MGA PARAAN PARA LUMIIT ANG BILBIL

Isa sa mga problema ng bawat Pilipino ay ang paglaki ng bilbil, lalo na pag tumataas na ang edad. Laging kumakain ng hindi masustansy...



Isa sa mga problema ng bawat Pilipino ay ang paglaki ng bilbil, lalo na pag tumataas na ang edad. Laging kumakain ng hindi masustansya o kulang sa ehersisyo ay puwede maging sanhi ng lumaking bilbil. 
May maraming paraan para lumiit ito.

Heto ang ilang payo para lumiit ang bilbil:
1. Bago kumain uminom ng isang basong tubig. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain.
2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na.
3. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain.
4. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 4 beses kada lingo. Subukang mag-aerobic exercise ng 30 minutos hanggang isang oras.
5. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati-rati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin.
6. Palakasin ang masel sa tiyan. Mag-aral ng mga ehersisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach crunches. (nasa photo)
7. Magkaroon ng tamang tindig (posture). Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo.

8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakakadagdag sa laki ng bilbil.
9. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Nakalalaki iyan ng bilbil.
10. Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan.
11. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain.
12. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pag dating ng tanghalian at mapaparami ang iyong makakain.
13. Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan. Isa ito sa pinaka healthy na gawin.
14. Iwasan ang ma stress ng sobra at sapat dapat ang tulog.
15. Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil. 

Ang kailangan mo lang ay disiplina para para lumiit ang bilbil at maging healthy. Maliban sa magiging healthy ka, makakatipid ka pa pag sinunod mo ang mga payong ito. 

COMMENTS

Name

Food,7,Food & Travel,1,Health,37,Inspiring,15,lifestyle,13,News,11,Others,33,Travel,1,trends,46,
ltr
item
News Presenter: MGA PARAAN PARA LUMIIT ANG BILBIL
MGA PARAAN PARA LUMIIT ANG BILBIL
https://1.bp.blogspot.com/-hoBvl8gBp9s/Xo-4_HEypKI/AAAAAAAAAVk/2btU9ErnMHIsZNTJ8w9WX3-ttq4vM8L5wCLcBGAsYHQ/s640/Screenshot%2Bat%2BApr%2B10%2B08-08-00.png
https://1.bp.blogspot.com/-hoBvl8gBp9s/Xo-4_HEypKI/AAAAAAAAAVk/2btU9ErnMHIsZNTJ8w9WX3-ttq4vM8L5wCLcBGAsYHQ/s72-c/Screenshot%2Bat%2BApr%2B10%2B08-08-00.png
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/04/mga-paraan-para-lumiit-ang-bilbil.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/04/mga-paraan-para-lumiit-ang-bilbil.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy