Connect with us

trends

Miss Universe 2018 Catriona Gray Filed Complaint to the NBI for her fake topless photo

Published

on

In the past few days, Catriona Gray has gone through a serious issue of unfaithfulness to her ex-boyfriend Clint Bondad. She was just silent regarding the issue until the day when her fake topless photo has been circulated online. The photo was digitally altered.

On July 21, Catriona had already seek help and filed a complain to the National Bureau of Investigation (NBI) regarding her photo that circulated online. The beauty queen personally went to the NBI to take a legal action regarding the issue right after her commitment at the Department of Trade and Industry.

Gray’s attorney, Atty.Joji Alonso said,” We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered.”

She said that the person who try to tarnish the beauty queen’s name should be responsible of the act. “At a time when fake news is prevalent, we firmly urge the public to be discerning and critical of what they see and share on social media”, she added.

Currently, the beauty queen has a new relationship with Sam Milby. The issue triggered when an a netizen posted photos in instagram regarding Catriona and Sam Milby’s relationship has overlapped with Clint Bondad. Cat and Sam are just silent in the issue.

Catriona’s camp has seriously taken action to trace the person responsible to the spread of the malicious photo.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Handa na si kuya! Vaccination card details inimprenta sa t-shirt para hindi na mapapagod magpresenta

Published

on

By

Pagod ka na bang maglabas ng iyong vaccination card sa tuwing hahanapin ito sa ‘yo sa mga establisimyento o sa public transport? Kung oo, eto na ang solusyon sa problema mo!

Nag-viral sa social media and isang print shop owner na si Jojo Pasia mula sa Lipa City, Batangas. Ito ay dahil sa isinuot niyang “vaccination t-shirt” na nagpapakita ng harap at likurang bahagi ng kanyang vaccination card upang hindi na daw niya kailanganing ilabas ito kapag papasok sa mga establisimyento.

Yes, inimprenta niya sa kanyang puting tshirt ang vax card niya. Naisip niya raw ito matapos nilang mamili ng kanyang asawa sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sa lahat na lang daw kasi ng pintuan na pinapasukan nila ay  kailangan ipresenta ang vax card. Ito ang naisip niyang solusyon para mapadali ang proseso sa mga pinupuntahan nila.

 

 

“Naisip ko lang po ’yung idea kasi kahapon. Galing kami ni misis sa Quiapo, Divisoria, at Baclaran. Sinamahan ko siya bumili ng mga pang online business niya. Lahat na lang ng pintuan na pinapasukan namin kailangan ipakita ang vaxx card. So pag-uwi ko naisip ko scan ko nga ID ko tas i-print ko sa damit,” ani Jojo.

Matapos mag-viral sa social media, marami na raw ngayon ang mga nais magpagawa ng vax card t-shirt, pati na rin ang kanilang barangay kapitan.

“Nag-pm (private message) ’yung iba magpapagawa daw. Pati barangay captain namin kinontact ako, nagpagawa,” dagdag pa niya.

Kumalat na rin ito sa kung saan-saang social media platforms at FB pages at humakot na ng mahigit 79k reacts at 5.2k komento sa Philippine Star pa lang.

Maraming netizen ang nagkomento sa kanyang viral post.

“Maganda yan lalo na pag sa mga makakalimuting tao lagi nakalimutan dalhin mga importanteng ID pati vaccination card hahha”
“Yan na lang lagi ang suotin kada lalabas ng bahay. At saka dapat laminated para hindi mabura o kumupas,” ani A. Jaena.

“Oo nga naman babasahin na lang di na mapapagod ka labas masok ng vacc.card”

“Vaccine card no moreeeeee sm malls is shaking”

Mayroon din naman nagpahayag ng agam-agam dito. “And expose your informations to the public?! Anu bang nakakapagod sa paglabas ng ID dika naman aakyat ng bundok at tatawid ng dagat kung lagi mo ng dala. Be responsible po. Masanay na tayo kasi this is the New Normal na.”

