S a kalagitnaan ng Enhanced Community Quarantine nandahil sa COVID, marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan dahil sa pandemya. Mara...
Sa kalagitnaan ng Enhanced Community Quarantine nandahil sa COVID, marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan dahil sa pandemya. Maraming mga negosyo ang pansamantalang nag sara at marami rin sa mga empleyado ay pansamantalang nawalan ng trabaho.
Sa mundo ng showbiz, marami ang mga taong humahanga at nakatingin sa ating mga iniidolo. Ngunit isa sa hindi maiiwasan kung ikaw ay sikat na ay ang mga bashers na walang ibang pinapansin kundi ang mga negatibo. May ibang mga celebrity na hindi na lang nila pinapansin ang mga bashers pero may iba naman ay sasagot talaga sa kanila. Isa na dito si Mariel Padilla. Si Mariel Rodriguez Padilla ay isang kilalang TV Host at vlogger sa panahon ngayon. Siya ay may resbak sa kanyang basher na natuunan ng pansin ng mga netizen.
Nung March 31, nag post ang TV host sa kanyang Social media account ng Aussie Steak. Ayun sa kanyang post, "Order your Aussie steaks (0929)7972901"
Isang instagram user na nakapansin sa post ni Mariel na tila ang TV host ay nag nenegosyo sa gitna ng COVID crisis. Nag komentaryo ang isang instagram user, sabi niya;
"Ang daming naghihirap..walang makain"
Napansin ito ng TV host kaya may resbak siya sa komentaryo ng netizen.
"alam mo, i do not feel guilty kahit konti you know why? We have done sooooo much more than what you see in social media. So if i want to post my lolo's steak. I WILL. with no guilt whatsoever."
Marami naman sa mga nakapansin sa resbak ng TV host na sumusuporta sa sagot ni Mariel sa kanyang basher. Sa kanyang post,sabi ng TV Host na sumusuporta lang siya sa steak na negosyo ng kanyang lolo.
Sa separate post naman ng tv host, bago pa siya nag post ng Aussie Steak ay nag post siya ng mga packed na pagkain para maitulong sa mga frontliners.
Si Mariel at ang kanyang asawang aktor na si Robin Padilla ay aktibong tumutulong at namahagi ng kanilang blessings sa mga nangagailangan sa panahong ito.
COMMENTS