Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng likas na yaman. Tanyag ang Pilipinas sa mga magagandang tanawin na tiyak na maipagmamalaki natin sa ...
Isa sa mga damo na napakakaraniwan lang sa ating bansa ay ang dahong makahiya. Ito ay tinatawag na sensitive plant, sleepy plant, action plant, shameplant o shy plant. Ang makahiya ay kakaibang damo na kung saan kung iyong hihipuin, ang mga dahon nito ay titiklop. Kaya naman ito ay kinaaaliwan ng mga kabataan sa kakaibang feature nito.
Ang damong ito ay tumutubo lang kung saan-saan lang sa ating bansa dahil ito ay tumutubo lamang sa isang bansang may tropikal na klima.
Agaw pansin naman ang post ni Than-than Javier na kung saan ang damong makahiya ay ibinenta sa Canada na nagkakahalaga lang naman ng $7.99 o katumbas ng 400 pesos.
Kahit man ang makahiya ay itinuturing lang na ordinaryong damo dito sa ating bansa pero sa ibang bansa ay mahal pala ito. Hindi ito basta-bastang tumutubo sa Canada dahil ang bansang ito ay may malamig na klima.
Ano nga ba ang nasa damong makahiya bakit ito ibinenta sa ibang bansa? Hindi alam ng karamihan na damong ito ay may benepisyo pala sa ating kalusugan.
Ito ay nakatutulong sa ubo at sipon, dysmenorrhea, problema sa bituka at may marami pang iba. Ito rin ay mataas sa antioxidants gaya ng amino acids, flavonoids, at fatty acids.
Kaya naman kung bakit nga pala ito mahal sa ibang bansa dahil sa tulong nito sa kalusugan. Hindi man natin sadyang nabigyang halaga ang damo na ito ngunit ito ay nakatutulong pala sa ating mga karamdaman.
COMMENTS