Sa panahon ngayon ngayon, lahat ng tao ay apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya. Inanyayahan ang lahat na hindi muna lumabas ng bahay...
Sa panahon ngayon ngayon, lahat ng tao ay apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya. Inanyayahan ang lahat na hindi muna lumabas ng bahay. Gayun pa man, kahit na apektado ang mga trabaho ang patuloy pa rin ang mga gastos at bayarin. Kaya naman, marami ng naglalabasan na mga negosyo sa online.
Hindi lamang ang mga ordinaryong tao ang naaapektohan ang kabuhayan kundi kasali na rin ang mga artista na kung saan wala silang taping at shooting. Marami na rin sa mga artista na dumiskarte na rin para patuloy pa rin ang pagpasok ng kanilang income, dahil kung hindi nila ito gawin ay tiyak na magugutom din ang kanilang pamilya.
Heto ang ilan sa mga artista na nag simula ng kanilang negosyo sa panahon ng pandemya:
1. Ryan Agoncillo at Judy Anne Santos
Binuksan muli ng mag asawa ang kanilang restaurant business na Angrydobo at Pizza Telefono na maging available na ito online at edeliver ito sa mga customer na gustong umorder.
2. Ara Mina
Si Ara Mina ay nagmamay-ari ng Hazelberry A Taste of Love Restaurant kung saan pinasok na rin online. Muling binuksan ng actress ang restaurant sa kalagitnaan ng GCQ pero may mga guidelines pa rin na sinusunod gaya ng pag suot ng face-mask, hand sanitation at social distancing.
3. Lotlot de Leon
Pinagkakaabalahan ni Lotlot ngayon ang pagbebenta ng homemade food online gaya ng ready to cook marinated liempo at manok, barbeque, banana bread at tocino. Ibinahagi niya ito sa kanyang instagram post na sumusuporta din siya sa mga small at local na negosyo.
4. Ai Ai Delas Alas
Muling binalik ni Ai Ai ang kanyang hilig sa baking. Siya mismo ay hands-on sa kanyang negosyo at binuksan niya ang pastry business na pinangalanang Martina's Pastry.
5. Derrick Monasterio
Naisipan ng kapuso hunk na si Derrick ang kanyang negosyo na Quaran-Clean PH sa kalagitnaan ng pandemya na nag oofer ito ng home service sa mga taong nais magpagupit at magpapa ayos ng buhok.
Ilan lang ito sa mga artistang mas pinili ang dumiskarte kaysa mag inarte sa kalagitnaan ng pandemya. Ano ang masasabi mo sa kanilang negosyo?
COMMENTS