahagi sa comments section ang iyong kuwento!

Kung nami-miss mo ang pagkaing ito, maari mong subukang gumawa sa sarili mong bahay. Lalo na kung isa ka sa mga naka-work from home at madalas nasa iyong tahanan. Narito ang steps kung paano:

Continue Reading

Trending