Continue Reading

animals

Bookstore na nagsisilbi ring tahanan ng mga pusa, bentang-benta sa cat lovers

Published

on

Halos kalahating buwan pa lamang simula nang ito ay binuksan ngunit naging paboritong tambayan at atraksyon na para sa mga cat lovers ang isang bookstore na matatagpuan sa Aix-en-Provence, France. Bukod kasi sa puno ito ng magagandang klase ng aklat, ang Mon Chat Pitre ay isa ring tahanan para sa anim na magagandang pusa.
Ayon sa Oddity Central, simula nang buksan ang bookstores nitong nakaraang Hunyo ay kinawilihan na ito ng mga mahihilig sa pusa. Sa bawat sulok ng shop, makakakita ka ng mga pusa na may iba’t ibang ginagawa. May natutulog sa mga libro. May naglalaro. May nagmamasid sa mga tao. May mga agad ding  “nag-e-entertain” ng mga customer na pumapasok dito.
At ito ang talagang nasa isipan ng mga nasa likod ng bookstore na sina Solène Chavanne at Jean-Philippe Doux, mga television journalist na nangarap magkaroon ng isang espesyal na tindahan ng aklat kung saan payapang makapamimili ang mga bookworm habang nasa paligid ang mga magaganda at mababait na pusang mas magpapaganda pa ng araw nila.
Anim na pusa raw ang matatagpuan sa nasabing bookstores at lahat sila ay in-adopt mula sa isang local shelter. Sa kasalukuyan, ang mga pusa raw ay kinokonsidera rin ng mga nagmamay-ari ng shop bilang  ambassadors ng mga napabayaang pusa.
Kapag may customer daw na interesadong mag-alaga ng mga pusa, maaari rin sa kanilang humingi ng tulong kung paano makapagsisimula, lalo na at marami pang mga katulad nila sa mga local shelter na kalapit ng bookstore.

Samantala, para naman hindi mapagod ang mga pusa sa dami ng mga bisitang nakikipaglaro at kumakarga sa kanila, naglaan ang may-ari ng isang lugar sa likod ng shop na nagsisilbi nilang “retreat area”.

Sa lugar na ito, hindi raw maaaring pumasok ang mga bisita at ang matatagpuan lamang ay ang kanilang mga laruan at higaan. Kapag ayaw muna nila sa loob ng tindahan, pumupunta sila sa nasabing lugar. Cats’ haven!

Continue Reading

social media

Buyer laking gulat nang matanggap nang nakarolyo ang stuffed toy na inorder

Published

on

Isa ka ba sa mga nahilig na sa online shopping? Naging buyer ka na rin ba ng stuffed toy online?

Para mabawasan ang paglabas-labas ngayong pandemya, mas dumami pa ang tumangkilik ng iba’t ibang online shopping apps, at hindi maitatanggi kung gaano kalaki ang naiambag nito sa gitna ng ganitong situwasyon. Gayunman, hindi rin maitatanggi ang mga disadvantage na kaakibat nito, lalo na at hindi nakikita ng bibili ang aktwal na produkto.

 

Kamakailan lamang, ikinagulat ng isang buyer nang dumating ang inorder niyang Pokemon stuffed toy sa isang online shop. Sa halip kasi na ang inaasahang may kalakihang package, isang maliit na supot na para bang nakarolyong face towel ang na-deliver sa kanya.

 

Image via Pokedex and Extras | Facebook

 

Sa pamamagitan ng Facebook page na Pokedex and Extras, ikinuwento niya na nagduda pa siya noong una kung sa kanya ba talaga ang dumating na package. 

Ngunit nang buksan niya, laking gulat niya nang makitang ang nakarolyo pala ay talagang ang stuffed toy na inorder niya.

“For a second there, I thought I got the wrong package. LOL, how did they fit you in there, Snorlax?” saad sa caption ng post.

 

 

Libo-libong social media users ang nag-react at nag-iwan ng kumento sa nasabing post. 

May mga natawa sa nangyari at sa hitsura ng karakter na parang naging nakakatawa dahil sa epekto ng pagkakarolyo. Biro pa ng ilan, malamang daw sa malamang ay magkakasya ito sa maliit na supot dahil ang mga Pokemon o “pocket monsters” ay nagkakasya sa maliliit na Pokeball.

“We all catch it with Pokeball, you know, and it fits! And you’re asking how it’s fit in the parcel?” ani H. Ibrahim.

“Now, you know how Pokemon fit into a Pokeball,” wika ni G. Chow.

“He even fits inside a Pokeball,” sabi naman ni F. Ho.

Mayroon din namang mga nabahala sa kalidad ng produkto ng stuffed toy na dumating at nais alamin kung saang shop nabili ito.

Continue Reading

Trending