Connect with us

Health

Pagkain ng Orange Araw-araw ay Maganda sa Katawan at Makakaiwas sa Ncov

Published

on



Ang orange ay isa sa pinakamasarap na prutas. Madaling kainin at juicy pa, nagbibigay pa ito ng magandang epekto sa ating katawan. Ang orange ay matagal ng kinakakain ng mga atleta kasi nagbibigay ito ng sapat na energy. 

May ibang tao na ginagawa itong merienda. Kahit anong oras mo kainin ay pwede ito. Heto ang mga benepisyo ng orange pag kumain ka nito araw-araw.


1. Maganda Ito Sa Ating Mata 

Alam ng lahat na ang orange ay kilala sa mataas na content ng Vitamin C. Ang average na laki ng orange contains 116 percent ng iyong daily value.

Walang halong biro, ang vitamin c ay healthy sa ating mga mata. Ang C ay tumutulong para maiwas ang sakit na cataract, nagtataguyod ng malusog na mga ocular vessel ng dugo at nagpapabagal sa paglala ng macular degeneration na may kaugnayan sa edad.

2. Ang Orange Ay Mabisang Panlaban Sa Cancer

Ang dietary fiber na nasa orange ay nagpapababa ng risk sa colorectal cancer, ang mga prutas ay  lower nagpapababa sa risk ng mouth, lung, stomach, larynx, pharynx and esophagus cancer.


3. Gumaganda Ang Iyang Balat Pagkumakain Ka Ng Orange 

Nakakatulong ito para mapaganda ang balat natin dahil sa Vitamin C nito. Mataas ang Vitamin C ng orange nakakatulong ito sa ating katawan para mag synthesize ng collagen isang klase ng protina na responsible sa pagbuo ng malusog na balat. 


4. Tumutolong Ito Sa Pagrepair Ng Ating Katawan

Ang Vitamin C sa orange ay mahalaga para sa paglaki at pag-aayos ng tisyu sa buong katawan. Tumutulong angVitamin C na pagalingin ang mga sugat at mapanatili ang malusog na mga buto at ngipin

Sinusuportahan din ng Vitamin C ang paggawa ng collagen, na kinakailangan upang makagawa ng kartilago, ligament, tendon, daluyan ng dugo at balat.

Kaya simula ngayon wag mawalan ng orange sa loob ng bahay para malusog ang pamilya.
Dagdag pa dito, nakaktulong din ang orange para maiwasan ang corona virus kasi pinapalakas nito ang ating immune system. 


Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

government

Sen. Leila hinimok ang gobyerno na paghandaan ang iba pang COVID variants

Published

on

By

Hinimok ni Senador Leila De Lima ang gobyerno na paghandaan ang posibilidad na magkaroon pa ng ibang variant ang COVID-19 sa mga darating na araw o buwan.

Ginawa ng nakakulong na senador ang panawagan sa gitna ng maaaring panibagong banta na naman ng BA.2 variant o Omicron sub-variant.

“Huwag naman na sanang lumala pa ang kasalukuyang pandemya o magkaroon pa ng mga bagong Covid-19 variants,” ani De Lima sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 24.

“Pero ngayon pa lang, mas maigi nang laging handa ang gobyerno, pati na ang susunod na administrasyon, sa ganitong mga posibilidad o sa anupamang krisis na maaaring mangyari sa hinaharap,” dagdag pa nito.

Giit ng mambabatas, dapat ay laging handa ang pamahalaan sa posibleng pagsirit muli ng COVID-19 at ituring itong isang malaking sakuna na may nakalaang sapat na budget.

“There must be budget always for continuous vaccination, testing, contact-tracing, isolation, social amelioration and livelihood assistance for those affected,” ayon pa kay De Lima.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila sa World Health Organization (WHO) tungkol sa Omicron sub-variant.

Sa kasalukuyan, itinuturing pa lang itong variant under investigation (VUI) at hindi pa variant of concern, ayon kay Health  Sec. Francisco Duque III.

Image from DOH

Bagama’t limitado ang datos tungkol sa sub-variant na ito, hindi naman daw ito naiiba sa Omicron at epektibo pa rin ang mga kasalukuyang COVID vaccines para maiwasan ang mga severe cases ng virus.

Ipinaalala rin ng kalihim ang patuloy na pagsunod sa minimum health protocols upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

“’Wag tayong tutulad sa mga ibang bansa na nagdeklara ng walang nang mask mandate, pwede nang magbukas, niluwagan ang restrictions, baka sumipa ulit. Sayang naman ‘yung atin nang mga nakamit na mga tagumpay baka mabalewala, ay ‘wag naman sana magiging ganu’n,” paalala ni Duque.

Continue Reading

Health

Dahon ng tanglad nakapagpapalakas ng resistensya

Published

on

By

Sa paningin ng iba ang halamang tanglad ay pangkaraniwang damo lamang. Ngunit alam mo bang espesyal ang damong ito?

Ano ang tanglad o lemon grass?

Ang tanglad ay isang mabangong damo na karaniwang ginagamit na pantanggal sa lansa ng mga pagkain. Kilala rin ito bilang sangkap sa paggawa ng tsaa. Ang mga dahon nito’y pahaba at napalilibutan ng maliliit na tusok-tusok. Orihinal na nagmula ang halaman sa bansang Sri Lanka, India at isla ng Java, ngunit ito’y karaniwan na ring pananim sa mga taniman sa Pilipinas.

Popular ang halamang ito sa rehiyon ng Southeast Asia dahil sa iba-ibang gamit nito. Ginagamit mang pampabango at pampasarap sa pagkain ang tanglad, mahalagang malaman din natin na pinalulusog din nito ang mga kumakain. Ito ay ayon sa mga pag-aaral sa halamang ito na may scientific name na Cymbopogon citratus at kilala rin bilang lemongrass.

