Pagandahin ang Buhok at Tamang Pagkain

Payo ni Doc Willie Ong Ang hair shaft o and mismong buhok natin ay hindi buhay kaya hindi maaayos kapag napinsala na kaya...




Payo ni Doc Willie Ong
Ang hair shaft o and mismong buhok natin ay hindi buhay kaya hindi maaayos kapag napinsala na kaya pangalagaan ang buhok.
Kaya ang tamang nutrisyon ay para sa bagong tumutubong buhok.
1. Kumain ng mayaman sa vitamin B6, B12 at folate para sa paggawa ng red blood cell na siyang nagdadala ng oxygen sa selula ng anit at hair follicles.
2. Ang vitamin B6 (Pyridoxine) ay makukuha sa corn oil, olive oil, mani, kasoy, pili, soya, taho, tofu, soymilk, oatmeal, kamote, peanut butter at pakwan.
3. Ang vitamin B12 ay mula naman sa itlog, keso, gatas, tulya at talaba.
4. Ang folate ay galing sa tokwa, soya, taho, alugbati, bawang, gabi, malunggay, saluyot, sitaw, mais at papaya.
5. Ang biotin ay makukuha sa itlog, mani, peanut butter, wheat bread, atay, kidney at gatas.
6. Kailangan din ang protina mula sa manok, hipon, baboy, baka at soya.
7. Ang beta-carotene ay para sa cell growth at makukuha ito sa mga gulay at prutas na kulay dilaw at orange.
8. Ang zinc para sa tissue growth at repair ng mga glands at hair follicles. Makukuha ito mula sa baboy, manok, laman, gatas, yogurt, mani, talaba, alimango, peanut butter at kasoy.
9. Uminom ng maraming tubig para hindi matuyo ang buhok at anit.
Dagdag Tips:
1. Ang cream rinse ay para dumulas ang buhok sa pagsuklay dahil ang buhol-buhol na buhok ay madali malagas. Gumamit ng shampoo at conditioner na may protein. Kapag dry hair ka ay mild shampoo lang and gamitin.
2. Huwag i-masahe ang anit ng malakas dahil baka mabunot ang buhok.
3. Marahan lang ang pag-brush lalo na kapag basa ang buhok dahil marupok ang buhok kapag basa. Ang tamang pagsuklay ay mula sa harap papunta patalikod.
4. Iwas laging mainitan ang buhok tulad ng blow drying at init ng araw.
5. Kung puwede ay umiwas sa matatapang na kemikals tulad ng swimming pool chemicals, bleaching, kulot at straightening. Paminsan-minsan lang kung gusto.
6. Pag mag-shampoo ay basain at banlawan mabuti ang buhok. Marahan lang sa pagtuyo ng buhok gamit ang tuwalya para hindi maputol ang hibla ng buhok.

COMMENTS

Name

Food,7,Food & Travel,1,Health,37,Inspiring,15,lifestyle,13,News,11,Others,33,Travel,1,trends,46,
ltr
item
News Presenter: Pagandahin ang Buhok at Tamang Pagkain
Pagandahin ang Buhok at Tamang Pagkain
https://1.bp.blogspot.com/-TL4cBmBp2YU/XoaBd_KQ-WI/AAAAAAAAAVY/yrCblKMLa68EFz2tMKm0Xbf1OIxLISIsgCLcBGAsYHQ/s400/Pretty-long-straight-hair-girl-Stock-Photo-04.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-TL4cBmBp2YU/XoaBd_KQ-WI/AAAAAAAAAVY/yrCblKMLa68EFz2tMKm0Xbf1OIxLISIsgCLcBGAsYHQ/s72-c/Pretty-long-straight-hair-girl-Stock-Photo-04.jpg
News Presenter
https://www.newspresenter.net/2020/04/pagandahin-ang-buhok-at-tamang-pagkain.html
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/
https://www.newspresenter.net/2020/04/pagandahin-ang-buhok-at-tamang-pagkain.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy