Lahat ng bagay dito sa mundo ay pansamantala lamang. Maaring ang isang bagay na natamo ng isang tao noon ay possibleng maglaho sa isang pana...
Gaya ni John Regala na dating sikat na aktor ay natagpuan ng isang grab driver na kakaiba na ang itsura. Siya ay payat na at mayroon ng karamdaman. Isang concern citizen, isang grab driver na si Carlo Marti S. Clariza na 30 taong gulang ay nag post sa kanyang facebook account sa larawan ni John Regala na nakaupo sa bangketa at payat na dahil sa kanyang karamdaman.
Kumalat ang larawan sa social media at umani ng atensyon sa mga netizen. Kilala si John Regala na dating sikat na kontrabidang aktor. Ayon sa post ni Carlo, humingi umano ng tulong ang aktor sa kanya dahil siya ay nahihilo sa gutom.
"Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po sa aken kase nahihilo po siya."
"may hinahanap siya na nurse Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita" ,ang kwento ni Carlo.
" dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad Naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan."
Nakita umano ni Carlo si John sa Pasay. Tinulungan niya ang aktor . May hinihintay daw si John na isang nurse para mag bigay sa kanya ng gamot. Bagamat may delivery pa si Carlo, minabuti niyang hindi muna siya umalis hanggat walang umaasikaso sa aktor.
"masakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon 

Kaya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako'y may deliver pa
maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong."




Dahil sa post ni Carlo, dumating ang post na ito sa Raffy Tulfo in Action at Kapuso Mo, Jessica Soho para mabigyan ng attention at tulong ang aktor.
Ayon sa aktor, pinabayaan umano siya ng kanyang asawa at pamilya dahil wala na siyang pera. Kwento din ni John na meron siyang Liver Cirrhosis na naging dahilan sa kanyang pagkapayat at paglaki ng kanyang tiyan.
Balibalita din noon na si John Regala ay nasangkot sa isang masamang bisyo at kalaunan ay kanya itong tinalikuran at nagbigay ng pananampalataya sa Panginoon. Hanggat isang araw ay nagkaroon na lamang ito ng malubhang karamdaman.
COMMENTS