Halos lahat ng negosyo ay apektado sa nangyayari ngayong pandemic. Ibig sabihin na pag apektado ang mga negosyo, apekto din ang traba...
Halos lahat ng negosyo ay apektado sa nangyayari ngayong pandemic. Ibig sabihin na pag apektado ang mga negosyo, apekto din ang trabaho at ekonomiya ng isang bansa. Maraming bumababa ang income at kadalasan wala na talagang income.
Masakit isipin na nangyayari ito at ang iba hindi handa sa ganitong klaseng pangyayari. Ang gastos ay napapatuloy at ang pag pasok ng pera ay tumitigil. Kaya marami tayong natutunan sa ganitong mga pangyayari.
Dahil halos lahat ng tao ngayon ay naka-lockdown o nasabahay lang, dapat hahanap tayo ng paraan para kumita kahit nasa bahay lang. If nakakalabas ka sa bahay kahit may lockdown, gawin mong oras yan para kumita.
May iba't ibang paraan para kumita ngayong lockdown. Pwede mo gawin ito para may pang dagdag na kita para sa pagkain ng pamilya at para sa mga bayarin sa bahay.
Ito ang pwede mong gawin:
1. Taga deliver
Pwede mong gawin ito kung may motor o sasakyan ka. Mag offer ka ng service na taga hatid ng pagkain or kahit anong bagay sa lugar mo or mga kapit bahay mo. O taga bili ka ng grocery nila. Kailangan mo lang na maging maingat dito. Maraming tao ang hindi na lumalabas kaya mas gusto nila na ideliver nalang ang ppagkain nila.
2. Trading
Isa ito sa mga bagay nga pwedeng gawin kahit na sa bahay lang. Pero hindi ito madali, dapat may sapat na kaalaman ka at eduksayon pagdating sa trading or stocks. Pwede mo itong iconsider at pagaralan.
3. Facebook at Youtube
Pwede kang kumita gamit ang Facebook at Youtube. Kung hindi pa monetized ang facebook page mo or youtube channel mo, pwede ka magoffer ng physical exercise, educational lessons at iba pang mga skills na pwedeng ituro kahit sa online video lang.
4. Consultancy
If magaling ka sa isang bagay pwede ka mag offer ng consultancy. Inooffer mo ang iyong knowledge sa isang bagay, para sa mga taong gusto matuto sa field na kung saan ka magaling.
5. Online Selling/Business o Networking
Pwede ka magbenta ng kahit na ano sa social media accounts mo. Mas maganda pag kinalaman sa pagkain or health. Kadalasan sa mga tao ngayon naka babad ang oras sa social media kaya ito ang saktong panahon na mag offer ka ng products or opportunity. If kasali ka sa isang networking company, share your wonderful products at opportunity sa tao para makatulong. Siguradohin na ang company ay stable at legit. Mag research!
Sa panahon ngayon mas kailangan natin ang diskarte kysa sa reklamo. Stay at home, stay safe!
COMMENTS