Marami sa mga may alagang aso at pusa ay nababahala kung ang kanilang mga alaga ay possible bang maging infected ng coronavirus. Pinalaba...
Marami sa mga may alagang aso at pusa ay nababahala kung ang kanilang mga alaga ay possible bang maging infected ng coronavirus. Pinalabas at ikinumpirma ng World Health Organization ang pahayag na nagbibigay linaw at galak sa mga may alaga na hindi kasali na mahawaan ang ating alagang aso at pusa sa pandemya.
Gaya ng SARS, ang Covid-19 ay maipapasa sa pamamagitan ng droplet transmisison gaya ng pag uubo, pagbabahing (sneezing), sa laway at maging sa mga discharges sa ating ilong. Habang ang mga alagang hayop ay madaling makabuo ng droplet, may mga hadlang para sa virus na makadapo mula sa mga tao patungo sa mga hayop at vice versa.
Dahil dyan, naglabas ang WHO ng pahayag na walang ebidensya na ang ating mga alagang hayop gaya ng aso at pusa na mahawaan sa new coronavirus.
Sa China, hiniling ng mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Zhejiang kung saan may pinakamaraming kaso na mayroong coronavirus, na ang lahat ng mga residente na e quarantine ang mga hayop at patayin ang lahat ng mga naliligaw na aso sa kalye para daw makaiwas sa pagkalat ng virus. At may isa pang nayon sa China na gumawa ng isang katulad na panuntunan sa katapusan ng Enero na patayin ang mga hayop na naglalaman ng pagkalat ng virus.
Ang Covid-19 ay nagmula sa mga patay na laman ng hayop sa isang merkado sa Wuhan, na kalaunan ay kumalat sa mga tao. Pero ang mga buhay na mga hayop ay safe umano sa nasabing virus.
Bagaman naiulat na ang alagang aso sa Hong Kong ay nasubok ang "mahina na positibo" para sa coronavirus at na-quarantined, pinapayuhan ng WHO na ang mga may-ari ng alagang hayop ay may pagkakataon pa na makakalat ng virus kaysa sa kanilang mga alaga.
Kaya sa mga may alagang aso at pusa, ang inyong mga alaga ay safe sa coronavirus.
COMMENTS