Tradisyunal sa mga pinoy na gumamit ng tanglad bilang sahog sa pagluluto dahil sa taglay nitong bango at pampalasa. Ang puting bahagi ang kadalasang hinihiwa nang pino at hinahalo sa lutuin dahil malambot ito kumpara sa berdeng parte.

Karamihan sa mga nagluluto ay sinasahog ang buong bungkos ng tanglad para tumingkad pa ang lasa ng  iba’t ibang putahe.

Ngunit may benepisyo rin palang hatid sa atin ang dahon ng tanglad at hindi lang basta pampagana sa ating pagkain.

Katulad ng kalamansi, luya at iba pang mga halamang gamot, ang tanglad ay nagbibigay resistensya din pala para sa ating pangangatawan.

Ngayong 2022 mas patibayin at palakasin pa natin ang ating resistensya laban sa mga sakit at virus na kumakalat.

Sa programang KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ay ibinahagi ni  Annie ang benepisyo ng tanglad. Si Annie Rose Cane ng Bayugan City, Agusan del Sur,  ay may mahigit 2.5 hektarya na taniman ng tanglad.

“Ang intensyon po namin noong una for food seasoning lang po, tapos ayun may bumalik sa amin na bibili nun,” sabi ni Annie

Ang purpose lamang talaga nila daw ay pansahog lamang ang mga tanglad nila hanggang sa lumaon ay naisip nila na puwede pala itong gawing tsaa.

Kada tatlong buwan ay kanila itong inaani at inilalagay sa distiller upang makuha ang katas nito at ginagawang tanglad juice.

Ang kanilang inaaning tanglad o lemongrass ay kanilang kinukuhanan ng katas o hydrosol at ginagawang inumin.

“Pag-inuubo po ako o sinisipon o kahit po lagnat iniinom ko po ang tubig ng tanglad pampawala ng sakit ko,” aniya.

Kapag nagkakasakit umano siya tulad ng ubo o sipon, ang tubig na pinaglagaan ng tanglad daw ang kaniyang iniinom at gumiginhawa na ang kaniyang pakiramdam.

At kahit sa bahay, maaaring makagawa ng tanglad juice sa pamamagitan ng pagpapakulo ng dahon nito. Pero hindi dapat patagalin ang pagpapakulo upang hindi mawala ang nutrients ng halaman.

Ayon kay Algy Bacla, certified naturopathic practitioner, “70 hanggang 80 percent ng essential oil na galing sa tanglad ay may citral.”

Batay umano sa mga pag-aaral, ang citral ay maraming benepisyo tulad ng pag-prevent ng impeksyon, ng mga bacteria, nagpapalakas ito ng lungs at immune system.

Paglilinaw ng mga eksperto,  ang tanglad ay hindi gamot sa Covid-19 pero nakatutulong ito sa pagpapalakas sa resistensiya ng katawan na mahalaga lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Tanglad?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemongrass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes. Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

 

Panoorin ang KMJS feature:

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Continue Reading

business

Unilab, itinangging iniipit ang stock ng mga gamot; ‘di rin umano nagtaas ng presyo

Published

on

By

Itinanggi ng Unilab na iniipit nila ang stock ng kanilang produkto sa gitna ng nagkakaubusang gamot sa mga botika dahil sa dami ng nagkakaroon ng sipon, ubo at trangkaso.

Sa isang pahayag na inilabas ng pharmaceutical company, pinasinungalingan nito ang diumano’y kumakalat na tsismis tungkol sa pagho-hoard nila ng gamot at pagtataas ng presyo nito.

“We refer to rumors circulating that Unilab is withholding stocks and increasing the prices of Biogesic, Bioflu, Neozep, Solmux and Decolgen, which allegedly caused the out of stock situation in drugstores,” anang Unilab.

“The rumor is NOT TRUE. Unilab has not increased the prices of these brands,” giit ng kompanya.

Nilinaw din ng Unilab na ang pansamantalang pagkaubos ng mga naturang gamot sa mga botika ay sanhi ng ‘extraoridnary high demand’ ng mga produktong panlunas sa ubo, sipon at trangkaso sa ilang bahagi ng bansa.

“We continue to manufacture and have in fact increased the manufacturing volume of these products toserve the extraordinary demand,” dagdag pa nito.

Nakiusap rin ang Unilab sa mga tao na iwasang maniwala agad sa mga ‘fake news’ at ilang impormasyong nababasa at lalong iwasang ipasa ito sa iba upang hindi dahilan ng panic at pagkalito.

Bilang ng mabibiling gamot limitado na

Kung magugunita, naglabas na ng direktiba ang gobyerno na naglilimita sa bilang ng mga nasabing gamot na maaaring bilhin ng mga tao.

Sa listahang inilabas ng Malakanyang kamakailan, nakasaad dito na ang paracetamol tablet na 500mg ay maaari lamang mabili ng hanggang 20 piraso kada indibidwal o 60 piraso bawat household.

BASAHIN: Bilang ng mabibiling paracetamol at iba pang gamot, nilimitahan  na

Ganito rin ang itinakdang limitasyon para sa phenylephrine hydrochloride na 10/20/500mg tablet at carbocistine 500mg capsule.

Bukod dito, ipinagbabawal na rin ang online selling ng mga nabanggit na gamot.

Nakatakda ring magsagawa ng compliance monitoring kapwa ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) upang matiyak na masusunod ang nabanggit na direktiba.

Continue Reading

Trending